Pagdating ko sa labas ng Manila Zoo, ni-text ko si Eve para malaman kung nasaan na sila dahil hindi ko sila matanaw mula sa kinatatayuan ko. Agad naman siyang nagreply na pupunta sila malapit sa entrance para salubungin ako. Kaya naman, pumasok na ako sa loob pagkatapos magbayad.
Sinalubong ko si Eve ng ngiti nang sandali lumitaw na siya sa paningin ko. Nawala naman na parang natutunaw na ice cream ang ngiti na iyon nang mapatingin ako kay Adam.
"Tara?" sabi ni Eve kahit hindi pa man tuluyang nakakalapit sa akin. May kasabay pa iyong pagtango na senyas din na lumapit ako sa kaniya kahit iyon naman ang ginagawa ko. "Halos lahat naikot na namin. Kaunti na lang ata ang hindi."
"Sige. Kung saan na lang kayo pupunta, sama lang ako."
Kasabay ko na silang maglakad.
"Wala ka bang gustong puntahan o tingnan?"
"Okay lang ako, Eve. Huwag mo kong intindihin. Hindi naman talaga itong Manila Zoo ang pinunta ko rito." Adam gives me a side glance pero agad ko rin namang sinundan ang sinabi ko. "Ang totoo niyan, ilang beses na talaga akong nakapunta rito kaya walang problema."
Marami kaming mga hayop at magagandang spots na nadaanan na sobrang kinatutuwa ni Eve.
"Tayo ka rito," utos ni Adam sa kaniya sabay kuha ng litrato. Ilang beses kaming huminto dahil insist ng insist si Adam na kuhaan siya. Mukha namang gusto rin ni Eve. Habang ako naman, nakasimangot lang na pinanonood sila. Napakabida-bida talaga nitong Adam na ito.
"Uy, ang ganda ng kuha mo!" pagpuri ni Eve sa isa sa mga litrato niyang kuha ni Adam sa kaniya.
Magkadikit silang dalawa para parehong kita ang maliit na screen ng phone ni Adam. Pinanonood ko naman silang dalawa na para bang mga bida sila sa isang romance movie. Pero ang naiisip kong ending, tragic dahil mahuhulog sa bangin ang isa sa kanila.
"Ipasa ko sa'yo," ani Adam.
"Sige, pero mamaya na. Mag-washroom lang ako."
Pinagmasdan ni Adam ang mabilis na paglalakad ni Eve papuntang banyo. Nang siguro'y nakapasok na sa loob si Eve, ako naman ang napagdiskitahan ng mata niya. Medyo may distansya kami sa isa't-isa pero magkaharap kami pareho. Ibinalong ko na lang ang tingin ko sa parrot na parehong malapit lang ang hawla sa amin. Ina-appreciate ko ang magandang balahibo ng parrot na may kulay blue nang mapansin ko mula sa peripheral vision ko na nakatitig pa rin siya sa akin. Sa ganitong mga pagkakataon na pagod ako, mabilis akong ma-annoy. Marahil iyon ang dahilan kung bakit na-diretso ko siya.
"Bakit ka ba tingin ng tingin?" May panlilisik sa mga mata ko na hinarap ulit siya.
"Bakit masama na ba ngayon tumingin?"
"E bakit nga? Ano bang gusto mo ba't tingin ka ng tingin? May gusto ka ba sa'kin?"
Para siyang ginulat ng multo sa naging paggalaw ng balikat niya. "Huh?" Bakas ang kaba sa naging pagtawa niya. "May gusto agad? Parang gusto mong malamang meron, ah?"
Napasinghap ako at kasabay niyon ay ang pamimilog ng mata ko.
"Bakit ko naman gugustuhing meron? Sino ka ba?" mabilis ang pagsasalita kong sagot.
"Ewan ko sa'yo. Kung ano-ano naiisip mo, Steve."
Lumapit na lang siya sa parrot at nagpatay malisya na hindi pa tapos ang pag-uusap namin. Hinayaan ko na lang siya. Nagsimula na rin kasing sumipa sa akin ang hiya sa biglaan kong pagkumpronta sa kaniya. Hinayaan ko na lang ang katahimikan sa pagitan namin dahil baka mas lumala pa kung magsasalita pa ako.
Hindi naman namin maitago kay Eve ang ilangan namin ni Adam. Mabilis niya iyong napansin kaya nagtanong siya.
"Okay lang ba kayong dalawa?"
BINABASA MO ANG
The Eve Between Adam and Me
General FictionSa pag-aakala ni Steve na siya ang tinitingnan ng lalaki sa loob ng club na si Adam, na-disappoint ang binata nang ang babae sa harap niya na si Eve ang nilapitan nito. Sa inis ni Steve ay ginusto niyang gantihan si Adam sa pamamagitan ng pagkuha sa...