Youtube..

329 5 0
                                    

CHAPTER 14

Roselle’s POV

 

KINABUKASAN, pagkagaling sa school, dumiretso kami sa condo nila Xander. Biglang nagkayayaan magmovie marathon. Maaga kasi natapos yung mga klase namin.

Wala si ate Rm at Virg. Kaya tinawagan ni Rona si ate Rm pagdating namin dun.

Nakaupo kaming lahat sa sofa.

Si Rona at Xander magkatabi. Kanina pang tong dalawa na to. Parang may “LQ” ata. Hindi nagpapansinan eh.

Umupo ako sa tabi ni Rona. Biglang umupo si Kavs sa tabi ko. Tumalikod ako sa kanya. Natataranta na naman kasi yung puso ko eh.

“Ganda. Umiiwas ka na naman.”

Nilingon ko sya at masamang tinignan. “Wag ka ngang maingay. Nakita mo ng nanonood ng movie diba?”

“Ayoko panuodin yan. Ikaw lang gusto kong tignan. Wag ka ng tumalikod please?”

Umugong yung hiyawan sa sala. Namula bigla yung mukha ko. Pesteng lalaki to! Kung ano anong binabanat!

Napatingin ako kay Luigi. Malungkot na nakatingin sya kay Rona.

Matagal ko ng napapansin yung kakaibang tingin ni Luigi kay Rona. Pero binabalewala ko na lang. Ngayon confirmed na. Luigi likes her.

Love triangle na to.

“Yow!” napalingon kami sa pinto dumating na sila ate Rm. 

“Yow din! Ano yang nasa mukha mo? Bago mong pauso?” Pang aasar Rona kay Virg.

“Oo. Gusto mo din?” sagot naman ng isa.

“Nako, di ko bagay yan. Si Xander na lang.” bumaling si Rona kay Xander. “Gusto mo ba?”

Tinitigan lang sya ng masama ni Xander.

So galit nga si Xander kay Rona? Bago to ah!

“Xander, nasan yung medicine kit mo?” biglang sabi ni ate Rm.

“Ah, wait. Kukunin ko.”

Tumayo si Xander at kinuha yung medicine kit. Kami naman tinutok yung mata sa TV. Pero parang lahat naman kami eh wala yung atensyon sa TV.

Pagkaabot ni Xander ng medicine kit, naupo na sya ulit. Sila Virg naman ay nagpunta sa kusina.

Napansin ko na may hawak ng video cam si Xander.

“Pre, anong pauso yan?” tanong ni Kavs kay Xander. “Pinapanuod na nga natin yung movie ipapirate mo pa?”

“Ugok. Mas may silbi pa to sayo no.” tumayo si Xander. Tinawag nya kaming lahat.

Pumunta kami sa kusina. Inabot ni Xander kay Kavs yung Video cam. “Kuhanan mo pre. Dali!” pabulong na utos ni Xander kay Kavs.

Nakakaloko ang ngiting kinuha naman ni Kavs yung cam at sinimulan ng kuhanan ng video sila Virg at Rm.

“Just let me stay beside you. Para masaya tayong pareho. Di ka na lugi dun ha. Masaya ka na, napasaya mo pa ko.” Narinig naming sabi ni Virg kay ate Rm

“Ayieeeeeeeeeee!!!” sabay sabay naming sigaw. Lumingon samin si Ate Rm at Virg.

Kumunot yung noo nilang dalawa.

“Kanina pa kayo dyan?” tanong ni Virg.

Hindi namin sya pinansin. Mas sumimangot sya.

“Pre, upload mo sa youtube yan ha.” Sabi ni  Xander kay Kavs na may hawak ng video cam.

“Sure!” nakakalokong sabi ni Kavs.

“Kapag naka 100,000 views yan sa youtube, papayag na ko makipagdate sayo.” Biglang sabi ko.

Huli na para marealize ko yung sinabi ko? Hala! Ano bang problema ko? Bakit ko yun sinabi?

“Talaga? Madali lang yan! Sabi mo yan ha?” parang nanalo sa lotong sabi ni Kavs.

“Oo. Pero dapat within 1 week.” sabi ko. Baka sakaling magbackout sya. Anong kagagahan ba naisip ko?

“What? 1 week? Di yun kaya! Make it 50,000 for 1 week.” tawad nya.

“Ayaw mo ata eh. Okay lang.” kamapanteng sagot ko. Yes! Ligtas. Hindi nya gagawin.

“Please?” parang maiiyak na sya sa frustration.

Ampupu. Nagpacute na naman ang mokong.

 

“75,000. Take it or leave it.” Biglang sabi ko. Funyets. Nawawalan na ng preno yung bibig ko ha! Tinraydor na ako ng dila ko.

“Sige!” pagpayag nya.

Nauna na akong naglakad papunta sa kusina. As if makarami sya ng views.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon