7

19 1 7
                                    

3rd Person's POV

Tinignan ni Baekhyun si Rix na mahigpit na nakayakap sa supot na dala niya at nakapikit ng mariin. Halatang giniginaw na ang gaga.

"P-para s-san yan?" Nanginginig niyang tanong nang hubarin ni Baekhyun ang jacket niya. Di na lang siya sumagot at ipinatong sa balikat ni Rix iyon.

"D-di ko kailangan- AH CHOO!" Napailing na lang si Baekhyun dahil sa kalokahan ng kaibigan niya.

"Anong hindi kailangan eh tignan mo ginaw na ginaw ka na. Tsk. Halika nga dito" sabi ni Baek at hinila siya para yakapin. Wag daw kayong ano. Kaibigan daw niya si Rix.

Ilang minuto nag-stay sa ganong posisyon ang dalawa hanggang sa may dalawang mag-asawang dumating palapit sa kubo na pinag-sisilungan nila.

"Jusko ang mga batang ito! Anlakas ng ulan bakit andito kayo sa gubat?" Tanong ng matandang babae sakanila.

"A-ah manang sorry po. Naligaw po kasi kami tapos po naabutan na kami ng ulan" pag-papaliwanag ni Baekhyun sakanila. Si Rix naman ay mahigpit na nakayakap pa din kay Baekhyun dahil sa ginaw.

"Ay ganoon ba? Sige sige. Dumito muna kayo magpalipas ang gabi. Mukhang magkakasakit ang jowa mo" sabi ng matandang lalaki at binuksan ang kubo.

Pinaupo muna sila ng matandang babae sa upuan bago pumunta sa kusina upang magluto.

"Pasensya na kayo dito sa kubo namin iho at medyo maliit." Sabi ng matandang lalaki sakanila

"Ah ok lang po. Salamat po at pinatuloy niyo kami dito" sabi ni Baekhyun at ngumiti.

"Osya sige. Diyan muna kayo at aayusin ko ang tulugan ninyo. Dun na lang kayo sa kwarto ng anak namin tutal nasa ibang bansa siya." Sabi ng matanda at tumayo.

Bahagyang ginising ni Baekhyun si Rix dahil nakatulog ito sa sobrang bigat ng pakiramdam. Nilapag naman ng manang ang gulay at kanin sa hapag-kainan. Naglagay na din siya ng mga dahon ng saging dito.

"Pasensya ka na anak ha at ito lamang ang meron kami" sabi ng manang sakanila.

"Ok lang po yun. Kumakain naman po kami ng gulay" sabi ni Rix at matamlay na ngumiti.

Lumabas na ang manong galing sa silid at umupo sa tabi ng kanyang asawa. Kukuha na sana si Baekhyun ng pagkain ngunit pinigilan siya ni Rix. Nang tignan niya si Rix ay nakita niyang nag-dadasal pala ito. Pati rin ang mag-asawa ay nagdadasal at siya lang ang hindi kaya minabuti na niya ding mag-dasal at nagsimula na silang kumain.

"Heto ang damit. Pasensya na kung maluwag pero yan lang ang nakita naming maayos" sabi ni manong Jerry

"Magpalit na kayo at magpahinga. Kung gusto niyo pwede din naman kayong maligo kaso tubig ulan nga lang." sabi ni manang Fe at ngumiti. Nagpasalamat naman ang dalawa. Si Rix ay deretchong nagpalit na sa kwarto at si Baekhyun naman ay nakiligo pa.

Nagulat si Baekhyun pagkabukas niya ng kwartong tutulugan nila dahil kay Rix na nakaupo sa kama at nakayuko na akala mo'y isang multo.

"Matulog ka na para maaga tayo makauwi bukas." Sabi ni Baekhyun habang nagpapatuyo ng buhok. Tinignan niya si Rix at nakita niyang hindi pa ito kumikilos.

"Huy. Tumingin ka nga sakin parang nilalagnat ka na kanina" sabi niya at iniharap si Rix sakanya. Namumula ang mukha ni Rix at hindi makatingin ng maayos kay Baek.

"Oh ba't namumula ka?" Tanong niya. Umiwas naman ng tingin ang dalaga. Ilang minuto pa bago mapagtanto ni Bakla na hindi pa nga pala siya nakakapagbihis ng pantaas, in short, topless po ang bakla.

"Eh! Ah! Uso magbihis noh?" Sabi ni Rix at tumayo para makalayo kay Baekhyun. Bigla namang may pumasok na kalokohan sa isip ni Baekhyun kaya napangisi siya kay Rix. Ng pilyo

"Hmm tayo lang naman dalawa dito sa kwarto" sabi nito at tumayo. Mukhang naguguluhan na natatakot naman si Rix sa inakto ng kaibigan.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Tanong niya. Unti-unting lumapit sakanya si Baekhyun kaya naman ay paatras siya ng paatras hanggang sa lumapat ang likod niya sa pintuan.

"Sabi ko tayong dalawa lang naman ang nandito sa kwarto. A girl and a boy..." sabi ni Baekhyun at lumapit pa lalo kay Rix hanggang sa onti na lang ang pagitan nila.

"Oh? Lalaki ka pala?" Sabi ni Rix at tumawa na lang upang mawala ang kaba na idinudulot ng kanyang kaibigan. Inilapit ni Baekhyun ang kanyang mga labi sa tenga ni Rix at bumulong.

"Well I am. Don't worry, I don't bite" sabi niya at tumapat sa mukha ni Rix. Napapikit ng mariin si Rix dahil sa ginagawa ng bakla.

"I just make jokes" sabi niya at lumayo kay Rix habang tumatawa. Napamulat naman ng mata si Rix at binato si Baekhyun ng tsinelas.

"Bwiset" sabi niya at padabog na pumunta sa kama at humiga.

Pinatay muna ni Baekhyun ang kandila bago siya mahiga sa tabi ni Rix.

Magkatalikuran silang dalawa.

Pilitin mang makatulog ni Baekhyun ay hindi pa din siya makatulog kahit anong pwesto ang gawin niya.

"Ughhh" daing ni Rix. Humarap si Baekhyun sakanya at nakita nitong nakahawak siya sa may bandang tiyan niya.

"Huy ok ka lang?" Tanong nito dahil sa pag-aalala sa kaibigan.

"Ansakit ng puson ko- urgh" mangiyakngiyak na sabi ni Rix.

Hinawakan ni Baekhyun ang bandang puson ni Rix at tumingin sakanya.

"Matulog ka na. Wag mong indahin" sabi niya pagkatapos ay dinampi ang kanyang labi sa noo ni Rix.

"Sleep tight Rara" sabi niya at natulog na nakayakap sa bewang ni Rix.

!******!
HEWHEW NAPUBLISH DIN HAHA. Yung peeling na pinalow ka WAHAHA. Bakit ba ang thaya ko thyet.
palejuho thank you dito maknae 😆

Come Back To Me (Baekhyun FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon