Corrine's POV
Napagod kami sa byahe kaya pagkadating namin sa Resort agad kaming nakatulog sa kwarto dahil lahat kami ay kulang sa tulog..
Sayang dahil magka-hiwalay kami ng kwarto ni Nikie kaya wala akong kakulitan at katawanan sa kwarto, Patulog na sana ako ng may kumatok sa kwarto ko..
"Oh, akala ko matutulog ka na"
"Wala akong kasama ehh gusto kita katabi" - Nikie
"Loka, baka magalit yung profs natin pag nakita kang nandito sa kwarto ko"
"Ako ang bahala sa mga profs, hindi nila malalama dahil panigurado tulog na yung mga yun dahil sa puyat" - Nikie
"Sabagay, knock out na silang lahat"
"Ano, dito na ako matutulog para tabi tayo" - Nikie
"Sige, matitiis pa ba kita"
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makatulig kaming dalawa..
Next Morning:
Tok!! Tok!!
Nagising agad kami ni Nikie dahil sa katok na nagmula sa pintuan ng kwarto ko pagkabukas namin bumungad ang mukha ni Sir. Henson..
"Ms. Felloro kanina pa ako kumakatok sa kwarto mo ayun pala dito ka natulog sa kwarto ni Ms. Reyes, dapat pala pinag-isa ko na lang kayo ng kwarto kung gusto niyong magsama" - Sir Henson
"Sorry po, Sir Henson gusto ko lang po kasi makatabi si Corrine sa iisang kawarto at Sir pwede po pa favor?? - Nikie
Ang kapal talaga ng mukha ni Nikie nanghingi pa ng favor Kay Sir Henson..
"Ano yun, Ms. Felloro??" - Sir Henson
"Pwede po ba iisang kwarto na lang po kami ni Corrine kasi po gusto ko siya katabi" - Nikie
"May magagawa pa ba ako, eh diyan ka na nga natulog kagabi" - Sir Henson
"Thanks Sir" - Nikie
"Lumabas na kayo para makapag breakfast dahil magsisimula na ang retreat niyo" - Sir Henson
"Sige po, Sir susunod na po kami"
"Sis, nahihiya akong lumabas ang daming tao, diba kasama rin natin yung BSA eh di mas maraming tao sa labas"
"Ano ka ba Sis, bakit ba ayaw mong ilabas ang beauty mo, sabi ng kaklase natin marami raw gwapo at macho sa BSA, hanap tayo dali!!" - Nikie
Bago pa ako makatanggi hinila niya na ako palabas..
Habang kumakain kami itong si Nikie hanap ng hanap ng gwapo at macho ng biglang magsalita si Sir Henson at Mam Gomez dahil magsisimula na raw ang retreat..
Nagtagal ng 5 hours ang unang araw ng retreat namin naglaro lang kami ng mga pambatang laro yung mga laro sa birthday party katulad ng Bring Me, Stop Dance, Palayok, Pabitin at Paper Dance ginawa nila kaming mga bata dahil raw para makalimutan namin ang mga problems namin kahit sandali lang..
5:30 na ng hapon at pinayagan kami ng mga profs na mag swimming sa beach, si Nikie hindi raw papahuli sa Yellow Two Piece dahil marami raw gwapo, pinasuot niya rin ako ng Red Two Piece para raw parehas kami buti nga hindi nakita yung mga taba ko eh, ayaw ko nga kaso lang tinakot ako na hindi na ako makakakain ng marami sa mansion nila..
"Sis, kukuha lang ako ng juice nauuhaw na ako eh"
"Sige, bilisan mo wag mo akong tatakasan at mangha-hunting pa tayo ng mga Pogi" - Nikie
"Makakatakas ba ako sayo"
Pagkadating ko sa coutage agad akong kumuha ng juice ng may nagsalita sa likod ko..
"Miss, diba ikaw yung nakabangga ko, sorry ulit hindi ko talaga sinasadya" - Aldrin
"Okay lang, kasalanan ko rin naman yun eh nagmamadali kasi ako"
Aalis na sana ako ng ilahad niya ang kamay niya at biglang nagpakilala..
"I'm Aldrin Zamora ng BSA, ikaw anong name mo ??" - Aldrin
"I'm Corrine Reyes of BSIE, nice meeting you"
"Nice meeting you too" - Aldrin
"Sige, aalis na ako baka hinahanap na ako ng kaibigan ko eh"
"Okay bye, see you around" - Aldrin
Bag pa ako makapunta kay Nikie na sa tabi ko na pala siya..
"Sis, sino yun??" - Nikie
"Si Aldrin Zamora yung nakabangga ko sa school nag sorry lang ulit"
"Kyaaaaahhhhh, may love life ka na rin sa wakas" - Nikie
"Kakakilala lang namin love life agad??"
Hindi ko namalayan habang nag-uusap kami nasa tapat na pala kami ng kwarto namin..
"Ikaw ha, hindi mo sinasabi may love life ka na" - Nikie
"Kakakilala ko pa lang love life agad??"
Sa sobrang daming tanong nakapag shower na kami at ngayon nakahiga na para matulog dahil bukas may activities na naman na sobrang nakakapagod..
"Sis, anong course niya??" - Nikie
"BSA raw"
"Kyaaaaahhhhh, sabi ko sayo maraming gwapo sa BSA eh" - Nikie
"Oo na, gwapo at macho na siya, tama na ang tanong matulog na tayo inaantok na ako"
Hindi naman pala mahirap kausap eh nakatulog agad dahil sa pagod at hindi ko aakalain na nakilala ko siya kanina at biglang nagkaroon ng butterflies..
BINABASA MO ANG
Mr. Varsity Meets Ms. Shy
Teen FictionZamora Series #1 : What will happen if Mr. Varsity Aldrin Zamora Meets Ms. Shy Corrine Reyes??