Matagal kong pinagsisihan yung nagawa ko. Hindi ko aakalaing ganoon pala ang mangyayari. Ang sakit para saakin.
Kaya mula noon, nagsikap akong magaral. At lagi akong nagdarasal na sana next year magkaklase na kami ni Jallen. Kasi may feeling talaga ako na soon magiging magkaklase kami. Pero pagkalipas ng dalawang taon, parang nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Kasi tatlong taon na akong nagiintay at nangangarap na sana maging magkaklase kami pero hindi naman dumating yung hiniling ko.
Ano kayang tawag dito sa mararamdaman ko para sa kanya? Simula noong Kinder II up to Grade 3 crush ko parin siya. At tuloy tuloy parin ang pagmamahal ko sa kanya.
Tapos na ang school at summer vacation na.
Yey! Tapos na ang Grade 3. Grade 4 na kami sa darating na pasukan. Sana magkaklase na kami ni Jallen......... Ay naku!! Iyan nanaman ako, umaandar nanaman yung pagka feeler ko.
Noong time na yun, pinayagan na ako ni daddy gumawa ng facebook acount. At agad agad kong sinerch yung acount ni Jallen. Inadd ko siya. Maraming friends ko sa school ang nag add na rin sa akin.
Pagdating ng May, nagenroll na si daddy sa school. Hindi na ako sumama kasi inaantok pa ako. Paguwi ni daddy, sinabi niya na nasa "Star Section" parin ako sa both English and Chinese. Gumawa ng group acount ang mga friends ko at doon na rin kami naguusap. Noong time na yun, alam na nila na may gusto ako kay Jallen. Tinanong nila kung ano section niya. At last, may nagsabi na sa kanila na same section kami sa Chinese. Tuwang tuwa ako noon. Kahit na hindi kami magkaklase sa English, ok lang saakin basta't magkasama kami sa Chinese class. At last, prayer answered!
Pasukan na!!! Excited na akong makita yung mga friends ko. At syempre excited na rin ako makita si Jallen. Noong gabi, hindi ako makatulog sa kaiisip sa kanya. Nagtataka nga si daddy kung bakit hindi ako mapakali at ng lalim daw ng iniisip ko. Nagising ako ng maaga at naligo agad. Minadali ko pa nga si daddy kasi sobrang excited ako eh.
Pagdating ko ng school, hindi ko mapigilang hanapin si Jallen. Nagusap lang kami ng bestfriend ko buong araw. Umuwi ako noong lunch. And syempre nagpaganda ako sa bahay kasi magkaklase kami ni Jallen sa Chinese class. Nagkita kita kaming magbabarkada sa lobby at sabay na kaming umakyat. Pag dating namin ng classroom, pinasabi ko sa bestfriend ni Jallen na umupo malapit saakin. Pagdating ni Jallen sa classroom, may naramdaman akong excitement sa aking puso. Parang mas lumalim yung nararamdaman ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Crush Manhid Ka!
RomansCrush bakit parang baliwala lang sayo ang mga ginagawa kong kabutihan? May butas ba ang puso mo at dahil doon hindi mo ako napapansin? O dahil MANHID KA LANG?