Destiny?
Jeon Jungkook
"Oppa, Kuha mo ng chucky si Irene" sinunod nito ang utos ni Jieun at tinungo ang beverage area, hindi pa siya nakakalapit ay may nadatnan siyang batang lalaki na pilit na inaabot ang chucky sa gitnang bahagi ng ref.
"Hello, anong pangalan mo?" tanong niya sa bata, hindi pamilyar sa kanya ang nararamdaman, nung nilingon siya ng bata saka lang niya naramdaman na para bang gumaan lahat ng pabigat na nasa braso niya.
"Sean po" sabi ng bata at pinantayan niya ito ng tangkad at hinawakan ang magkabilang braso
"Ang cute naman, ano bang inaabot mo?" tanong nito at agad namang tinuro ng bata ang chucky na nasa gitnang parte ng ref. Inabot niya ito saka ibinigay sa bata "Nasaan ang ma-"
"Sean" natigilan siya ng marinig ang boses na gustong-gusto niyang marinig pagka-lipas ng limang taong pangungulila niya dito. "Mama look Kuya helped me" naramdaman naman niya na tinignan siya ni Jesse peri hindi pa rin ito makagalaw
"I know I saw everything Thank you for helping my son, I was tryi-" hinarap niya si Jesse kaya natigil ito sa pagsasalita. Nakita niyang naginginig at namumutla na si Jesse.
"Jesse..." sinubukan niyang hawakan ng kamay ni Jesse ngunit umiwas ito sa kanya.
Parang sinaksak ang puso niya sa inasta ni Jesse "J-jungkook l-long time no see" nauutal na sabi sa kanya ni Jesse at nginitian siya ng pilit, magsasalita na sa siya ng biglang kausapin nito ang bata "Sean let's go?" nagmamadaling tanong nito sa anak.
"Yes po, b'bye po" kumaway sa kanya ang bata at binigyan niya ito ng ngiti. dali-daling umalis ang mag-ina sa harap niya na hindi man lang siya tinapunan ang tingin. Pinagmasdan niya ang likuran ng dalawa hanggang sa mawala na sila sa kanyang paningin.
"Kuya ang tagal ah" Rinig naman niyang agsalita si Jieun sa likod "Dada, I want to go to McDo" binigyan niya ng ngiti si Irene at ginulo ang buhok nito
"As you wish my princess" the kid giggled unaware of the look Jieun gave him.
-
"Tsk." napapitik ito ng dila habang nakatingin sa relo. "Ang tagal naman nila" bulong nito sa sarili, naiwan ito sa kotse dahil, maraming makakakilala sa kanya kapag lumabas pa siya.
Kaya hinayaan nilang ang pamangkin at Kapatid na pumasok sa loob, hindi na rin sila ng drive thru dahil gusto din mag laro ni Irene sa maliit na playground sa loob ng McDo
Hindi niya na natiis kaya agad niyang sinuot ang sumbrero na itim at tinahak ang McDo "What took you so long?" naiiritang sabi nito ng makita ang kapatid at pamangkin, agad namang nagliwanag ang itsura ito ng makita ang pamangkin "There you are" masayang niyakap niya ang pamangkin, hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang kasama nito
"Thank you for accompanying my-" Natigil ito ng makita ang kasama ng mga bata
"Kuya Pogi kayo ulit!" Bulyaw ng bata pero nakatitig na rin ito kay Jesse
"Dada Jungkook they gave me some oh look" masayang sabi ni Irene sakanya habang hawak hawak ang fries at kutsara ng sundae, nakita naman nito ang pagkagulat sa narinig at parang sinaksak ang puso niya ng makitang nagbago ang ekpresyon nito. "They're very kind momm" sabi naman nito sa Ina na pabalik-balik ang tingin sa kanya at kay Jesse.
"Jesse..."
"Jungkook"
-
"How you've been?" Tanong niya pilit na pinapagaan ang tension sa paligid nila
"Great" matipid na sagot nito at halatang iniiwasan ang tingin niya.
"Mama kelan ang uwi ni Papa?" nanlaki naman ang mata niya sa tanong ng bata 'Papa? masyado na bang huli ang lahat?' sa isip-isip niya, natauhan naman ito ng magsalita si Jesse.
"Mamayang gabi pa anak" nakangiting sabi nito at pinunansan ang gilid ng labi ng anak, lumipas ang mga minuto at nanaili silang ahimik pwera sa dalawang bata na busy na nagkekwentuhan. Nabasag naman ang katahimikan nila ng maghikab ng malakas si Irene.
"Dada let's go home na I'm sleepy" inaantok na sabi ng bata kaya napangiti siya sa ka-cute-an nito.
"Okay, baby say goodbye to Kuya Sean na" sabi ni Jieun saka tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ni Jesse, hindi pa rin niya maialis ang tingin kay Jesse na nakangiti sa dalawa. pasimple siyang kinalabit ni Jieun at natauhan naman siya. Tumayo na ito saka binuhat si Irene.
"B'ye Irene B'bye kuya pogi B'bye ate ganda" kumaway ang dalawang bata sa isa't-isa. Tinignan niya si Jesse sa gilid ang mga mata niya, na hindi man lang nakatingin sa kanya.
-
"This is Destiny kuya" masayang sabi ni Jieun pagkalabas ng kwarto ng natutulog na Irene "Akalain mo yun, after 5 years magkikita pa kayo"
"Jieun..."
"Alam ko kuya pero hindi pa naman huli ang lahat eh, wala pang singsing ang kaliwang kamay niya" masayang sabi ni Jieun at tumalon sa sofa saka nahiga "Plus, may nakita ako sa bata-"
"Jieun, married or not whomever he is, It's too late, they already have Sean" malungkot na sabi nito sa kapatid na ngayon ay naka indian sit na sa sofa.
"Trust me kuya, may kung ano sa bata na nagpagaan sa loob shems, hindi ko naman siya kilala pero base sa mga nababasa ko pagmagaan ang pakiramdam mo sa isang bata may koneksyon daw kayo? hindi mo ba naramdaman yun ng una mong makita ang bata?" mahabang linya ni Jieun sa kanya
"Jieun, wala tayo sa loob ng libro. Nasa reality tayo"
"Kahit na ba" sabi nito saka nag-cross arm "Oo nga pala, Kuya pwedeng pakihatid si Irene sa school nila? mag-mimeet up kasi kami ng pamilya ni Vernon eh"
"The Hansol Royal family?" gulat na tanong ni Jungkook
"Yeah actually gusto nilang makita si Irene pero ang sabi ko first day niya bukas kaya ayun pumayag din sila" tumango-tango lang si Jungkook "So?"
"so, what?"
"Ihahatid mo si Irene oh hindi?"
"Oo na anong oras?" pagsasang-ayon nito, napahiyaw naman ng 'yes' ang kapatid saka niyakap ang Kuya
"12:30 dapat nandoon na siya maaga ang alis namin ni Vernon kaya iiwan ko na lang sayo ang gate pass niyo ah bukas naandoon na rin ang section at pangalan ng teacher na ha?" Thank you" masayang sabi ni Jieun saka pumunta ng kusina
Naiwan siya sa salas, at napangiti sa sarili ng maalala ang mag-ina "I missed you" bulong niya sa sarili.

BINABASA MO ANG
The Forbidden LOVE || Discontinued
FanfictionIt's forbidden... Their love is forbidden. But nothing can stop a two person for the love they feel even if it's forbidden... Especially if that love became fruitful