Epilogue

1.6K 54 11
                                    

-

Epilogue

[Madeline]

He left.

Bakit ako nalulungkot? Ako naman ang may gusto nito 'diba? Ako pa nga itong naunang mang iwan eh. Anong karapatan kong masaktan ngayon?

He said he will try to let me go because that's what I want but why am I hurting? Why am I crying? Ginusto ko ito eh!

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa tuwing makikita ko siya at ang mga magulang niya ay naaalala ko lang ang sakit nang pagkawala ng anak namin kaya nga nagdesisyon akong umalis na lang. Lumayo at iwan siya kahit masakit din para sa aking gawin 'yon.

Akala ko pupunta lang siya dito para ibigay ang hinihingi kong annulment papers pero ayaw niya. Ako daw ang may gusto kaya ako ang mag file. Pero bago siya umalis may sinabi siya.

"Don't worry nasasayo pa rin naman ang desisyon eh. Kukuha ako ng annulment, ikaw ang unang pipirma doon. Kapag pumirma ka, pipirma na rin ako. Pinag-isipan ko ito ng magdamag. Maybe in order to let you go is to start to do what you want for our marriage na hindi man lang tumagal. I'll try to move on. But tell you what? Tatanggapin kita kung babalik ka. Aalis ako hindi dahil hindi na kita mahal kundi dahil para hayaan kang makapag-isaip-isip pa. I love you so much that it hurts for me to let you go..."

Alam kong napakababaw para sa iba ang sitwasyon ko pero para sa akin ang lalim ng sakit ng idinulot ng pagkawala ng anak namin na siguro hindi pa ngayon para matanggap ko ito ng tuluyan. Masyado pang masakit na hindi ko magawang pakitunguhan ng maayos ang magulang niya at pati siya mismo.

Mahirap kalimutan 'yung nangyari, pero mas mahirap kalimutan 'yung sakit na hindi ko magawang itago. I know that being hurt is one of the ways to find my strength, but not now. Maybe in time.












Sometimes the best option is to let go and see what happens. Baka may ibang plano para sa amin ang Diyos.















-- THE END ❤

*******

Epilogue Posted: January 2, 2017

BOOK 1 - Completed - At Best (Book 2)

Dedicated to all the silent readers out there! Ingay-ingay din pag may time! Paramdam minsan. Iloveyouall. Enjoy my stories! Salamat sa tahimik na suporta. I still appreciate it. God bless. Thank you so much. ❤

Thank you Lord for another story completed! 💋💕

At Worst (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon