Hey?
Di ko alam kung pano magsimula eh. Kaya "hey" nalang hehehe ^_^ . Ngayon lang kase ako nagkaron ng journal. Di ko nga alam na may journal pala sa mundo eh.
Nasanay kasi akong walang pinagsasabihan ng mga ginagawa ko o ng gagawin ko o ng nagawa ko.
So.... Ang nangyare lang naman sakin ngayong araw ay binili tong journal na'to. Tapos kumain, naglakad, umupo, tumayo, at tumingin. Nagsalita pa nga ako eh hehehe ^_^. Basta maraming nangyare kanina.
Wala na kong masabi. Di kasi ako sanay na nagsasabe ng ganito eh. Kaya ang dami kong secrets sa katawan eh. Yung nga ginawa ko di ko sinasabi.
Sasabihin ko nalang yung mga tungkol sakin. Sabagay akin naman to eh hehehe ^_^.
Uhmm san ba ko magsisimula?
Ang pangalan ko ay Sunny Aldea. Ang edad ko ay 14 years old. Grade 9 sa school nag-aaral. Pilosopo ako. Halata naman diba. May mama at papa ako, May mga kapatid din ako, May pinsan, May bestfriend, May kapitbahay, May lolo at lola atpb.Ano pa ba? Ay! Walang lovelife yun yung wala ako. Sa dami dami ng bagay na puedeng wala ako. Lovelife pa. Sabagay bata pa naman ako. Makakapaghintay pa. Chill lang ako. Hindi naman ako nagmamadali eh.
May 4 na taon pa ko bago mag-boyfriend. Kaya sa pag-aaral at mga kaibigan muna ako aasa. Hindi sa lovelife. Ayoko pang masaktan at umiyak gabi-gabi katulad ng pinsan ko.
Atsaka mahirap maghanap ng loyal no. Pero alam ko namang darating din sa buhay ko yung mga taong loloko sakin. Darating din sa buhay ko na iiyak ako para sa mga loko na yun. Pero sana isang tao lang. Sana isang beses ko lang maranasan yan huhuhu T_T. O kaya sana wag nalang.
Kaya umiiyak ako minsan eh. Kasi iniisip ko palang na masasaktan ako naiiyak na ko.
Dahil kasi sa mga pinsan ko kaya ako nagkakaganto eh. Kasi yung mga boyfriend at mga naging boyfriend nila niloko lang sila. Sakin nila sinasabi yun. Kasi alam nilang hindi ako nagsasabi sa iba. Umiiyak sila sakin.
Kaya ang dami kong alam sa love love na yan eh. Dahil sa kanila. Tapos pinapayuhan pa nila ko tungkol sa mga lalake. Kailangan daw yung di ako lolokohin nung pipiliin ko. Eh kung sa sarili kaya nila sabihin yun wag sakin.
Dami nilang alam sa mga lalake. Di naman nila na-aapply sa sarili nila →_→.
Hanggang dito nalang ako. Inaantok na ko. Tulog na ko.
- Sunny Aldea ♥