CORAZON
Tama ang hinala niya. Ang pagtakas ni Donny ay lumikha ng eskandalo sa dapat ay matiwasay na sagala. Malayo pa lang ay nakikita niya na ang organizer na halos sabunutan na ang sariling buhok sa pamomroblema. Maingay din ang mga taong usap-usapan ang anak ni Mayor Greg.
Sa tent kung saan ang alkalde ay nagkakagulo din. May mga bodyguards na hindi mapakali at panay ang kausap sa kung sino sa earphones. Ang ina ni Donny ay bakas ang pag-aalala sa anyo habang ang ama nito'y pilitin mang gawing blangko ang ekspresyon ay may nakakatakas pa ring galit.
She's tempted to share what she knows ngunit tingin niya'y mas makakabuti kung manahimik na lang siya kaysa ang idamay pa ang sarili doon.
"Corazon!"
Napalundag siya nang may tumawag sa kanya. Nilingon niya si Myriah na humahangos palapit sa kanya. She looked so disappointed and worried at hindi niya na kailangan pang maging manghuhula para malaman niya kung bakit.
"Nawawala 'yung anak ni Mayor Greg! Nandito na daw siya kanina pero biglang naglaho! Ang sabi ay baka may k-um-idnap daw! Nakakatakot!" anito na may kasama pang pang-aalog.
Napangiwi siya. Hindi lang dahil halos maalog ang utak niya sa ginagawa nito kung hindi dahil sa sinabi nito. May k-um-idnap? Ako ang na-kidnap niya!
"Maayos lang 'yun. Huwag kang mag-alala," walang emosyon niyang sabi.
"Huh? Paano mo nalaman?" natatawa nitong tanong. "Ano ba 'yan. Akala ko pa naman makikita ko na siya tapos hindi pa rin pala! Kailan ba talaga siya magpapakita sa'kin? Ni hindi ko man lang alam pangalan niya."
"Donny," aniya na parang wala sa sarili.
Tinitigan siya ni Myriah. Naniningkit ang mga mata nito sa kanya. "Ano? Donny? 'Yan ang pangalan niya? Paano mo nalaman?"
Sinipa siya ng kaba. Bakit nga ba kasi hindi na lang siya nanahimik? Nag-isip siya ng magandang palusot at nagpapasalamat siya sa kanyang matabang utak!
"N-Narinig ko lang. Sa mga tao. M-May mga nakaka-alam naman kahit paano."
Her friend pouted, "Saan naman nila nalaman? Buti pa sila. Ano pa kayang alam nila? Nako, malas talaga!"
Nanatili kay Donny ang kanyang isip kaya hindi siya masyadong makapagsalita.
Halos isang oras din ang naging delay sa prosisyon. Walang nakakita kay Donny. Hindi na rin nagtagal si Mayor at ang pamilya nito doon at naintindihan naman iyon ng lahat. Everybody thought that the Mayor's son was kidnapped so they sympathized and understood.
Kung alam lang ng mga ito.
Hindi niya pa rin matanto kung bakit ginawa ni Donny iyon. Kung ayaw nitong kasali sa sagala, bakit hindi nito sinabi ng mas maaga? Hindi iyong nag-damit ito't pinaasa ang lahat na sisipot ito tapos hindi naman pala. Malaking perwisyo ang nilikha nito.
Or...that's the point? Gusto nitong maka-perwisyo at maka-likha ng gulo? Pero bakit? Wala siyang nakikitang rason para gawin nito iyon. Kakauwi lang nito dito sa San Bernardo. She just can't think of any reason for him to create that kind of commotion.
Ano 'yun, papansin lang? Pero kung sabagay masyado nga ito'ng maloko. Iyon ang napansin niyang katangian nito sa sandaling panahong nagkasama silang dalawa. Hindi na nakakabigla kung gumawa man ito ng malaking gulo dahil lang trip nito.
Nailing siya't pinagalitan ang sarili dahil hanggang kinabukasan ay iyon ang kanyang iniisip. Paano ba namang hindi? Mainit ang ulo ng Tiya niya simula pa kaninang umaga at dahil iyon sa nangyari kahapon.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)
FanfictionAlam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in to the picture and made her experience strange feelings. But why? He's the total opposite of her dr...