Phem's P.O.V.
"Kanina pa ako nagsesearch paano malaman ang password nang isang tao sa facebook pero wala akong makitang matino! agh! Paano nga ba?"
______________________________________________________________________________
Sa isang katulad ni Phem na isang die hard stalker wannabe spy sa isang hearthrob sa college department nila, walang hindi siya gagawin lahat susubukan niya para malaman lahat kay Henry. Nursing ang kinuhang kurso pero nag-aral ng programming para sa hobby niyang paghahack sa mga account sa social media ni Henry.
At ngayon nagka-Facebook account na rin ang crush niya, hindi rin niya alam bakit late bloomer siyang nagka-Facebook.
_______________________________________________________________________________
Phem's P.O.V.
"Hirap naman! Pero okay lang, Gwapo ka na! karapat-dapat kang bigyan ng jacket!"
_____________________________________________________________________________
Henry's P.O.V.
"Makapag-fb nga muna sigurado madami na akong friend request, ako pa ba? hehehe" makapal na bulong ni Henry sa kanyang sarili.
Tinaype ni Henry ang kanyang password: "L-O-O-K-U-P-C-H-A-C-H-A"
At tama nga siya sumambulat sa kanya ang madaming friend request na karamihan hindi niya kilala.
Henry: "Ako pa ba? Dami ako fans eh hohohoho" makapal na naman niyang bulong sa sarili.
to be continued...