"I'll take her home," sabi ni Ejay. Wala namang reaction si Alfred. Himala, parang hindi yata s'ya affected na makakapag-solo kaming dalawa ni Ejay? Sabagay, s'ya naman yung maghahatid kay Chelle eh. Mage-enjoy din naman s'ya. Mage-enjoy silang dalawa.
"Right. Para naman makapag-usap pa kayong dalawa," sabi ni Chelle kay Ejay tapos humarap s'ya sa'kin. "Kung ako sayo girl, lulubus-lubusin ko na yung oras na kasama ko s'ya," tinuro n'ya si Ejay. "Ingat kayo." Tapos naglakad na silang dalawa ni Sir papunta sa kotse.
It's creepy. Kanina kasi habang kumakain kami, tinginan silang tatlo nang tinginan. Parang may something na silang tatlo lang ang nakakaalam at hindi ako nakaka-relate. At mukhang wala silang balak sabihin sa'kin kung ano yun. And I got the feeling na super important yun and I need to know. Kaso wala man lang ni isa sa kanilang nag-volunteer to speak up. And I'm not even good at reading other people's minds.
-------------------
Hinatid ako ni Ejay hanggang sa front door ng bahay. Ang awkward nga eh, kasi hindi kami nag-uusap habang nasa byahe kami kanina. Minsan nahuhuli ko s'yang nakatingin sa'kin kapag nakahinto yung sasakyan kapag redlight. Tapos minsan parang may gusto s'yang sabihin pero hindi n'ya masabi. Itong pinapakita n'ya sa'king toh ngayon, really bothers me.
"Wanna come in?" tanong ko sa kanya nung huminto s'ya sa tapat ng pinto. Gustong-gusto ko na talaga s'yang tanungin kung ba't parang tense s'ya ngayong araw.
"Hindi. Dito na lang--" buntung-hininga s'ya ng buntung-hininga at mukha s'yang kabado talaga. Anu bang meron?
Tumango lang ako. Matagal na moment of silence yung nangyari bago s'ya nagsalita ulit. Mga 10 seconds siguro. Tumalikod ako kasi pati ako naguguluhan sa itsura n'ya. Why so tense?
"I have something to say to you," seryoso s'ya nung lumingon ulit ako. Sa haba ng panahon na magkasama kami, ngayon ko lang s'ya nakitang ganito kaseryoso. Tapos mukha pa s'yang ninenerbyos. Actually ninenerbyos pala s'ya. Kasi when he reached for my hand, it's so cold and it's a little bit shaky. Thankful ako kasi nakapag-heels ako ngayon so magka-level lang yung mga mata namin. Hindi ko mabasa yung mga mata n'ya. How I wished I can read his mind this early para hindi ako kinakabahan ng ganito sa sasabihin n'ya.
"Ano yun?" tanong ko. My brows creased and I really look like I'm freakin' curious. Wala akong ibang makita sa mga mata n'ya kundi the reflection of my own. Dati it really brought happiness to me kapag ganito kami ka-close sa isa't-isa, no distance at all. At nakikita ko yung reflection ko sa mga mata n'ya. But today's different. Time made things different and complicated.
"Aalis na ako bukas," sabi n'ya. He finally spilled the beans! But I don't know what to say, what to react. I was stunned for a moment or two.
"Bukas na? Akala ko matagal pa? Akala ko nag-aayos ka pa ng papers? Akala ko--"
"Actually matagal nang ayos yung mga papers ko. Dapat nga matagal na akong nakaalis eh. Kaso pinili ko pa ding mag-stay kasi gusto ko sanang maayos muna tayo." Ahh, so hindi papers n'ya yung inaayos n'ya, kundi yung relationship naming dalawa. Bakit hindi ko alam? Dahil ba hindi ko man lang sinusubukang tignan? I should've looked beneath the surface. So ako lang talaga yung reason pa din ng pag-i-stay n'ya?
"So, bukas ka na talaga aalis?" I felt restless. Parang gusto kong pumunta sa isang lugar na ako lang mag-isa at magsisigaw dun ng bonggang-bongga. I wanna release all the burdens I have. Hindi lang sa sakit na dinulot at patuloy na dinudulot sa'kin ng realization na aalis na si Ejay kundi pati na din sa gulo at confusion na nararamdaman ng utak ko. These past few months was the worst and at the same time the best part of my life.
"Mamayang madaling-araw yung flight ko." He tried to smile but it appeared, to me, more of a wince.
"Anung oras? Ihahatid kita." I really sounded like I was begging for him to stay. Well, what the hell, I don't know what tone to use. I was shocked. Hindi ko alam kung sa pag-alis n'ya bang yun eh magiging mas madali na para sa'kin na magdesisyon. Pero later on, na-realize ko na magiging mas mahirap pala. There's no more Ejay to hold my hand and squeez it to make me feel alright. There's no more Ejay to caress my hair, smell it then hugged me like there's no tomorrow. There's no more Ejay that will look at me then look at the ring and shoot the ball then look back at me and wink. There's no more Ejay to tell me everything's going alright even if everything's a mess. There's no more Ejay to give me home-cooked meals. There's no more him.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-fictieIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...