C6: Hurt

1K 41 4
                                    

-

C6: Hurt

[Madeline]

Nasa kalagitnaan kami ng dinner nang tumawag ang kontrabida. Sorry not sorry. Kontrabida naman talaga.

"Kailangan kong umalis Love." Baling nito sa akin.

"Bakit? Anong sabi ng Mommy mo?" Walang ganang tanong ko.

Lumapit ito sa akin saka yumakap sa bewang ko at hinalikan ang ulo ko.

"Something happened to Abi at pinapapunta ako ni Mom. Wala dito ang parents niy--"

"At sa inyo siya binilin at hinahanap ka niya?" Walang ganang dugtong ko.

"I'm sorry..." Mahinang sabi nito.

"I understand. She's still your closest childhood friend. Sige na. Puntahan mo na." Kalmadong sabi ko.

Syempre, sinabi ko lang 'yun kahit ayaw ko siyang papuntahin. Ganyan naman tayong mga babae eh. Kahit ayaw, nagpapanggap na ok lang.

Ayoko namang maging kontrabida sa mismong istorya ko. Ok na sa aking sila itong kontrabida at ako ang bidang nasasaktan ngayon. Ganito naman talaga ang mga bida, nagpapaapi sa una.

Umalis nga siya at pinuntahan ang isa sa mga kontrabida sa kwento ng buhay ko. Ano ba naman ang magagawa ko? Mas matagal niya namang nakasama si Abi kaysa sa akin. Kung iisipin ay ako ang magiging kontrabida kung masama ako. Mabait pa ako sa lagay na 'to.

Talagang hindi ko lang maiwasan magtanim ng sama ng loob sa mga kontrabida. Sabagay, boring ang buhay at kwento ko kapag walang kontrabida. Bakit pa kasi nagkaroon ng kontrabida sa mundo?

"Aray!"

Biglang sumakit ang tyan ko kaya napahawak ako dito at huminga ng malalim.

Minabuti ko na lamang na pumasok sa kwarto at pakalmahin ang napaka-sensitive kong sarili ngayon.

Naramdaman ko naman ang pagdating niya kaya nagising ako.

"So, ano na nangyari kay Abi?" Walang ganang tanong ko.

Lumapit ito sa akin nang makabihis ng sando niyang pantulog. Yumakap ito at humalik sa leeg ko.

"She committed suicide." Inaantok na sagot nito.

"Bakit? Dahil sa'yo?" Pagtataka ko.

"Her parents decided to divorce."

"Ay. Kawawa naman siya... Ok naman siya? Kahit naman ganoon si Abi, eh naaawa pa naman ako."

"I think so." Mahinang sagot nito.

Kinaumagahan ay nalaman ko sa asawa ko na papatuluyin daw muna ng parents niya si Abi sa kanila para mabantayan at may makasama baka daw kasi mag suicide ulit.

Buti pa siya kusang pinapatuloy, ako kailangan may dahilan para patuluyin ng magulang ng asawa ko.

Isang linggo na si Abi sa bahay ng parents ni Dayne at paminsan-minsan ay hinahayaan ko siyang dalawin ito kahit ayaw ko, eh ang parents niya naman talaga ang nagpapapunta sa kanya doon para daw dalawin man lang si Abi. Wala naman akong magagawa, they're still his parents kahit masama loob ko sa mga ito.

"Hindi makakauwi ang asawa mo ngayon. Gabing-gabi na, nakainom pa man din si Dayne kasama ang ama niya. May pinag-usapan sila. Ipinapaalam ko lang sa'yo. Bye."

Tumawag ang ina nito para sabihin lang 'yan? Hindi man lang siya 'yung tumawag. Wala pa man din akong tiwala sa ina nito.

Syempre bilang isang mabuting may bahay, I'll try to understand at hayaan ito.

Nagising ako sa pagdating ng asawa ko ng madaling araw. Hinayaan ko siyang magluto ng almusal namin kaya naligo na muna ako.

"Love, kakain na!"

"Sige! Wait lang!"

Kinuha ko ang phone ko para makita kung sino ang nagtext pero unknown number at ikinahina ko nang makita ko ang laman ng mensahe. It's a picture. Dayne with Abi in a bed and a blanket covered on their bodies. I inhaled deep and calmed myself.

Anong ibig sabihin nito?

Pumunta ako sa kusina at pinilit na maging normal ang kilos. Lumapit ito sa akin saka hinalikan ang ulo ko.

"Ba't 'di ka tumawag sa akin kagabi?" Walang ganang tanong ko dito.

"Hindi ka ba tinawagan ni Mom?" Baling nito sa akin.

"Tinawagan." Mahinang sagot ko.

"Kausap ko kasi si Dad. Nagkainuman kami at hindi nila ako pinapauwi dahil magdadrive ako." Paliwanag nito.

Hindi na ako nagtanong kung anong pinag-usapan nila dahil hindi 'yon ang kinasasama ng loob ko.

"Saan ka natulog?" Seryosong tanong ko.

"Sa bahay syempr--"

"Sa dating kwarto mo?"

Umiwas ito ng tingin sa akin na para bang hindi makahanap ng kasagutan sa tanong ko. So, totoo 'yung picture?

"O-of course in my room..." Mahinang sagot nito.

Bakit ang halata niya masyado?!

Kumain ako ng tahimik dahil naiiyak na ako. Bumalik ako ng kwarto pagkatapos kumain at kinuha ang phone ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Ang sakit. Nagsinungaling nanaman siya, pero mas masakit 'yung makita siyang may katabing iba.

Hinaplos ko ng ilang ulit ang tyan ko dahil sa panay ang pagkirot nito ngayon.

Pumasok ito sa kwarto at tumabi sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone ko habang patuloy kong hinahaplos ang tyan ko.

"Love..." He held my face and there I cried.

Pinilit niya akong yakapin pero kahit malakas siya, lumayo ako sa kanya.

"Mahal mo pa ba ako?" Nanginginig na tanong ko.

"Mahal kita, mahal na mahal..." Halos pabulong na sabi nito.

"Then why do you keep on lying to me?!" I cried hard.

"What?!"

Ibinato ko sa dib-dib niya ang phone ko.

"Ayoko ng magtanong, because the picture say's it all!"

"Calm down Love... I'll explain it."

"A-aray... Aaaaaah!" Napatingin ako sa likidong dumadaloy sa aking mga hita.

I saw blood.

I'm bleeding.

"Sh*t! Hold on Baby..."

Dali-dali ako nitong binuhat then my vision went black.

-

C6 Posted: January 2, 2017

Dedicated to rishkieeee - Thank you for adding Fixing The Broken to your reading list pretty! God bless. Enjoy Reading! ❤

At Worst (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon