Dedicated to all my MDH Family xD .. To my Bebe A / Nay a.k.a TheMissA :) and to my lulu and LALA :D know nyo na kung sino kayo , right ? :D hahaha chena-chena lang to wag dibdibin :D oh basa na !! :D
[Mga panahong jeje pa ko. 👆] 😂
--Nagsimula ang lahat ng ito noong nawalan ng WIFI ang aming kapitbahay na siyang inaasahan ko upang makapag-connect sa social media.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Kailangan ko pa tuloy tumambay ng maghapon sa isang coffee shop sa kabilang kanto ng subdivision namin.
Kakambal na ng buhay ko ang wattpad, facebook, twitter at iba pang social networks kaya hindi nyo talaga ako masisi kung araw-araw niyo kong makikita sa may coffee shop na ang tanging binibili lang ay isang Mocha latte na shake.
Hanggang isang araw.
Oh teka lang! Ako nga pala si Kokkie Shyann Pierro, 17 yrs old, syempre babae, and 2nd year college student sa Diamond-Chant University.
Hanggang sa isang gabi pala, naabutan na ko ng pagsasara ng coffee shop.
"Ahm miss magsasara na po kami." turan ng isang lalaki sa akin na halata namang nagta-trabaho dito.
"Yeah! Nasa akin ba ang pinto at hindi mo masara?" Seryosong sabi ko habang nasa laptop parin ang mga mata ko.
"ahhh?"
"De'joke lang kuya! Hehe." Sabi ko at agad na sinikop ang mga gamit ko.
"Ok po, miss" sagot nya at nag shupi na sa harapan ko.
Inayos ko na laptop ko at inilagay sa dala kong bag.
"Ahm excuse me sir, magsasara na po kami." dinig kong sabi ulit ni kuya.
So hindi lang pala ako ang makapal ang mukha dito? Haha.
"Nasa akin ba ang pinto at hindi mo maisara?" Sagot nito.
Napalingon ako bigla sa direksyon ng isang lalaking gumaya lang naman sa sinabi ko kanina.
Hindi naman niya siguro ako narinig kanina? Ang layo kaya niya at halos pabulong ko lang iyon sinabi!
I was about to comment but he immediately left the shop.
"Sige po kuya, alis na po ako. Salamat sa libreng wifi hehe." Paalam ko kay kuya.
"Sige mag-iingat ka." Sagot naman nito bago ako pagbuksan ng pinto.
Pagkalabas ko ay tinignan ko ang oras sa wristwatch ko. Patay! Siguradong lagot ako kay nanay nito.
Pero syempre hindi ako tatakbo para lang makarating sa bahay. Mapapagod lang ako no, mapapagalitan din naman ako kaya useless na.
Pero pagkaliko ko sa isang kanto ay bigla na kong kinabahan. Kailangan ko nga atang tumakbo. Langya! May nasunod sa'kin. Napatigil ako sa paglalakad kaya dinig na dinig ko ang mga mabibigat na hakbang mula sa likod ko.
I counted one to three before I run. Pero sa unang hakbang ko palamang ay nadulas na ako.
"Ahhhhh!" Tili ko at naramdaman ang matigas na sementadong daan sa pwetan ko.
Aray naman! Ano ba! Bwisit na balat na saging oh! Tsk!
"Miss ayo---"
"Waaaaah! Wag kang lalapit! Waaaaaaah! bitiwaaaan mo ako! Waaaaah!" Napatili ulit ako ng maramdaman ang kamay ng taong nakasunod sa akin.
"Tss bahala ka nga." sabi ni manong habang nakapikit pa din ang mata ko. Natatakot ako eh ano ba!
Narinig ko na lang ang mga hakbang niya papalayo sa akin. Seryoso? Di man talaga nya ko tinulungan?