C8: Space

1.1K 46 5
                                    

-

C8: Space

[Dayne]

"My wife left me! T*ng*n*! Ang sakit and she also wants a f*ck*ng annulment!" Sabi ko kay Neo at Xien. "..Gano'n ba ako kadaling iwan?!"

"Baka pwede niyo pang pag-usapan 'yan. Suyuin mo. Ganyan naman ang mga babae. Padalos-dalos dahil nasasaktan." Mahinahong sabi ni Xien.

"Sa tingin ba niya, hindi ako nasasaktan? Mukha ba akong masaya sa pagkawala ng anak namin? Kasalanan ko nga 'ata talaga!"

"Walang may kasalanan. Siguro it's just not meant for the both of you sa ngayon na magkaanak. Ayusin niyo na muna yang pagsasama niyo. Mahal mo 'diba? Kaya hangga't kaya mo, gawan mo ng paraan." Sabi naman ni Neo na para bang normal lang sa kanyang magsalita ng ganoon.

"Ang gagaling talaga mag advice ng mga single ah!" Pang-aasar ko.

"G*g*!" Sabay na sabi nila saka kami nagtawanan.

Umuwi ako sa bahay ng parents ko para makausap sila ng masinsinsinan.

"Anong nangyari sa kamay mo anak?" Bungad na tanong ni Mom.

"I punched our mirror." Walang ganang sagot ko.

"M-may problema ka ba?" Pag-aalala nito. Sana ganyan din siya mag-alala sa asawa ko dati.

"My wife left me Mom and it hurts like h*ll..." Nanghihinang sabi ko.

"But how? Why? Sinasabi ko na nga bang hindi ka talaga niya mahal. Pera mo lang ang habol niya! Wala talaga siyang kwentang baba--"

"Shut up Mom! Mali kayo! Mahal ako ng asawa ko. Kayo itong parating inilalayo ako sa kanya pero iniintindi niya dahil ginagalang niya kayo pero anong ginanti niyo? Puro pagpapanggap lang! Pagpapanggap na susubukan niyo siyang tanggapin kahit hindi. Pinagpipilitan niyo pa rin ako kay Abi! Alam niyo hindi ko siya kayang mahalin! Kayo ang sumira sa amin! Mahal na mahal ko siya at ikamamatay ko kapag hindi niya ako binalikan! Sorry, Mom but I can't just let you hurt her again. Ayoko na po. Maraming beses ko ng pinalagpas ang mga mali niyong ginagawa sa relasyon namin dahil magulang ko kayo but I had enough!" Puno ng paghihinagpis na sabi ko.

Umalis ako.

Pagkauwi ko sa condo agad kong tinawagan ang number ng nakababatang kapatid ng asawa ko. Si Mandy dahil pinapatayan ako nito ng tawag.

"Hello? Kuya?" Bungad ni Mandy.

"Kumusta ang Ate mo?" Tanong ko.

"Umiiyak siya Kuya. Nagulat na lang kami kahapon na dumating siya dito."

"Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Pwede ko bang makausap muna sina Nanay at Tatay? Pupunta ako diyan kapag natapos ko na ang problema dito." Paliwanag ko.

"Sige Kuya."

"Ijo? Kumusta? Nabalitaan ko ang nangyari. Pasensya ka na sa padalos-dalos na desisyon ng anak namin. Naniniwala akong maaayos niyo pa ito. Hindi biro ang pagiging mag-asawa kaya sana kahit sa sumuko na ang anak ko, 'wag mo siyang sukuan dahil alam kong sa loob-loob niya mahal ka pa rin niya..." Sabi ni Nanay.

"Salamat po Nay. Gusto ko po sanang humingi ng permiso na pumunta diyan sa inyo kung ok lang po."

"Sige ijo. Kailan ba?"

"I'll still give her space kaya siguro after two weeks from now I'll be there as soon as matapos ko 'yung problema dito."

"Paghahandaan namin 'yan."

" 'Wag niyo na lang po sanang banggitin sa asawa ko." Pakiusap ko dito.

"Oo naman."

"Si Tatay po?"

"Wala dito ijo. Baka mamaya pa."

"Pakisabi na lang po."

"Sige."

"Salamat Nay."

Bumili ako ng bahay malayo sa parents ko. I'll surprise my wife about it. Hindi ko siya susukuan gaya ng sabi ni Nanay.

I decided to stop working in my parents company. I'll just build my own kahit alam kong mahirap. I already talked to my friends and they said they will help me.

"Thanks guys!" Sabi ko sa kanila.

Hindi ko rin nagawang umuwi after two weeks because I still have to finish something.

Ipinaalam ko naman kaagad kina Nanay and they understand it.

"You really do miss her don't you?" Biglang puna ni Neo na inabutan ako ng red wine.

"Obvious ba masyado?" Walang ganang sagot ko.

"Sabi naman namin sa'yo, kahit kami na muna ang bahala dito." Sabi naman ni Xien.

"Mas ok na din 'to, mabibigyan ko siya ng space."

"It's been what? 2? Or almost 3 months of giving her space? That's enough for her to think na siguro." Neo said.

"Oo nga. Kakabigay mo ng space baka mawalan ka ng space." Sabi pa ni Xien.

"G*g*!" Bigla kong sabi saka tumayo. "...Edi kayo na nga ang bahala! Aasahan ko kayo ah!"

"Ohw sure. Ang dali mo naman pa lang kausap eh." Sagot ni Neo na natatawa pa.

"Maliit na bagay lang ito para sa true love mo!" Patawa-tawang sabi ni Xien.

Thank God! Neo and Xien is really a big help when it comes to building my own business, hindi lang pala doon. Kahit saan maaasahan ko talaga sila.

Nakakatayo na ako sa sarili kong mga paa nang hindi humihingi ng tulong sa magulang ko. Mahirap na, baka kontrolin nanaman nila ang buhay ko kapag nanatili ako sa poder nila.

I still have a respect to my parents, but it can't change the fact that I have to chase my love first before anything else.

"Kuya? Bakit?" Panimulang bungad ni Mandy nang tumawag ako.

"Babyahe na ako ngayon. Bukas na ang dating ko. Pakisabihan na lang sila Nanay, tyaka sa'n ba may mauupahan na pwede kong tuluyan diyan?"

"Naku! Kuya, mahirap maghanap ng mauupahan dito. Itatanong ko kay Tay."

"Sige. Then text me the address kung meron."

"Sige po."

Bumili muna ako ng pasalubong for her family, pati favorite chocolates niya ay binili ko na din. Bahala na kung tatanggapin niya man o hindi.

Pabalik na ako sa kotse nang matanggap ko ang text ni Mandy.

- Mandy:
Kuya, sabi ni Tay kahit dito ka na lang daw sa isang bakanteng kwarto. Nililinis na.

I replied thank you saka pumasok sa kotse.

Ang alam ko kakapaayos lang ng bahay nila sa province. Sana lang 'wag magalit ang asawa kong doon ako sa kanila muna tutuloy.

-

C8 Posted: January 2, 2017

Dedicated to oguimas_nova - Thank you for adding That Simple And Just Ordinary Girl (Kahit di pa tapos ang editing. Sana mahintay mo.) God bless. Happy Reading! 💋

At Worst (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon