"Diba masyadong unfair sir? Bakit sila yung papanigan nyo?"
"Ara, sa dami ng cases na nasangkot ka sa gulo sa bar na to, dapat matagal ko na tong ginawa, kaya walang unfair sa decision ko"
"Pero si----"
"Walang pero pero, nakita mo ba kung anong nangyari dun sa 3? Mabuti na nga lang at hindi malala yung nangyare sa kanila, magpasalamat ka na lang din"
"Seryoso ba yan sir Greg? Magpasalamat nawalan ako ng trabaho"
"Look Ara, sa totoo lang isa ka sa pinakamagaling na staff ko dito sa bar, pero kung mas malaki pa yung gagastusin ko sa lahat ng nadidisgrasya mong customers kesa sa kikitain ng Bar, mabuti na ding tanggalin na lang kita"
"Sir, wag naman ganito, kelangan ko ng trabaho, college na si Tey-tey, yung pamangkin ko, sir kelangan kong pag-aralin yun, saken lang umaasa ang pamilya ko"
"Ara, please wag mo ng pahirapin ang situation, kung sakali mang iretain kita dito sa Bar, sa tingin mo ba hindi ka babalikan nung 3 yun? We had an agreement, hindi sila magsasampa ng kaso sayo, na kami ang mananagot, pero tatanggalin ka namen at sasagutin namen lahat ng damages, pumayag na ako kesa naman masangkot pa sa mas malaking gulo itong bar ko, intindihin mo naman, besides, you're very unreasonable sa ginawa mong yun"
"Unreasonable?! Sir, nambabastos sila ng babae, unreasonable? Tumulong lang ako sir"
"Yun na nga, tumulong ka na nga lumaki pa yung gulo, ilang beses ko bang sinabi sayo na kapag may ganung gulo hayaan mo na lang yung security ang umayos"
"Si-Sir wag naman ganito"
"Inalok ko sayo yung trabaho sa Laguna, ayaw mo, so wala ng akong ibang choice kundi tanggalin ka. Wag kang mag-alala wala namang mababawas sa separation pay mo at kapag may alam akong sideline na photographer sasabihan agad kita"
........
"YOU'RE FIRED"
Kitang kita ko sa mukha nito na nasasaktan sya. Hindi naman siguro sya mag-aaya ng inuman kung hindi sya nasasaktan. Nakokonsensya tuloy ako, kung hindi nya ako pinagtanggol kanina hindi sana aabot sa ganito.
"Ganun lang kadali yun, tanggal na agad ako sa trabaho" tumawa sya. Lasing na sya. Napasapo na lang sya sa ulo nya. "Napakaunreasonable nila" himutok nito.
Nakikinig lang ako sa lahat ng sinasabi nya, kanina pa ako nagsosorry sa nangyare pero pinipilit nyang wala naman daw akong kasalanan, ako pa nga daw ang muntik ng mapahamak. Sa huli, ako pa din ang iniisip nya. Napakathoughtful nya.
Pinapanuod ko lang syang mag-inom, hindi ko sya mapigilan, nakakaawa syang tignan. Daig pa nyang nagheartbroken sa nangyare sa kanya. Kasama namen sina Jessey at Riri. Lasing na si Jessey, si Riri naman ay nakainom ng kaunti, kanina pa umiiyak si Jessey, gusto na din daw nyang magresign dahil wala na si Vic. Hahahaha
Halos 3 oras na ding kaming nag-iinom dito, I mean sila, ayokong iwan si Vic, hindi dahil sa nakokonsensya ako sa nangyari sa kanya pero dahil kaibigan ko sya and I care. I really do.
Hindi ako uminom kasi bothered ako dun sa nangyare nung sabado, bukod sa nakikinig ako sa kanya, iniisip ko din kung bakit ganun yung ginawa nya nung sabado. Hindi ko naman matanong si Kuya dahil hindi pa ulit kami nakakapagchat since nung last time. Naguguluhan tuloy ako.
I know she just wanted to protect me, pero nakita ko yung kakaibang aura nya eh, galit na galit sya dun sa lalakeng manyak na nakayakap sa akin.