Chapter 42

78.2K 916 139
                                    

Kath's POV


Nong nag gabi na ay napag desisyonan ng mga kasama ko na pumunta kami ng beach at mag bonfire.


Nakatingin lang ako sa buhangin, may hawak ako ng stick at guhit lang ako ng guhit ng ano ano. Tinignan ko ang mga kasama ko na nagkakasiyahan. 


Si Kats at Lester ay nagkantahan, may hawak na gitara si Kats habang nag duduet sila ni Les ng without you.


Si Ella at si Julia ay nakahiga sa buhangin, nag uusap tungkol sa paborito nilang tv show.



Si Seth at Yen ay kumakain.



Si JC at tsaka si Daniel ay natutulog sa buhangin.


Tahimik lang ako dito sa gilid habang pinaglalaruan ang buhangin.


Umigting ang panga ko nong naalala ko ang sinabi ni Daniel saakin kanina sa kwarto.


"KC. Wag mo nalang akong layo an oh? Hindi ko kasi kayang matiis eh. Alam kong ako ang nagsabi na layu an mo na ako. Pero binabawi ko na yun. Kalimutan na natin yun."


Ugggggggh!!! Dan! For once lang! Umalis ka sa utak ko!!!!


Hinahampas hampas ko yung ulo ko.


"Hoy! Ano yang ginagawa mo?" Napatigil ako sa gingawa ko kasi biglang sumulpot si Julia. Umiling nalang ako.


"Alam mo? Para kang tanga diyan, Hinahampas hampas mo ang ulo mo. Gusto mo tulungan kita? Halika! Wag diyan. Doon tayo sa pader, ako ang maghahampas." Siya.


Binatukan ko nga.


"Kainis naman 'to eh! Kita mong seryoso ang tao." Ako.


"Ay! Seryoso ka na sa lagay na yan teh?" SIya. Inirapan ko nalang siya.


"Oh? Bakit ka nandito?" Ako, at binigyan siya nang nakakalokong ngiti.


"Wala lang, naglandian na kasi si Ella at Les. Ano bang problema mo at hinahampas hampas mo diyan ang ulo mo?" Siya.


Bumuntong hininga ako bagokinuwento lahat ng sinabi ni Daniel saakin kanina sa kwarto.


"Oh? Ano naman ang problema 'dun? Edi chance mo na yun! Siya na mismo ang nagsabi sa'yo na wag mo na siyang layo an kasi hindi niya kaya. Ano pa ba yang inaarte arte mo dyan?" 


"Eh kasi..."


"Kasi natatakot ka na masaktan ka nanaman." Nagulat kami nang biglang sumulpot si Yen.


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon