Nasa labas ako ng building ng condo ni Mika.
Ilang araw simula nung huli nameng pagkikita, ilang araw makalipas nung gabing nasa Pampanga kami. Ngayon na lang ulit ako magpaparamdam sa kanya.
After kasi ng nangyare, hindi ko alam kung ako lang yung awkward o awkward talaga kaming parehas. Simula din ng araw na yan, hindi na ako nakapagtext sa kanya. Hindi na rin sya nagtext sa akin, natatakot akong baka galit sya. Wag naman sana.
Nakuha ko na ang separation pay ko kaya naisip kong magbayad na ng utang kami Mika, at katulad ng napag-usapan, naisipan kong ipagluto sya.
Naisip kong tumawag kesa pumasok sa loob ng hindi ko alam kung anong room number sya.
Nakailang ring muna bago nya ito tuluyang sagutin.
Nahihiya pa akong magsalita ng una, natatakot akong baka babaan nya lang ako. After ng ginawa ko, hindi na kami nakapag-usap. Nasa byahe kami pero tulog lang sya the whole time, hindi naman na sya nagpahatid kaya hindi na din kami nagkaron ng time para mag-usap.
Nung on the spot nyang tinanong sa akin kung bakit ko ginawa yun hindi ko naman nabigay ang totoong sagot, tanging 'di ko alam' lang ang nasagot ko at 'nabigla ako' tapos after nun, iniwasan ko yung topic, uminom lang kami ng tubig tapos bumalik na ulit sa kanya kanya namen higaan.
"Hello?" sya ang unang nagsalita
"H-Hi" naalangang bati ko. Dapat this time, hindi na ako mahiyang magsalita, direct to the point na dapat. "N-Nandito ako" pinilit kong alisin ang pagkautal ko. "sa labas"
"Ha?"
"S-Sa labas ng b-building ng condo mo" utal utal kong saad habang nakayuko. Bitbit ko sa isang kamay lahat ng pinamili ko kanina para sa iluluto ko.
"Ha?! Anong ginagawa mo dyan?" tanong nito para syang may ginagawa or naglalakad? "Teka bababa ako"
"M-Magbabayad sana ng utang"
"Oh? Sabi ko diba wa--"
"Ipagluluto na kita" putol ko sa kanya.
"Vic naman" sabi nito.Nadinig ko ang paghinga nya. "Sige ito na ko" binaba nito ang tawag.
Kinabahan ako bigla.
Actually kanina pa, pero mas lalo akong kinabahan ngayon, maingay ang paligid dulot ng tunog ng mga sasakyan pero tanging kabog lang ng dibdib ko ang nadidinig ko. Para itong nageecho sa buo kong katawan.
Pano bang gagawin ko?
Ano bang sasabihin ko?
Nag-isip ako ng pwedeng sabihin, ng pwedeng idahilan. Aish.
Nag-iisip ako ng mabuti ng biglang ...
"Vic"
"Ay Mika!!!!!!!" gulat akong napaharap dito.
Si Mika.
Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry" natawa na lang ako. "Hi" bati ko dito. Hindi ko alam kung anong meron pero naawkward ako.
"Bat nag-abala ka pa?" tanong agad nito. "Dapat saka mo na inisip yan, nakakahiya"
"H-Hindi. Wala din naman akong magawa kaya naisip kong puntahan ka na lang" medj nahihiya pang sabi ko.
Naghahalo yung kaba at kilig na nararamdaman ko ngayong nakita ko na si Mika, kung papansinin wala namang awkward dito, ako lang talaga. Kahit anong pilit kong wag tumingin sa labi nya ay di ko mapigilan ang mga mata kong parang may sariling buhay at napapatingin na lang sa mga yun.