Kabanta 2

4 1 0
                                    

Kabanata 2

Nakadapa ako sa aking higaan habang nagbabasa ng update ng inaabangan kong story ng isang sikat na Author sa wattpad. Napatili ako ng walang tunog at nagpapadyak, dahil nakakakilig iyong simpleng gestures ni Radleigh Riego. Oh my goshness! I need to breathe.

Maganang magana akong tumayo sa aking higaan para maligo at makapag ayos na dahil magsisimba kami ngayon kasama si Lola Rebecca.

Pagkatapos maligo ay nagsuot lang ako ng isang simpleng off shoulder na kulay puti na dress at flats. Hinalf braid ko din iyong mahaba at kulay abo kong buhok.

Every Sunday ay sama sama kaming nagsisimba nila Lola kasama ang tatlo kong pinsan. Ito lang kasi iyong family day namin at kahit noong buhay pa iyong mga magulang ni Arcadia at Kuya Arch. Nakakalungkot lang isipin dahil maaga silang naulila. Sampong taong gulang si Kuya Arch noong pumanaw ng sabay ang mga magulang nila, samantalang pitong taong gulang naman kami noon ni Arcadia.

Ayos na ayos rin ang mga porma ng dalawa kong pinsan na lalaki. Naka white long sleeves si Kuya Arch na tinupi hanggang siko at ganoon din si River. Kumikinang pa ang silver na relos ng mga ito. Si Arcadia naman ay naka off shoulder dress din na gaya saakin, ngunit kulay bordeaux iyon at naka high heels siya ng 3 inches ang taas. Si Lola Rebecca naman ay naka black collarless long sleeve loose cotton shirt at puting slacks na pinaresan ng itim na 2 inches heels. Bongga no?

Habang nasa biyahe kami papunta sa simbahan ay ang dami ng gustong gawin ni River. Nagrequest pa siya kay Lola na pagkatapos naming kumain ay pwede ba daw na magpunta sa Dela Marcel Resorts, para daw mag swimming.

Tumango lang ng tumango sa mga requests ni River. Well, kahit kailan pa naman ay hindi pa niya naranasan na matanggihan, lalo na kay Lola. Spoiled na spoiled siya nito. Nagiisang anak lang si River ng tito namin, si Tito Rondel. Nag iisang anak na lalaki ni Lola. Ang panganay naman nila ay ang mama ni Arcadia at kuya Arch, bunso naman iyong mama ko.

Dela Marcel ang ginagamit kong surname na iyon naman talaga dapat, dahil hindi kasal si Mama kay Tatay. Nabuo lang ako dahil sa isang kasalanan na gabi. Ang kwento sa akin ni Lola ay trabahador raw iyong Tatay ko sa kompanya ng Lolo noon. May isang anak na si Tatay noon at iyon si Ate... hindi ko kilala. Kwento pa sa akin ni Lola ay problemado daw ang itay noong mga panahong iyon dahil nakikipag hiwalay raw noon iyong asawa niya. Samantalang si Mama naman ay kapapakasal palang roon sa asawa niya ngayon, si Tito Franco. May mga kapatid rin ako pero hindi ko sila kilala. Nanay ko nga hindi ko masyadong kilala.

Ang sabi ni Lola ay hindi na siya nagpakita pa si Mama simula noong ipinanganak ako. Si Lola na mismo ang nagpalaki sa akin, Saamin. Iyong tatay ni River ay kasalukuyang nasa Europa para patakbuhin iyong negosyo na iniwan ng lolo noon.

Hindi ko alam pero sobrang gulo ng family tree namin. Tss. At mas lalo naman ako. Hindi ko nga alam kong may matatawag ba akong pamilya, maliban kay Lola at sa mga pinsan ko. Hindi ko man masabi na minsan ay naiinggit rin ako sa mga taong nakikita ko na may buong pamilya. Pero kahit na ganoon ay hindi kailanman pinaramdam sa akin ni Lola na nag iisa ako at iniwan na ng mga magulang para sa sarili nilang pamilya.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng body guard. Bago kami pumasok sa simbahan ay bumabati muna si Lola sa kaniyang mga kakilala.

Ako naman ay nagpa alam na sakanila para pumunta sa mga kasamahan kong kumakanta at tumutogtog sa simbahan sa tuwing may okasyon at simba.

In the Music ministry, I'm the Main Vocalist , lead guitarist and sometimes a drummer. I can feel the happiness I'm finding, whenever I sing and play those instruments. Mula bata pa ako ay nagsimula na akong humilig sa musika. At the age of 7 ay nag aaral na akong mag gitara at mag drums. Pinaaral din ako ni Lola sa isang exclusive school ng voice and music.

Undiscovered FeelingsWhere stories live. Discover now