Asha***Sobrang naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari ngayon at sa mga nalaman ko.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.Nalaman ko na niloko at ginamit lang pala ako ni Chadd noon pero ngayon binalikan nya ako kasi ako ang mahal nya.
Nalaman ko rin na may pagtingin sakin si Ace noon pa man, kaya pala lagi syang andyan para sakin.Alam ni Ace lahat nang nangyayari kay Chadd pero hindi manlang nya sinabi sakin. Mas masakit ang ginawa nya kesa sa panloloko sakin ni Chadd.
Hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit nya nagawa yun. Lagi kaming magkasama, lagi syang nandyan para sakin pero di manlang nya sinabi sakin. Hinahayaan nya lang akong nagmukhang tanga kakahintay at kakahanap kay Chadd.
Gusto kung magalit sa kanya pero hindi ko kaya. May parte sa puso ko ang pumipigil na magalit sa kanya."Bakit hindi mo nalang tanungin si Asha kung sasama ba sya sayo o mananatili sya sa kin"
Rinig kung sigaw nya kay Chadd..
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko.
Sasama ba ako sa nanloko sakin noon o mananatili ako sa taong naglihim sakin ngayon."Wala kanang magagawa pa.. Isasama ko sya sa ayaw at gusto nya dahil ako ang mahal nya. "
-ChaddKung pipiliin kong sumama kay Chadd,matutupad na ang pangarap kong magkakaroon ng kumpletong pamilya para sa anak ko. Mahal ko si Chadd noon pa man dahil sya ang ama ng anak ko pero may bahagi ng puso ko na gustong manatili kasama si Ace.
Pero sa ngayon.. Kapakanan ng anak ko ang mas mahalaga sakin. Ayokong lumaking walang makakagisnan na ama ang anak ko kahit masakit at mahirap ang magiging desisyon ko. Doon ako sa makakabuti para sa anak ko."Ace.. Im sorry.. Pero sasama na ako kay Chadd"
"Asha.. Please.. Huwag kang sumama sa kanya. Mahal kita.. Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako kung nagsinungaling man ako sayo. Ginawa ko lang yun dahil alam kong masasaktan ka. "
"Siya ang tunay na ama ng anak ko. At sya ang mahal ko"
Parang nadudurog ang puso ko sa mga nasabi ko at sa mga narinig ko mula sa kanya.
"Kaya ko rin nmang magpakaama sa anak nyo basta ako ang piliin mo"
"Hindi mo na kailangang gawin yun Ace.. Sasama na ako kay Chadd.. Sana mapatawad mo ako... "
"Asha.. Sa oras na piliin mo si Chadd.. Hindi mo na ako makikita pa kahit kelan kakalimutan ko na lahat ng meron tayo"
Natigilan ako sa sinabi nya.
"Tinatakot mo ba si Asha.. Hah Ace!! "
Sigaw ni Ace"Asha totoo ang sinabi ko"
Hindi ako nakapagsalita.. Mas lalo akong umiyak sa narinig ko. Ayaw ng puso ko na kakalimutan na ako ni Ace.
Naramdaman ko nalang na inaalalayan ako ni Chadd papuntang kotse nya.
Nakita ko na nakasunod samin si Ace.
"Asha.. Please...
"Talagang hindi mo titigilan si Asha!!! "
Sigaw ni Chadd.At biglang sinuntok si Ace. Hindi lang suntok ang ginawa ni Chadd sa kanya kundi binogbog pa nya ito. Hindi lumaban si Ace kahit alam kung napupuruhan na sya.
"Chadd., tama!! "
Sigaw ko sa kanya
"Yan ang dapat sa kanya"
Nilapitan ko si Ace na puro pasa ang mukha.
"Ace.. Im sorry.. Kailangan kong gawin to para sa anak ko. Ayokong lumaki na walang kinikilalang ama ang anak ko. Ginagawa ko to dahil ito dapat kung gawin. bakit ka hindi lumaban? "
"Asha.. Lumaban ako! "
Naguguluhan ako sa sinabi nya. Umiiyak narin sya.
"Lumaban ako pero ikaw ang hindi lumaban Asha. Pinaglaban ko ang nararamdaman ko sayo. Alam ko na may gusto kana sakin pero hindi mo pinaglaban ang nararamdaman mo sa kin. Itong ginawa sakin ni Chadd, wala to sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Sana mapatawad mo ako sa paglilihim ko sayo.Ginawa ko lang yun dahil natatakot akong iwan mo ako. Natatakot akong sya ang piliin mo Sana tama at maging masaya ka sa naging desisyon mo. Hindi na kita pipilitin pang piliin ako dahil alam kong sya ang piliin mo dahil sya ang mahal mo noon paman. Sana maging masaya ka, kayo ng pinsan ko. "
Naglakad na sya papasok sa loob ng bahay ng di manlang lumingon.
"Asha..halika na..malayo pa ang babyahein natin"
Sana tama at hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
Narrativa generaleLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.