Noong panahong nawala ang lahat
biglang nagdilim ang mga nasa paligid natin
damdamin ko'y nakapabigat
iniisip na,"Maibabalik pa kaya ang lahat sa atin?"
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa
Agos ng luha ko'y kailan huhupaMga ala-alang dinala na ng hangin
at alam kong hindi na babalik sakin
parang winawarak ang puso kong durog
inaalala na basura lang pala ako na andaling itapon sa ilog
Ganito nalang ba matatapos ang lahat?
ito na nga ba ang aking buhay,
mawawalan na nga ba ito ng saysay
O lahat nalang ay sa sarili ko isususumbat?Napasakit isipin na sa buhay mo,laruan lang ako
ang bilis mo namang magsawa at maghanap ng iba
dating masayang ikaw at ako
ngayon ako pala ang naloko
ikaw ang nangiwan habang ako ay nasasaktan sa iyong paglisan
ang saya diba?
Sa isang iglap ako'y bigla mong pinalitan at tinakbuhan ng mabilisanAng hirap isipin
bakit ganito ang nangyari satin?
kasalanan ko ba ang mahalin ka?
sa di malaman na dahilan kung bakit ikaw pa?
Huling tanong,
Hanggang kailan ako magiging ganito?
hanggang dito na nga lang ba hahantong?
maghihintay pa ba o hanggang dito nalang ang pagibig na ito?hindi ko alam kung magmmove on ba ko sayo hanggang sa lumipas ang mga panahon
naging saksi ang mga buwan at tala sa di inaasahan nating pagkikita
pag-asa ko'y biglang umahon
Biglang nag-iba ang aking nararamdaman at nakikita
Bakit hindi ko magawang magalit sayo?
Bakit hindi ko magawang isumbat ang lahat sayo?
unti unting pumapatak ang luha na nanggagaling sa aking mga mata
sa mga sinabi mong di ko makakalimutan
parang malulunod uli ako sa dagat at muling aasa sa simula ng ating pagmamahalanAasa pa ba ako?
aasa pa ba ang puso ko na minsan mo nang niloko?
aasa pa ba sa mga panibago mong pangako?
ano nga ba ang gagawin ko?
Magpapakatanga na naman ba sayo?
o ito na ba ang simula ng pagbuo ng dating tayo.Hope you like it guys :) vote if you guys like it and comment down if you want for more :) enjoy!
~cold
BINABASA MO ANG
Word Poetry:TagalogxEnglish
PoetryNaranasan mo na bang mainlove?yung tipong hindi mo akalain na ikaw na lang pala ang magisang lumalaban para sainyo?..naranasan mo na bang maghintay sa taong imposible ka namang mahalin dahil sa ang mahal niya ay iba?naranasan mo na bang umasa sa tao...