Short Story

6 0 0
                                    


Araw ng Lunes,lagi akong nasama sa nanay ko papuntang Bacolod. Isang ordinaryong araw lang para sa akin,pero noong nakasakay na kami ng nanay ko sa jeep rotang Northbound Terminal patungo sa pupuntahan namin,may estudyanting sumakay ng jeep. Saktong magkaharap kami ng upuan,pataas yong tingin ko sa kanya,mula sa paa sunod sa selpong hawak nya habang nagtitxt,sabi ko "Wow,iPhone 6s sosyal. Anak mayaman" pero nong madako na yong mga tingin ko sa mukha nya di ko maiwasang di maalis ang tingin sa kanya. At habang nakatitig ako sa kanya sabay naman yong pagtugtog ng kantang "Beautiful in my Eyes" ni Jerico Rosales.

Akalain mo nga naman ang galing ng timing ng kanta hahaha. Feel na feel ko yong kanta habang tinititigan sya. Ang ganda nya,yong mga mata,pilik mata,ilong na sakto lang ang tangos pero bagay sa kanya,kutis na morena,mga labing sakto lang din di masyadong makapal di rin masyadong manipis at nong ngumiti. Boom!! Nasilaw ako,pantay-pantay na ngipin at ang puputi. Lalo syang gumanda nong nakangiti na.

Ang ganda talaga ng mga ngipin nya.Alam kong minsan lang ako nagkaka-crush sa kapwa ko babae pero iba yong ganda nya,yong feeling na di mo maalis yong tingin mo sa kanya. Gusto ko syang kunan ng picture para atleast remembrance kaso nakatingin yong babaeng katabi ko,kainis.. 😥

May test or exam siguro sila kasi nag-aaral sya habang naandar yong jeep,karamihan siguro sa mga estudyante na nag-aaral habang nasa jeep,yong mga last minute na pagmi-memorize para atleast may maisagot sa tanong ng tetser nila hahaha.. Habang nakatingin lang ako sa kanya kung pano sya mag-aral ang cute nya,may papikit-pikit at bilang pang nalalaman hahaha. Ganon lang ako buong byahe,nakatingin lang sa kanya pero pagminsang mapapatingin sya sa akin sabay din ang iwas ko baka kasi isipin nyang crush ko sya,pero crush ko nga sya hehe..

At nong alam kong malapit na syang bumaba,alam ko ring yon na ang una't huling makikita ko sya. Ang lungkot diba!?parang tulad lang din sa mga tragic stories yong story ko ngayon. Hindi nalalayo. Pero sabi ko nalang sa sarili ko "Sa minutong nakasabay ko sya sa jeep,masaya pero hindi masakit yong pagkakahiwalay namin haha"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Crush Ko Sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon