Devil # 28

3.3K 91 22
                                    

Chapter 28

Kinakabahan padin ako. Bakit ba kasi sa tabi ko pa siya umupo. Nakakainis naman kasi eh. Galit ako sa kaniya. Kaya hindi dapat tumitibok ng ganitong kabilis tong puso ko. Ugh!

" Eunice. " mahinang bulong niya. Nagtaasan tuloy lahat ng balahibo ko. Sinabi niya yung pangalan ko.

Di ko siya nililingon. Nakatingin lang ako ng diretso sa harapan ko. Ayoko talaga siya pansinin at kausapin. Ayoko. As in ayoko talaga. Naiinis nga kasi talaga ako sa kaniya.

" Eunice naman oh. " bulong niya pa. Pero hindi ko padin siya pinapansin.

Ano nga ba ang dapat kong gawin? Hay. Ang gulo-gulo talaga. Nakakainis tuloy. 

" Para po. " sabi ko sa driver ng jeep dahil bababa na ako.

Nangmakababa ako tumingin ako sa likod ko. There he is, staring back right at me. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. 

Hanggang makaating ako sa bahay, sinundan niya ako. Ano bang gusto niyang palabasin? Gusto ko naman siyang patawarin eh, kaso nga lang gusto ko magbago na siya. Ayoko ng palaaway siya, kahit ba sabihin nating nakasanayan niya na yun. 

" Eunice. " tawag niya sakin kaya naman nilingon ko siya. Baka kasi sabihin niya, snob ako kahit hindi naman.

" Mag-usap naman tayo. Yung matinong usapan. " sabi pa niya.

" Sino bang hindi matinong kausap? Diba ikaw. " masungit kong sabi sa kaniya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. " Oo na, alam kong hindi ako matinong lalaki pero please mag-usap muna tayo. " sabay hawak niya sa braso ko.

Napatigil kami sa pag-uusap ng may dumating na trycicle. Agad bumaba ang sakay nito at si Joshua pala yun. Sabay abot din niya ng bayad. 

" Anong ginagawa niyo? " tanong niya sa amin.

Hindi ako nagsasalita. Alam kong pwede na naman silang mag-away dahil sakin. Sabi nila, dream come tue daw ang pag-agawan ng dalawang lalake pero yung totoo, hindi masarap sa pakiramdam. Masakit makita na nag-aaway sila dahil sakin.

" Joshua. Wag ka na makielam. " mahinahon na sabi ni Adrian.

Tumingin naman sa akin si Joshua. Alam kong sa mga mata ko siya nakatingin. After nun, pumasok na siya sa loob ng bahay nila habang naiwan padin kami dito ni Adrian. Nakahawak padin siya sa braso ko kaya hinatak ko ito palayo.

" Please. Mag-usap tayo. " ulit na naman ni Adrian.

" Oo na nga. " yan na lang ang nasabi ko para matapos na 'to.

Pumunta kami sa may park para dun mag-usap. Sa ilalim kami ng puno pumwesto at umupo. Sobrang tahimik ng paligid at wala ni-isang tao. Siguro dahil maggagabi na din kaya ganito.

" Ano ba yung kailangan nating pag-usapan? " tanong ko habang nakatingin sa langit. Hindi talaga ako mapakali dahil andyan si Adrian sa tabi ko.

" Sorry Eunice. Sorry sa lahat. Patawarin mo na ako. " sabay parang nakuryente ang katawan ko dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Agad ko naman tuloy itong inilayo sa kaniya.

" Change Adrian. Yan ang kailangan mo. " sabi ko sa kaniya.

" Sabihin mo sakin kung anong kailangan kong baguhin Eunice. Para sayo gagawin ko lahat. " sabay umusog siya papalapit sakin.

Tumingin ako sa mga mata niya. " Alamin mo. " 

" Edi bati na tayo? " tanong niya sa akin.

" Hindi pa. Tsaka na lang kapag nakitang kong nagbabago ka na talaga. " tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

" Dito ka muna sa tabi ko. Susulitin ko na 'tong araw na kasama kita. " sabi niya sakin. Tumingin agad ako sa ibang direlsykon dahil bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat salitang binibitawan niya. 

Oo, sulitin na natin tong pagkakataon na 'to. Dahil kahit ako, inaamin ko na mamimiss ko talaga siya. 

**

Sumunod na araw, sa eskwelahan.

" Bhes! " sigaw ni Leslie papasok ng room namin.

" Bakit? " nagtataka kong tanong sa kaniya. Umagang umaga, sigaw ng sigaw tong bestfriend ko. Di na nahiya sa iba naming classmates.

" Si ano.. Si.. Si A-adrian! " halata sa mukha niya yung excitement. Ano na naman bang meron?

" Oh anong meron kay Adrian? " sabi ko.

" Basta tara na. " sabay hablot niya sa braso ko at hinila ako papalabas ng classroom namin. Napatakbo na din ako dahil sa paghatak niya. 

Nakarating kami sa gym. Madaming tao at maingay. Hila-hil.a padin ako ni Leslie habang nakikipagsisikan para makapunta sa harapan.

" Excuse po... Sorry po. " yan na lang ang nasasabi ko sa mga taong nakakabangga ko. Si Leslie kasi eh. Sobrang bilis sa pagkilos. Hindi ko na nga alam kung saan na kami papunta eh.

Noong makarating na kami sa harapan. Tumingin sa akin si Leslie at ngumiti ng nakakaloko. Ano ba kasing meron?

" Wag ka nga ngumiti ng ganyan. Tsaka asan na ba si Adrian? " naiinis kong tanong. Eh wala naman dito si Adrian.

" Basta. "

Magsasalita sana ako kaso hindi na natuloy dahil isa-isang lumabas ang mga varsity players ng basketball. Dahil nga basketball team 'to. Pati si Joshua at Adrian kasama dun.

" Andito sa harapan niyo ang Basketball team natin at lalaban sila today para sa regionals! " masayang sigaw ng school president namin. Agad din namang nagpalakpakan ang mga tao.

Ibinigay ng school president namin ang mic sa team captain na walang iba kundi si Joshua. " Dahil sa ngayong araw ang laban namin, magsasama kami ng dalawang estudyante para makapanuod ng aming laban. "

Dahil sa sinabi ni Joshua, nagsigawan na naman ang lahat dahil siguro gusto nilang mapanuod lumaban ang varsity.

" Nandito sa box na ito ang bawat pangalan ng lahat ng estudyante dito sa school. So, game na ba kayo?! " sigaw ni Joshua.

" Game na kame! "

" Woooooohh! " sigaw ng mga estudyante.

" Leslie! Oh anong meron kay Adrian? " tanong ko.

" Wala, para makita mo lang. " sagot naman niya.

Ganon? Yun lang? Kaya niya ako sinama dito kasi akala niya gusto ko makita si Adrian? Well, oo tama siya. Gusto ko makita si Adrian pero wala naman akong pakielam diyan sa raffle na yan no.

" Eunice Bianca Adams. "

Wait? Bakit narinig ko yung pangalan ko?

" Please come forward. " sabi ng student president.

" Go bhes! " pag-cheer ni Leslie sakin.

" Ako? " nagtataka kong tanong. Ayaw pa kasi talaga mag-sink in sakin noong mga sinasabi nila e.

" Oo ikaw! Ikaw ang napili! Punta na dun bhes! " sabay tulak sakin ni Leslie kaya no choice ako kundi pumunta sa harapan ng madaming tao.

Habang naglalakad ako tumingin ako kay Adrian. Ngumiti si Adrian. Ayan na naman ang puso ko. Tumitibok na naman ng mabilis dahil sa kaniya.

--

sorry kung medyo si maganda. vote and comment po :D

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon