Ikaanim na Kabanata
“Mababaliw na talaga ako sa Louie na ‘yan.” Halos sabunutan na ni Jill ang sarili.
“Hoy, umayos ka nga. Nasa canteen tayo para kumain at hindi para magwala. Bakit na naman ba?” tanong ni Crissa sa kanya bago isubo ang isang piraso ng fries. Tiningnan niya ito ng masama at dumukot din ng isa sa mga fries sabay subo.
“’Yung sira-ulong iyon, nakita ko ba naman siya sa tapat ng bahay namin kagabi. Nakangiti na tila nababaliw tapos nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay lalo pang lumawak ang ngiti niya.”
Nabigla siya nang ipalo ng kaibigan ang dalawang kamay nito sa mesa nila. “Jill, stalker mo ‘yan. Hala! Baka obsess na sa‘yo.” Sabay tawa nito ng malakas.
Sumimangot siya rito. Kahit kailan talaga ay hindi niya maintindihan ang topak nito sa ulo. Akmang babatukan niya ito nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Halos manigas siya nang makita niya ang mukha nito.
“Hinga. Hindi kita kakainin.” Sabi nito bago sumubo sa dala nitong pagkain.
“Woah, I’m Crissa and you are?” sabay lahad ni Crissa ng kamay sa lalaking katabi niya ngayon.
Tinanggap naman nito ang kamay ng kaibigan. “Louie,” nakangiting sabi nito.
Napangiti rin ang kaibigan niya. Sinipa niya ito sa paa para balaan. “Ouch naman, Jill! Kung nagseselos ka, pwede mo namang sabihin, eh. ‘Wag ‘yung naninipa ka na lang.”
God! Kung kanina ay ang sarili niya ang gusto niyang sabunutan ngayon ay itong malditang kaibigan na niya.
“Can we talk?” nabigla siya sa tanong na ‘yon ni Louie. Hindi niya alam kung papayag ba siya o hindi. Aminado siyang natatakot pa rin siya rito pero may isang bahagi ng sarili niya ang gustong makausap ito.
“I think, hindi na ako kailangan dito kaya aalis na ako.” Sabay kuha ni Crissa sa mga gamit nito. Agad naman niyang hinawakan ang kamay nito at tinitigan. Pinapaabot n’ya sa kanyang mga tingin ang pagmamakaawa rito na ‘wag silang iwan nito na sila lang dalawa ngunit isa yatang sadista ang kaibigan niya at
ngumiti lang ito sabay bulong sa kanya, “’Wag kang mag-alala. Mag-uusap lang kayo at isa pa madaming tao rito kaya hindi ka niya mapapatay ngayon.”
Mabilis na nawala sa paningin nila ang kaibigan at bumuntong hininga muna siya bago binalingan ulit ang lalaki.
“What now?”
***
Tulalang naglalakad si Jill sa koridor ng eskwelahan. Walang pakialam kung ilang estudyante na ang nakabangga o nakaapak sa paa niya. Ang tanging nasa isip lang niya noon ay ang mga pinag-usapan nila ni Louie.
‘Hindi ako makapaniwala! Hindi totoo ang sinasabi ng lalaking iyon. Inosente ako, wala akong kinalaman sa mga nangyari. Ah! Tama. Baliw na ang lalaking iyon kaya kung anu-ano ang mga pinagsasabi at binibintang,’ pagkukumbinsi niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Jack and Jill
Mystery / ThrillerJack and Jill went up the hill To fetch a pail of water. Jack fell down and broke his crown, .... And Jill came tumbling after?! Are you sure? ----- Collab story po ito. Ang pangunahing ideya na gawin ang kuwento ay galing kay Liz (maglarotayo). An...