Hanggang Kailan

125 32 34
                                    

Hanggang kailan? Dalawang salitang matagal ng naglalaro sa aking isipan.

Hanggang kailan? Mga salitang tila ayaw kumawala sa aking katauhan.

Hanggang kailan nga ba? Maririnig ang mga pangako mong tila kinalimutan na?

Hanggang kailan nga ba? Aasa sa pag-ibig mong tila hindi na mararamdaman pa?

Hanggang kailan nga ba? Maghihintay sa pagbabalik na sinasabi mo aking sinta?

Hanggang kailan nga ba? Isisigaw ng puso ko ang mga salitang mahal pa din kita?

Hanggang kailan? Hanggang kailan magdudusa?

Hanggang kailan? Hanggang kailan ako luluha?

Hanggang kailan babalik ang mga alaala na siyang nagiging dahilan para patuloy na magdusa?

Hanggang kailan at gaano katagal ako aasa sa pag-ibig na wala ng katiyakan kung mayroon pa bang talaga?

Hanggang kailan. Hanggang kailan. Hanggang kailan.

Hanggang kailan ko nga ba ito mararamdaman?

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon