My Best Friend's Suitor
Tinutusok tusok ko lang ang pagkaing nasa harapan ko ngayon. Nakakawalan ng gana na kumain magisa ngayon sa Canteen, pano ba naman kasi umabsent ang kaisa isa kong kaibigan sa School na to, Si Lea, ang bestfriend ko. Eh di ako na ang loner.
“Hi KC. Pwede pashare ng table?” nagulat ako sa lalaking biglang dumating na may hawak hawak na tray. Si Justin, ang ultimate crush of my life.
Tumango lang ako bilang sagot.
Umupo naman siya opposite ng inuupuan ko.
We ate in silence.
Nakaramdam ako ng something sa tiyan ko, para bang lumilpad na butterflies. I don’t what to do. What will I going to do? I’m being hysterical!
“So, kamusta?” nagulat ako ulit sa biglaang pagsasalita niya. Gosh, his voice is so calm, parang musika sa tenga.
“I’m fine. Ikaw. Kamusta?” okay, I am trying to calm down myself.
Honestly, ngayon lang kasi nangyari ito na nilapitan ako ni Justin at nakipagusap.
We talked and talked. I never thought na ganito pala kadaldal itong si Justin. And he has this kind of sense of humor that really makes me laugh out loud.
Sabay kaming naglakad papuntang classroom. He even insisted to hold my things. He’s really gentle.
Since walang seating arrangement, umupo siya sa tabi ko.
Nanaginip ba ako? para kasing hindi totoo eh. parang kahapon lang pinagmamasdan lang namin siya ni Lea sa malayo at hinihiling na sana ngitian lang niya kami, Masaya na kami dun. Pero ngayon, katabi ko siya at kinakausap niya ako.
“So what do you think?” biglang sabi niya.
“What?” gulat kong tanong.
“Are you listening? I said can we go out tomorrow?” he said with a smile on his face. He’s so effin handsome. Makalipas ang ilang segundo, saka lang nagsink in sa utak ko ang sinabi niya.
He wanted to have a date with me tomorrow?
Is he sure about it?
“go out tomorrow?” I asked again.
Tumango siya.
“ah. s-sure” I said stammering. Naramdam kong umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko, at ngayon ramdam kong nagiinit na ang mukha ko.
“you’re so cute” sabi niya at pinisil ang pisngi ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ayokong makikita niya na pulang pula na ako sa sobrang kilig.
After class, hinatid niya ako.
Since walking distance lang naman ang bahay ko, naglakad na kaming dalawa.
We again talked and talked. Hinihiling ko nga n asana huwag ng matapos ang araw na to eh o kung panaginip man, sana hindi na ako magising.
Papasok n asana ako ng gate namin ng bigla niya hawakan ang kamay ko.
I felt something like electricity flows toward my skin when he holds my hand.
“Don’t forget tomorrow. I’ll fetch you up around 10am. Okay?”
Tumango lang ako at pumasok ng bahay ko na halos wala na sa wisyo.
Hindi talaga ako makapaniwala. At saka ayokong matulog, baka kasi pag natulog ako at pagkagising ko, panaginip lang pala ang lahat.
Pero dahil na din sa sobrang pagod nakatulog ako.
Gumising sa akin ang cellphone kong nasa tabi ko na bigla nalang nagvibrate.
From: 0916*******
Hi KC! It’s me Justin. Don’t forget later okay?
Napangiti naman ako bigla sa nabasa ko at gumulong gulong sa kama sa kilig hanggang sa nahulog ako.
*boogsh*
Aray! Ang sakit! sabay himas ng ulo kong nauntog.
Tumayo ako at naligo na. ayokong mahuli sa kaunaunahang date namin ni Justin.
Pinahanda ko din ang pinakamaganda pero pinakasimpleng damit ko kay manang.
Nagbihis na ako maya maya pa’y bumaba na din ako.
Pagkababa ko’y naghihintay na pala si Justin sa may sala. napakagawapo niya talaga.
“kanina ka pa?” tanong ko sa kanya.
“hindi naman” sabi niya.
Nilapit niya ang mga mukha niya sa mukha ko at sinabing.
“Ang ganda mo ngayon”
My heart beats faster and faster. I wish he won’t be able to hear it.
He held my hand as we walk outside our house. And again, I felt the same electricity when he touched my hand last afternoon.
Sumakay kami sa kotse niya at dumiresto sa isang restaurant.
Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya at inalalayan akong makababa.
Please Justin, don’t be so perfect, I might fall in love with you anytime.
Umupo kami sa isang table for two pagkatapos lumapit na sa amin ang isang waiter para kumuha ng order namin.
Kumain lang kami then we had small talks and then he’ll crack jokes and then I will going to burst out laughing.
Sobrang saya kong kasama siya. siguro I’ll going to count this day as one of the most happiest days of my life.
Hinatid naman niya ako pauwi.
“KC, I have to tell you something” he said as he stopped the car in front our house.
Bago pa ako makapagsalita, nagsalita na ulit siya.
“may isang babae akong sobrang hinahangaan. Alam kong kilalang kilala mo siya. hindi ko kayang pigilin ang nararamdaman ko. At sa tingin ko mahal ko na siya” biglang bumilis ang tibok ng puso ko. magtatapat na ba siya?
Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing ang mga katagang hindi ko na sana narinig.
“mahal na mahal ko si Lea, KC. Pwede mo ba akong tulungang ligawan siya.”
!@#$ lang. paasa ka Justin. Mamatay ka na! I hate you.
Lumabas ako ng kotse niya at iniwan siya. hindi ko mapigilang mapaiyak sa sinabi niya.
Gago ka. User!
“KC, wait!” sigaw niya.
“ewan ko sayo” sabi ko at dumirediretso na papasok na bahay.