•
Sagana ang karagatan sa ibat-ibanglamang dagat na mapagkukuhanan
ng pangkabuhayan katulad ng
sari-saring klase ng isda,
alimango at marami pang iba.
Sa Palawan ang pangingisda ang
pangunahing pamumuhay ng
karamihan doon.
Isa si Nowel sa napaka raming
mangingisda sa kanilang lugar.
Araw2x hindi ito bigo sa kanyang
pangingisda.
Nakuha nya ang kahusayan sa
kanyang ama na si mang rodulfo.
Hindi kasi cya nka pag aral sa high
school at tanging natapos nya lng ay
elementarya at maaga pa siyang nag
asawa sa edad na 18.
Ang kanyang asawa na si Melani ang
nagbebenta ng mga nahuli nyang
isda.
Maraming klase ng isda ang
nahuhuli ni nowel, may maliit at
malalaki.
Isang beses sa isang linggo lng
bumibyahe ang ferry na aangkat ng
kanilang huling isda kaya ang
ginawa nila binibilad nila ito sa
araw, ginagawang daing.
May mga buwan na talgng sagana
ang isda, subalit hindi sa lahat ng
pagkakataon meron.
Minsan dadanas rin ng hirap at
walang mahuling isda.
Dumating ang puntong kakaunti nlng
ang nahuhuli nila.
Napabuntong hininga si Nowel ng
itaas nya ang lambat at kaunti lng
ang kuha nito.
...umuwi siyang matamlay at
namomroblema, pangingisda lng
kasi ang pamumuhay niya.
"Paano ako makakapag ipon nito
para sa magiging anak namin kung
mahina na ang pangingisda" sabi ni
nowel sa sarili.
,,nahalata ng melanie na problemado
ang asawa, nakita nya kasi itong nka
upo, harap ng kanilang bahay
habang nakatingin sa dagat,
hawak2x ang mainit na tasa ng kape.
Nilapitan niya ang asawa at
hinawakan sa balikat.
"Parang npka lalim ng iniisip mo
pangga! Ano ba problema?" Tanong
ni melani sa asawa.
"Humina na kasi ang pangingisda,
pano tayo mkakapg ipon nito para
sa magiging anak natin?" Sagot ni
nowel.
"May naitabi pa naman ako, yun nlng
muna gamitin natin" sabi ni melanie.
....