Kyle's POV
Ang buhay ay puno ng pagsasakripisyo at mga tanong. Minsan hindi natin alam kung bakit nangyayari ang isang bagay kahit alam naman nating may dahilan kung bakit dumaan pa ito sa ating buhay. Siguro by-passer lang? O siguro may malaki itong papel sa buong pagkatao mo...
"Ang sabi ko hindi maganda ang buhay dito! Pero hindi, nagmatigas ka! Ano nga yung sabi mo nun? 'Para toh sa kinabukasan ng anak natin!' Ano ha? Naging maganda ba?"
"Eh pano, di moko tinutulungan! Kaya ko ba ng mag-isa yun? Hindi!"
"Aba't! Ikaw ang nagsabing alagaan ko na lang si Kyle sa bahay, kasi bakit? Babae lang ako?! Tapos ngayon nagrereklamo ka?!"
Napatakip nako ng tenga dahil sa ika-isang daan at walumpo't pitong pag-aaway ng mga magulang ko. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung pano sila nakakanahap ng bagong topic na pag-aawayan araw-araw. Take note, iba-iba talaga ah. Minsan damit, kung anong kakainin, anong kulay ipapapintura sa bahay, pano ako bubuhayin. Galing sa pinakamaliit na bagay hanggang sa pinakamalaki napagtataluhan nila.
At dahil alam kong may susunod na sigaw na naman, lumabas nako ng bahay at napahinga ng maluwag. Isa lang naiisip kong gawin sa mga oras na ito, ang puntahan si Nika sa park. Buti na lang malapit lang ang bahay namin dun.
********
Nika's POV
Nakaupo ako sa isang bench, hinihintay si Kyle na makarating. May matanda rin na nakaupo sa kabilang silya na nasa bandang kanan ko. May hawak-hawak siyang tungkod at nakatitig sa buong play ground na pinaglalaruan ng mga chikiting. Nasa kamay ko ang isang tablet na naka-open sa wattpad. Bandang hapon na rin, at alam kong dadating na siya ano mang oras ngayon.
"How are you beautiful?" Tanong ng isang lalaki na ubod ba naman ng kagwapuhan habang palapit siya at naupo sa kaliwang tabi ko.
"Ayos naman." Sagot ko at nginitian siya. "Ikaw?"
"Ahh... Nag-aaway ulit sila eh." Napangiti na lang ulit siya at kinamot ang likuran ng ulo niya.
Pinigilan kong ipakita na medyo kinikilig nako. Ang cute ba naman kasi ng galaw neto! Sarap kurutin eh!
Tinitigan niyako at medyo napatawa. Kumunot naman ang noo ko sa biglang pagbungisngis niya. Ano kayang tinatawanan nito?
Tinaasan ko siya ng kilay at nagtanong. "Sorry po, ano po ba yung nakakatawa?"
"Di." Ngumisi siya at inilipat ang tingin sa mga batang naglalaro. "Ang saya ko lang kasi andito ka ulit."
Ayiee... Keenes nemen eh. Negpepegel ne nge ke ng keleg bemebenet pe teh. Mesepek nge!
"Aray!" Napatalon siya sa upuan matapos kong makurot ang braso. "Bat ka nangungurot?"
Tinawanan ko siya ng pagkalakas-lakas at sinubukan tumigil para magsalita. "A-Ayan kasi! Wag kang nagpepekeleg, okay? Sadista kaya ako."
Tumayo siya at pumunta sa harapan ko. Nagulat na lang ako nang bigla-bigla siyang lumuhod sa harapan ko at ngumiti. Tumatak sa utak ko ang ngiting yun. Somehow, his smile got engraved on both my mind and my rampaging soul. Hinawakan niya ang kamay ko at pinindot-pindot toh. Hindi ba niya inisip na may iba pang nasa park? Bata, matanda, nagseselos na babae na ang sasarap itulak sa impyerno at kung iba-iba pang mga malignong tinititigan kami. Syempre namamatay na sa kilig ang ate niyo. Pero ano ba?! Thirteen pa lang ako tapos fourteen pa siya, nekekeheye keye. Lumampas na sa limitasyon ang kilig ko nang bigla niyang halikan ang likod ng palad ko at ngumingiting nakatitig sakin.
Hinila ko ng malambing ang kamay ko at napatawa sa kilig. "Sebe ke weg keng megpekeleg eh. Sapakin kaya kita dyan! Tayo!"
Ginawa naman niya at gumalaw para maupo ulit sa tabi ko. Pinalakpak niya ang mga kamay niya at sumandal sa upuan.
BINABASA MO ANG
Wattpad; Project CONDOM
Short StoryAng buhay ay puno ng pagsasakripisyo at mga tanong. Minsan hindi natin alam kung bakit nangyayari ang isang bagay kahit alam naman nating may dahilan kung bakit dumaan pa ito sa ating buhay. Siguro by-passer lang? O siguro may malaki itong papel sa...