01

9.7K 99 13
                                    

Simula pagkabata pa lang kasama ko na si Rafael. Marami kaming similarities, parehong solong anak, we were born on the same year, month and date, and aside from that pareho kaming may lahi.

Kung tutuusin nga eh, para na kaming magkapatid, sa magkaibang magulang nga lang. Hindi mo kasi kami mapaghihiwalay talaga. Simula elementary hanggang mag highschool siya ang aking kasama. My mom and her mom were college best friends. Kaya ayun naipasa saming dalawa ang pagiging magkaibigan nila.

Uumpisahan ko ang storya ko nung tumuntong na kami sa highschool. We were in highschool kasi that time. When something happened and change everything in our friendship.

We are both in a relationship. Pero dumating sa point na naghiwalay kami ng karelasyon ko, nawawalan na raw kasi ako ng time sakanya. HInayaan ko na lang kasi na fall out of love na rin naman kasi ako sakanya. At ayun na nga, si Rafael sila rin ng girlfriend niya na si Kristine ay nag hiwalay na rin. According to him, Kristine found someone better than him. Alam ko kung gaano kamahal ni Rafael si Kristine, kaya alam ko rin kung gaano nasaktan at nalungkot ang kaibigan ko. To the point na di mo talaga siya makakausap, yung tipong akala mo eh namatayan.

Madalas na ako ang takbuhan ni Rafael sa mga ganitong bagay. Kaya naman solid and samahan at asaran naming dalawa. Nag aya si Rafael na gumala sa mall, gustong-gusto niya ang tumambay sa NBS upang humanap ng mga bagong libro at basahin ang mga ito for free (haha), at para makapag isip-isip na rin kung ano ba raw ang naging mali niya at iniwanan siya.

Habang nag iikot-ikot kame sa mall, nakita naming dalawa ang mga ex namin sa di kalayuan. Laking gulat na lang naming dalawa ng makita naming silang magkahawak kamay habang naglalakad. Wala kaming basis kung mga lesbian ba sila pero, normal ba talaga na magkahawak kamay sila at animoy nag dedate ang dalawa?

So, to cut the story short, I never imagined myself of being in a relationship with the same sex. At ang matindi sa bestfriend ko pa. Alam ko sa sarili ko na lalaki ako at babae ang gusto ko. Ngunit nagkamali ako. Si Rafael ang nagmulat sakin sa totoo kong pagkatao.

Third year high school na kami and last month na rin namin of being juniors. Magkakaroon kami ng Prom Night, at nung gabing yun dun nagbago ang takbo ng pagkakaibigan naming dalawa ni Rafael. Sobrang naging caring siya na dati eh hindi naman, naging strikto nagagalit kapag hindi ko napapansin, pero sa isip-isip ko pinagtitripan na naman ako ng lokong to, at ayun na nga umamin siya ng nararamdaman niya para sa akin.

Sa kasalukuyan...

"Bry, I don't know how to say this, but dude please promise me that you'll never laugh at me."   wika niya sa akin

"sure, no worries dude, ano ba yun?" Tanong ko sakaya na medyo curious sa sasabihin niya sa akin.

"Dude, I am not gay or what not, but I felt something unusual when I'm with you, I get jealous for no reason, I-I think, I'm in love with you" Wika niya na nauutal pa habang ako naman ay nahihirapan pang i-process lahat ng sinasabi niya.

"Please don't be mad at me dude, I-I like you, I mean I love you. More than friends. And natatakot ako na baka dahil ditto sa narinig mo ay tuluyan kang mawala at masira ang pagkakaibigan natin. Para na tayong magkapatid at higit pa dun ang nararamdaman ko. Handa akong masaktan para lang sayo. Please! Please! Don't get mad at me." Aniya sa sakin.

Nagmistula akong i-statwa sa aking kinauupuan, hindi ko alam kung paano ko lahat ipo-process sa isip ko lahat ng mga narinig ko mula sa kanya. May kung anong parte sa sarili ko na nagsasabi na yakapin ko siya, pero di ko magawa dahil naguguluhan ako sa kung anong nangyayari.

"haha, shit dude! You got me, nice joke! Lakas mo talagang mang trip Raf, Loko ka talaga! Walang bakla sa tropa." Tanging yun na lamang ang mga katagang nasabi ko sakanya, sa pagkagulat ko sa mga salitang narinig ko.

Bestfriends to Lovers (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon