"Kaya mo yan Jing. It's NOW or NEVER."
Kanina ko pa minomotivate yung sarili ko. Kung hindi ko pa sasabihin ngayon, habang buhay kong pagsisisihan na hindi ko to sinabi. Mas mabuting i-overcome yung kaba ngayon kaysa naman magkaroon ng regrets diba?
Naalala ko pa 2 months ago, sumama ako sa isang basketball game ng school namin. To support my school. Sakto pang every saturday ang game so walang problema sa sched.
May service ang school namin, kasabay ko yung mga schoolmates kong manunuod rin ng game. Kantahan pa kami sa service. Mabait naman yung driver namin kaya party party lang kami sa loob.
Nakarating na kami sa school kung san gaganapin yung game. Sabi nung guard, sa gym 3 daw kami pumunta. Sinunod naman namin.
Pumasok na kami tapos sa front row ako pumwesto. Katabi ko yung kabatch kong si Jean. Wala na kasing bakanteng upuan, na-occupy na nung iba kong schoolmates. Di naman sobrang dami ng nanunuod. Tapos sa kabilang bleachers yung supporters ng kabilang team.
Nagwawarm-up na yung players, malapit na magstart yung game e.
"Uy ang gwapo nung number 13 oh!" narinig ko sa di kalayuan. At di na ko nabigla sa narinig ko, kanina pa sila nag-uusap tungkol sa mga pogi daw na players ng kabilang team. Totoo naman na pogi nga. Pero we're here to support our team. hindi para magboy-hunt!
Eavesdropping ang peg ko ngayon. Hindi sa chismosa or what. Kasalanan ko bang loudspeaker yung pag-uusap nung mga schoolmates ko sa di kalayuan?
"Oo! Gwapo rin yung number 4!" sabi nung isa. Hinanap ko yung number 4. Angas, ang yabang ng dating. Di ko siya feel.
Habang naglalaro sila, puro shooting yung kabilang team. Na-attract ako dun sa number 10. :""""> Shooter kasi e. Tapos pareho pa kami ng number! Number 10 din kasi yung number ko sa jersey. Ang cute niya lang. :')
Sakto lang yung katawan, tapos nakataas yung buhok, maputi, manly yung itsura niya. Ang ganda ng mata niya. :''')
OKAY. Sabi ko hindi boy-hunting tong araw na to. Para to sa basketball game! HAHAHAHA!
Nagpatuloy lang yung laro. Tapos pinasok si number 4. Salvosa yung apelido. Yun yung mayabang. Di ko alam kung anong meron pero ang yabang lang ng dating niya sakin. -___-
Tapos tuwing makakashoot yung Salvosa, lakad mayabang.
"ANG YABANG MO! BOOOOO! ANG YABANG YABANG MO!" di ko na napigilan yung sarili ko. Sinigaw ko na yan. Rinig na rinig yung boses ko sa buong gym kasi nga onti lang yung nanunuod at ang tahimik nila habang nanunuod ng game.
Habang napapadaan si yabang sa harap ko, (1st row ako at kaunti lang yung distance ng bleachers sa mismong court) sinisigawan ko ng "mayabang."
Nag-eenjoy ako sa pang-aaway dito ah! HAHAHA
Ayun, siya may hawak ng bola at dineretso niya sa ring. Shoot. Magaling sana kaso ang yabang lang. Pagkashoot niya, nag-belat siya sakin.
Lalo ako nabadtrip. "Ang yabang yabang mo. Sana ilabas ka na." sabi ko sa sarili ko.
"Ang pogi ni Salvosa no? :"> " sabi ni Jean, yung katabi ko.
"Sus! Mayabang naman yan." -__- inis kong sabi sa kanya.
"Bakit ba ang init ng dugo mo dun? Ang gwapo nga eh, ang galing pa." :""""> kilig naman niyang sabi.
Nanuod na lang ulit ako. At napadaan na naman sa harap namin si Salvosa. Nagstay siya dun kasi may binabantayan siya. Alam niyo yung di makagalaw yung players kasi may bantay sila? That's what's happening. Nakaderetso na yung player ng school namin sa ring nila, well, sa kabilang side pa kasi nag-change court na.
BINABASA MO ANG
A Letter for Aaron (One-shot)
Romance"Kaya mo yan Jing. It's NOW or NEVER." Kanina ko pa minomotivate yung sarili ko. Kung hindi ko pa sasabihin ngayon, habang buhay kong pagsisisihan na hindi ko to sinabi. Mas mabuting i-overcome yung kaba ngayon kaysa naman magkaroon ng regrets diba?