Kabanata 2: IKAW at SYA

138 2 2
                                    

So, kung alam mo na maganda ka.. Let's move on. Yes, move on and keep moving forward. How? Simple lang, wag pansinin ang mga salitang di nakakatulong sayo. Well, I am proud to be in a broken family. Eh? Bakit proud? because it's how it is. Ano gagawin ko? Pagsasamahin ko ang tatay at nanay ko na idene-deny nila sa isa't isa ang katiting na pagmamahal na meron sila? Nah. Di pa nila kayang magsama sa ngayon so, wala akong choice kundi mag-move forward. 

You can't change other people but the funny thing is, you can change the way you see other people. Am I making sense in here? 

Sabi ko nga sa unang pahina ng aking bibig, iba iba ang anyo, opinyon at adhikain ng bawat isa sa atin. IBA IBA. Let me emphasize this one more time, IBA IBA. Karamihan sa mga tao ngayon ang mga nakikisalo na lamang sa nakararami. Yung tipong kapag dinidiktahan o napagsasabihan eh, susunod at susunod lang din? Kung ikaw man o kung may kakilala kang ganyan (hindi ako bad influence ah, medyo lang! haha), kausapin mo ang sarili mo o tapikin mo sila at magtanong, "masaya ka bang sabay sa agos lang parati? kung wala ba sya at sila, magkakaroon ka ba ng sariling desisyon? pangangatawanan mo ba ang kung anong consequences na maaring mangyari gawa ng maling hakbang/desisyon? kikilos ka bang mag-isa? papansinin mo ba lahat ng mga nonsense na comment ng ibang tao sa ginagawa mo? o magpapa-apekto ka ba sa mga mumurahing bibig? 

Wait, don't get me wrong. Hindi ko tinutukoy ang mga bagay na alam mong labag sa batas at di kaaya-aya sa naglikha. Klaro naman, di ba?  Minsan kasi, kelangan din natin maging explorer. Gaya na lamang ng walang kapagurang si Dora. Di ba? She has a map but the map didn't say anything about those 3 tiny creatures dancing every after place. But, she has a path that she wants to take. Her goals and the patterns are so clear. 

There is a purpose. 

You just need to have a purpose. Kung lalabag ka ng rules sa bahay, school, grupo, sanggunian at iba pa, tanungin mo muna sarili mo,bakit kelangan ko syang gawin? may makukuha ba ako after this o nganga lang ako sa dulo? 

SYA na may purpose kung bakit kelangan nyang mag-drag down ng tao, ikaw pa kaya na gumagawa lang ng mga bagay na gusto mo at mahal mo? Of course, may purpose ka. Kung di pa malinaw sa ngayon, find it yourself. Wala namang instant sa life. You'll never know na ang mga pagsubok mo ngayon eh, seeds na pala na unti unti mong tinatanim para mapitas ang pinakamatamis na prutas ng iyong buhay. Wala namang masama kung ilang beses kang nadapa,nasubsob, natisod, nabalian but what matters most is, kung paano ka bumangon at kumapit. At kung paano kang rumampa na mala-beauty queen sa harapan ng maraming tao na para bagang walang nangyari. 

Moving on is very difficult to do, Yes, it is. Di mo naman pwedeng sabihin na... "Oo nga, pareng libro! bukas nakamove on na ako". Nah. Ang kelangan mo lang.. acceptance. Wala na eh.. nasa past na yun. Kaya nga past eh, sasariwain mo na lang. Gugunitain pero di mo kailangan mag-stay at magmukmok doon. Ang boring kaya, oo, na-try ko na and it lasted for 3-4 years.

Pero, masasabi ko na nakamove on na talaga ako.Tinatawanan ko na nga lang ang nakaraan at ang sarap na lang ikwento sa kadahilanang alam ko ang naging resulta nito sa aking pagkatao. That's how life is. 

Kung di pa kaya, susuportahan ko kayo, so say this: little by little, I'll move forward and I'll try my very best to forget my terrible past. I can do it! 

ANG NAGSASALITANG LIBROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon