Nabuga ko yung iniinom ko. Jusko, mabaliw-baliw ako. MAYGAWD.
Ang daming pumasok sa isip ko. Pano kung sinabi ni Jane sa kanya? PATAY SAKIN YUNG BABAENG YUN.
Hay, bahala na. Anyways, nag-aabala pa ako kung anong isusuot ko sa School Fair. Party party lang naman dun eh. May mga booths. Kain-kain, chibog, lamon. <3
At sa wakas, nag School fair na. At ang saya lang! Weeeeee. Tapos si Sam nablind date kay chorva niya! Hahahaha! Kinwento niya naman sakin yung nagyari. Nakablind fold, holding hands, sweet moments... Shet, nakakainggit. Hahaha de joke.
Tapos nung uwian, sumabay si Jane sa service naming kasi naiwan siya ng service nila. Tapos nung dumaan si Kuya Jiro, sinabi ni Jane na sa service na lang naming siya sumabay. I WAS LIKE, ASDFGHJKL. Kinikilig ako na ewan.
Nung nasa service na, pinagkaisahan ako nila Sam at Jane habang ako naman natutulog. -_-
KAMING DALAWA NA LANG YUNG NATIRA SA SERVICE, TAPOS AKO NATUTULOG PA! NAKAKAHIYA! Malay mo tumutulo pa laway ko nun. Hahahahhaha de joke. >.<
Nagising na ako, tapos bumungad sakin si Jiro at ang kanyang gwapong mukha,
SOBRANG LAPIT SAKIN.
Jiro's POV
Kanina pa ako nagpipigil ng tawa dito. Kasi naman kung matulog akala mo mantika eh! Muntik pa siyang mahulog at magising sa pwesto niya. Buti na lang hindi. Sarap niya kasing titigan eh. HAHAHAHA.
Nung malapit na kami sa bahay nila, sabi nung driver gisingin ko na daw kasi malapit na siyang bumaba. Nung ginigising ko, ayaw talagang magising amp! Mantika talaga to! Nakakatuwa siya. HAHA. Ayun, napagtripan ko. Nung hinawi ko yung buhok niya, GRABE. Ang amo ng mukha niya. Ang ganda niya kapag natutulog, sana pala palagi na lang siya tulog. HAHA JOKE. Nilapitan ko yung mukha niya tapos kinalabit ko, di pa rin talaga nagigising. Nako. Nung inalog ko siya, buti naman at nagising na siya. Kaya lang na-misunderstood niya yata...
"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" biglang sumigaw si Alyssa. Kaingayan talaga netong babaeng 'to. Akala mo nakalunok ng megaphone. Tss.
"Wala akong ginagawa! Sabi ng driver gisingin daw kita eh!" nagpaliwanag ako, nakataas pa dalawa kong kamay. Parang criminal lang.
"Nasan na sila Sa---. Aish. Pinagtripan na naman ako nung mga yun."
"Uy, sorry pala."
"H-ha?"
"Sabi ko sorry na. Bingi lang? Gusto paulit-ulit?"
"Heh! Oo na. Sige pala bye na." bumaba na siya ng service.
Nung pagka-uwi ko, nanuod muna ako ng TV tapos nagcomputer. Tapos nag-online ako, online din pala si Alyssa. Machat nga 'to.
"Hoy megaphone!"
"Sinong megaphone?! :P"
"Ay ako ako. Sige kinakausap ko sarili ko."
"Baliw! Oh bakit?"
"Sorry ulit kanina ah. Ginigising lang naman talaga kita nun eh."
"Oo na nga eh. Sorry din, kasi nasigawan kita..."
"Di ayos lang yun. Masanay na lang ako sayo. Kasi naman kung makasigaw ka akala mo nakalunok ng megaphone! :P"
"Heh! Shattap. >.<"
Tapos nag-usap usap kami. Wow, close agad? Hahaha. At yun, nahiga na ako sa kama at ang dami kong naiisip.
BINABASA MO ANG
The Lost Relationship --- Ch.24
RomanceSimpleng love story. Girl meets boy, they fall for each other. Pero magiging masaya kaya sila sa huli? Judge them as they face the challenges of a perfectly imperfect relationship.