I'm joshua. 18 years old. 2nd year architecture student.
Si jalen, best friend, classmate, special someone ko.
Yes. I'm a guy, and I'm in love with my best friend who's a guy too.
I don't know how it started. Basta sa tuwing nilalapit
niya sa mukha ko yung chinito niyang mga mata at mamula-mulang pisngi,
kinikilig ako.
At first di ko naman talaga siya gusto.
Alam ko sa sarili ko straight ako. Pero nung naging matagal na ang
pagsasama naming magto-tropa nalalaman na namin yung childish niyang ugali.
Masyado kasi siyang conscious sa kung anong appearance niya sa iba.
madalas tinatanong niya kung pangit ba siya dahil walang nagkaka-gusto sa kanya.
at everytime na tinatanong niya yun ako lagi yung trip niya.
ilalapit niya yung mukha niya sakin tapos paulit-ulit na tatanungin ako kung
pangit ba siya o hindi.
Dumating sa point na sobrang lasing siya kasi nagyayang uminom si pareng miko.
Ayun, nag-drama bigla si gago nung biglang naging tungkol sa love yung usapan namin.
Gaya ng laging nangyayare, ako nanaman yung nakita niya.
nilapit nanaman niya yung mukha niya sakin at tinanong yung paulit-ulit niyang
tinatanong. Nung time na yon di ko inaasahan na dumampi ng kaunti yung lower lip niya
sa upper lip ko.
"Gago! Wag ako len, lasing ka na eh!" ang sabi ko nung muntik niya nakong mahalikan
sa sobrang lasing niya.
nagsimulang mag-asar yung mga tropa namin. "Ayiiiiieeee..." napaka-lagkit ng biro nila.
simula noon, kinikilig na ko sa tuwing ginagawa niya yung bagay na yun.
________________________________________________________________________________
Ngayon kasama ko siyang mag-aral. Classmate ko siya at parehas kami ng kinukuhang
kurso. Gaya-gaya. Hindi naman niya talaga gusto yung architecture. saming magto-tropa
ako lang naman ang mahilig mag-drawing at may interes sa mga bahay.
Though alam ko may knowledge si jalen sa construction kasi construction worker yung
uncle niya at lagi siyang sinasama para mag-part time noon.
Alas tres na ng hapon. Katatapos ko lang kumain mag-isa. may klase pa kasi si jalen.
Sinubukan ko siyang hanapin sa bawat room, baka sakaling nandun siya, nababagot na ko.
Hindi parin ako maka-get over sa movie na napanood ko kagabi.
kung saan inilapit ng lalaki yung mukha niya sa babae para harangan ang pag-alis ng
babae dahil magtatapat ang lalaki ng feelings niya.
aaminin ko, iniisip ko si jalen nung mga oras na iyon. what if gawin niya ulit sakin
yung lagi niyang ginagawa sakin at biglang mag-tapat na gusto niya rin ako.
habang naglalakad sa hallway kinikilig ako ng patago habang iniisip ko yun.
Nakita ko si jalen na natutulog sa drafting room. sino ba namang di maantok sa drafting
room. ang lamig eh may aircon kasi.
"Oy len! Kumain kana?" tanong ko sa kanya na medyo maangas.
habang siya naman na alimpungatan at kinukuskos ang isa niyang mata.
"di pa boy. libre mo ko?"
"gago, tapos nako."
"edi wow, tinanong mo pa ko."
"siyempre, concerned ako sayo." sinabi ko sa utak ko habang nakatingin sa kanya.
"tara na, di ka pa ba lalabas andiyan na yung prof oh."
"ang aga pa boy. maaga kami dinismiss ni mam. halika nga dito, tabihan mo ko."
biglang request ni jalen.
tinanong niya ko bigla kung may nagkaka-gusto ba raw saakin.
"boy, balita ko crush ka raw ni tricia ah." nagulat ako sa tanong ni jalen.
"Owwwss, wag ako len, iba nalang."
"Kung sakaling totoo yun, susunggaban mo ba siya?"
"anong susunggaban? hahaha mga vocabulary mo ang lalim." natatawa kong sabi.
"I mean, kung sakaling totoo na gusto ka ni tricia, liligawan mo ba siya?"
"Hmm, maganda naman siya, tsaka mabait. So, bakit hindi."
"Ahhh..." tugon ni jalen sa tanong ko sabay buntong-hininga.
"Buti ka pa jo may nagkakagusto sayo. Sakin ni paramdam wala..."
"pre...ok la--" naputol ang pag-comfort ko sa kanya...
inilapit nanaman niya yung mukha niya sa mukha ko sabay sabing...
"pangit ba ko? ha!? pangit ba ko!?"
gaya ng laging nangyayari, gaya ng lagi niyang ginagawa.
pero sa puntong 'to naramdaman kong mabigat at may emosyon ang pagkakasambit niya
ng mga salitang yon na di tulad ng dati.
"sana imbis na tanungin mo ko tungkol sa itsura mo, tanungin mo naman sana ako kung
may gusto ko sayo, kasi sa tuwing ginagawa mo yan, nararamdaman ko yung lungkot
sa puso mo. Sa tuwing ginagawa mo iyan mas lalo kong gustong sabihin na Jalen!
Putangina! Itigil mo na yan! Kasi andito ako. Andito ako nagmamahal sayo. Sana naman
maramdaman mo. Kapag nalaman mo kaya na gusto kita, ay hindi, mahal na kita, ititigil
mo na yan. Pero natatakot akong sabihin yun. Kasi hindi ko alam kung matutuwa ka ba
o mandidiri sa katulad ko. Dahil baka isipin mo tinetake advantage ko yung pagiging
magkaibigan natin para lang mapalapit ako sayo. Mahal kita jalen. mahal kita.
Manhid ka ba...."
Mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya, pero sa halip tiningnan ko lang siya mata
sa mata na medyo naluluha at lumayas. Malamang sa point na umalis ako mas lalong
bumigat ang pakiramdam niya. Ang sama ko.
Nagi-guilty ako. Siguro dapat sinabi ko nalang yung totoo para kahit papaano maging
maginhawa ang pakiramdam niya. Pero hindi eh. Natakot kasi ako.
Umuwi nalang ako sa bahay nang tulala at walang kibo sa mga tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
Guilty (One shot BL)
Teen FictionBL one shot story. Don't read if you aren't interested. I'm not a pro I just want to write what's on mind. Thank you^^