It's A Secret and I won't Tell.
January 13 , 2013
All Rights Reserved
ЖJellychubsЖ
Introduction
Nagising akong masakit ang ulo at nasusuka . It's been a week since nag break kami ni Jonathan . Pero makikita mo pa din ang mga picture naming nagkalat sa sala maging sa mga nagkalat na papel . Ilang araw na din akong puro inom pero bakit ba? Hindi naman sila ang nakakaranas ng hang over ko .
Hindi naman sila ang masusuka .
Tumayo ako at ayun na nga, sinuka ko na lahat ng nainom ko .
Alam kong hindi naman to makakatulong, kaya nga hind ko na uulitin . Atyaka isa pa ilang araw na lang at magpapasukan na . Mugtong mugtong mugto ang mga mata ko, sobrang haggard ng itsura ko .
Pero sa wakas .. 4th year high school na din ako . After ng tatlong taon na naging masaya ako, first time ko lang naging hindi masaya na malapit na ang pasukan .
Naka off ang cellphone ko at nag de activate ako ng account sa mga facebook at kung ano ano pang accounts .
Siguro.. ganun lang talaga ako sobrang nasaktan .
Pag naalala ko si Jonathan, naiiyak na lang ako bigla . Kaya nga tinry kong magpakalunod sa alak, pero linshak, pinasakit lang naman pala ang ulo ko .
Alam nyo ba ang rason kung bakit kami nag break? Hindi na daw kasi kami nagkakaintindihan . Syempre nasaktan ako . Panong hindi ba nagkaka intindihan? Wala naman kaming problema sa pagkaka alam ko . Sya nga 'tong meron eh . Palagi syang busy. Hindi ko alam kung saan . Kaya mahirap talaga kapag Long Distance Relationship.. biglang nagkaka labuan .
Bakasyon kasi at umuwi sila sa probinsya ng Lola nya . 3 weeks din yun at wala kaming ibang communication kundi ang pagti-text, kung mamalasin pa nga at walang signal, tatlong araw kaming walang communication.
Pagkauwi nila dito nagkita kami isang linggo pa kaming masaya, isang linggo .
Pero pagkatapos nun... nakipag break na sya... through call.
"Oh , hon napatawag ka?" malaki pa ang ngisi ko dahil kaka uwi ko lang , galing mall kasama ang bestfriend kong si Garl .
"M-monica.." napakunot ang noo ko sa boses nya .
"O-oh.." pinilit kong tumawa kahit na kinakabahan na talaga ako . "Bakit bigla ka atang napatawag? Miss mo na'ko agad!" Nagawa ko pang magbiro .
"Monica, I think we need to break up." Sandaling natahimik kaming dalawa, pina-process ko pa lahat ng sinabi nya . Maya maya..
Tumawa ako.
"Oh ano? Natawa na ako!" sabi ko sa pagitan ng pag tawa at paiyak kong boses. Kunwari natatawa na talaga ako pero bigla na lang tumulo ang isang luha ko .
"Monica, I'm really sorry . Hindi na tayo nagkaka intindihan . I-I need space, I need time. I mean..I-"
"You mean ayaw mo na?" Kinagat ko ang labi ko at napapikit . "So you mean, na ganun ganun na lang? After 3 years, ganto na lang ending natin? Hon sabihin mo kung anong problema! Wag kang basta basta makikipag break!"
Ni hindi ko alam san nanggagaling ang lakas kong makapag salita .
"Monica I'm sorry, Alright!"
"Bakit? M-may iba na.. ba?"
Narinig kong bumuntong hininga sya .
"No-"
"Ang Lame ng explanation mo, Nathan! Ang duwag mong g-ago ka! Ni hindi mo ako maharap para mag explain! Ni hindi mo nga ako kausapin ng harapan! P-utangina!"
Then after that, I ended the call, And cried.
Gustong kong umuwi na lang ulit ng probinsya . Grade 5 kasi nang pinapunta ako ng Mommy at Daddy ko dito sa Maynila para daw magkaroon naman ako ng magandang future. It's not that I have no future in province. Sa katunayan nga ay marami ang lupain namin doon at kilala din ang pamilya namin sa larangan ng business.
Doon ako nakatira sa Lola at Tita ko pero nung 2nd Year high school ako, Namatay si Lola, at pumuntang America ang Tita Ana kaya napilitan akong mabuhay ng mag isa sa bahay na malaking ito. Nagpupumilit si Mommy na umuwi na ako doon pero umayaw ako.
Grade 6 nang makilala ko si Nathan .
Never pa ako nagka crush sa isang lalaki dahil nga laking probinsya ako at strikto sina Mommy .
He was my First Crush .
Pero binalaan agad ako ng Kuya Marco ko kaya naman tinry kong pigilan .
Atleast crush pa lang naman . 1st year ako nang bumalik na si Kuya sa probinsya para tulungan sina Mommy . Syempre sobrang saya! Walang pipigil sa akin . I'm finally liberated! Nalaman kong sa private nag aaral si Jonathan kaya naman hindi ako nag dalawang isip na mag exam para sa scholarship at dahil nga isa akong valedictorian nung elementary.. madali kong naipasa. Ayaw ko kasing gamitin ang pera namin. I wanted to prove them na kaya kong maging independent .
Simple lang naman ang love story namin. Hindi kami yung may twist na story . Kung tawagin pa nga, Cliche ang love story namin . Hanggang break-up nga.. cliché pa din .
"You're drunk ..again"
Napakunot ang noo ko nang bumungad si Matthew sakin na may hawak na tasa ng kape.
"What are you doing here?" tanong ko.
"Why are you doing this?" ganting tanong nya sakin . Pinunasan ko ang labi ko at umiling sa kanya .
"Shut up"
"You want me to shut up?! Tangina naman Monica, nakakagago na eh ." iritado nyang sabi na agad kong kinaasar .
"Ginago ba kita!?" sigaw ko.
"Oo! Bullshit lang! Tatawag tawag ka sakin while you're at the bar tapos iiyak iyak ka . Alam mo bang hindi ako makatulog? Kasi binabantayan kita, nag aalala ako . Palagi mo na lang ginagawa 'to! Ni hindi namin alam ni Garl kung ano ang nangyayari sa'yo, Monica. Tangina lang." frustrated nyang sinabi at tinitigan ako.
"I....called you?" hindi makapaniwala kong sabi .
Natawa sya bigla pero halatang hilaw na hilaw ang tawa nya .
"We'll talk, Mon"
Kinagat ko ang labi ko nang marinig ko ang boses ni Garl .