Chapter 13 : His Partner

8.3K 208 2
                                    

- SOPHIA'S POV -

Hawak ni Raven ang aking kamay habang naglalakad patungo sa wedding venue na ilang hakbang na lang ay mararating na namin dahil natatanaw ko na.


Maraming tao sa paligid at palihim akong namangha sa ganda dahil beach wedding ito.


"Huy, Raven! Haha!" Isang lalaking kasing tangkad ni Raven ang lumapit sa kaniya at nakipag-shoulder bump. Hindi rin matatawaran ang kagisigan nito tulad ni Raven.


"Hey! Where's Leo?"


"Nandoon na, may mga kausap lang." Sabi ng lalaki. Pero natigilan ako nang tumingin ito sa akin. "Ooohh.. Who is she?"


Sandaling napalingon si Raven sa akin. "Ah.. She's Sophia, my date.."


Nakakaloko at mapanuksong tingin ang binigay ng lalaking ito sa aming dalawa.. "Seryoso, huh?" Agad ng lahad ng kamay ito sa akin at tinanggap ko naman upang makipagkamay. "By the way, I'm William Latrell Monticello, the groom's brother and Raven is our friend.. Nice to meet you, Miss Sophia.."


Ngingitian ko sana siya nang may balak halikan ni William ang likod ng aking palad, pero mabilis inagaw ni Raven ang kamay ko.


"Damn you, William! Don't flirt to my girl!" Seryosong sabi ni Raven, kaya natawa si William at itinaas ang dalawang niya na tila sumusuko.


"I'm just testing you, selos ka agad. You know how many girls I have."


Umalis na si William sa harapan namin dahil magsisimula na raw ang seremonya. Iginaya ako ni Raven na maupo sa likod na tama lang upang mapanuod ko ang magaganap na kasalan ngayon.


"Are you comfortable here?"


Ngitian ko siya sabay tango. "Oo wag mo na kong intindihin. One of the groom's men ka, hindi ba? Pwesto ka na roon."


"Okay.. I'll be your partner later.." Sabi niya sabay kindat niya pa sa akin.


Hindi ko alam kung ano o saan ko siya magiging partner.. Sa date kaya? May ganun pa siyang nalalaman.


Nagsimula nang maglakad ang mga abay, si Raven na may kapartner na meztizang babae at  maganda. Ewan, parang ang sakit lang sa mata makita si Raven na may kasama siyang iba. Bigla akong nag-imagine na ako kunwari ang partner ni Raven.


Habang nalalakad kami ay hindi ko maiwasang pangiti dahil kahit hindi ako tumingin sa kaniya ay alam kong nakatitig si Raven sa akin.


"Don't worry, sa simbahan naman tayo kapag kinasal tayo dalawa." Pabulong niyang sa akin.


Napatakip ako ng bibig upang mapigilan ang higikhik ko at saka ko siya sinulyapan. "Hay naku.. Ewan ko sayo." Sabay hampas ko pa sa braso niya.


Bigla akong bumalik sa katinuan nang magsimulang magpalakpakan ang lahat. Jusko! Nagd-daydream yata ako kanina. Napansin ko na lahat sila ay nakatayo at nakatingin sa aking likuran, sa paglingon ko ay isang magandang bride ang naglalakad ngayon sa red carpet.


At nang magsimula na ang kasal ay nanuod lang ako. Ano kayang pakiramdam kapag kinakasal na? Sobrang saya siguro lalo na't kasama ang lalaking mahal mo na makakasama mo habang buhay.


Ako kaya? Twenty one years old na ko. Mga ilang taon kaya ako ikakasal sa lalaking mamahalin ako habang buhay?


Si Raven? Imposibleng siya...


"I now proclaim you husband and wife; you may now kiss the bride" sabi ng priest.


Lahat ay nagsimulang nagtilian nang halikan na ng groom ang kaniyang bride sa labi nito. Ang sweet nilang tignan.


Nang matapos ang kasal ay agad akong pinuntahan ni Raven at agad hinawakan sa kamay. "Did you get bored?"


Umiling ako. "Hindi, ah.. Ang ganda manuod ng kasal."


Bigla naman siyang ngumisi. "You know what, I'm not going to marry in this place. I want to marry in a church....with you."


Napanganga ako. Pakiramdam ko ay kahawig din iyon sa naging daydream ko kanina. "In your dreams!" Pagtataray ko.


Maglalakad na sana kami patungong reception nang biglang may babaeng lumapit kay Raven. Teka, siya yung meztizang kapartner niya kanina, ah?


"Hey, Mr.Walford. I thought tayo pa rin ang magkapartner.."


"Sorry, its only in the wedding. I have my real partner and I don't want her to make jealous." Ani Raven sabay akbay niya sa akin na ikinabigla ko, tapos ay naglakad na kami.


Umangat ang tingin ko kay Raven. "Bakit mo sinabi 'yon? Hindi naman ako magseselos."


"I'm not interested to be her partner. I want is you, Sophia."


Umiwas na ko ng tingin sa kaniya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Sh*t!





#ChaTara08

All Yours Are Mine [TGKS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon