*continuation*
"Bro bro!!!! Pinansin na ako ni Crush! Hindi na nya ako iniisnob" tuwang tuwang sabi ni Jeron.
Pinilit kong ngumiti.
Pinilit kong ipakitang natutuwa ako para sa kanya.
"Oh talaga? Edi ayos yan, pwede mo na syang ligawan" ngumiti ako at pinagpatuloy ang ginagawa kong assignment.
"Tama! Liligawan na natin sya!"
Napatingin ako sa kanya sa sinabi nya.
"Natin?"
"Oo" tumingin sya sa akin at itinigil ang pagddribble ng bola. "Tutulungan mo ko diba?" Nagtaas baba sya ng kilay.
Sobra naman na yata.
"Teka wala naman sa usapan yan ah?" Sabi ko.
"Oo nga, wala naman tayong naging usapan noon, so pag-uusapan natin ngayon" ngumiti sya.
Tinigil ko ang sinusulat ko.
Kinausap ko na si Denden para pumayag, halos di na nga kami nagpapansinan nung tao dahil sa ginawa ko tapos gusto nya tulungan ko pa sya? No way.
"Hindi na kami nag-uusap ni Denden ok?" Sabi ko at iniligpit na ang ginagawa ko. Nawala na ako sa mood.
"Ay? Sayang naman!" Sabi nito. "Pero ok lang yun. Di mo naman sya kelangan kausapin eh" ngumiti sya at tinapik ang braso ko. "Sasabihin mo lang saken yung mga gusto nya, tutulungan mo lang akong gumawa ng mga bagay na magpapasaya sa kanya. Ok na yun"
Napatignin ako ng kunot noo sa kanya.
"Hindi pwede" nabigla kong sabi. "I mean Jeron di ako magaling sa ganyan" umiling ako.
"Hindi ka nga magaling sa ganun, pero I know for sure magaling ka pagdating kay Denden, alam mo lahat tungkol sa kanya diba? Yun ang kelangan ko"
Aish!
Nag-ayos na ako at tumayo. Aalis na sana ako ng magsalita si Jeron.
"Sige na cous please? Ngayon lang naman ako hihingi ng tulong sayo eh"
Wow. Tss.
"Sige" yun na lang ang nasabi ko. Uto uto na nga yata ako. Aish!
Lumipas ang mga araw na ako ang gumagawa ng lahat para sa panliligaw ni Jeron kay Denden.
Ultimo maliit na greeting card ako ang nagsusulat para sa kanya.
Gumawa ng tula. Gumawa ng kanta. Gumawa ng love letters? Ginawa ko yun dahil yun ang gusto ni Denden.
Sa tuwing ginagaw ako lahat ng yun, hindi ko nararamdaman na nahihirapan ako. Hindi ko naffeel na napipilitan lang ako. Ginagawa ko yun dahil gusto ko. Ginagawa mo yn kasi parang ako na mismo ang nanliligaw kay Denden. Parang ako mismo yung nag-aabot ng lahat ng yun kay Denden.
Lahat ng idea para date nila? Ako ang nag-iisip. Hindi ako nabibigatan kasi alam kong sumasaya si Denden.
Hindi man sa piling ko, pero masaya akong nakikitang nakangiti sya. Masaya.
Hindi kami nagpapansinan, kapag nagkikita kami halos parang wala kaming nakikita. Daig pa namen ang magkaaway kung magsnoban.
God knows kung ilang beses kong tinangkang lumapit sa kanya, pero sa tuwing gagawin ko yun natatakot akong bumalik lahat ng sakit na naparamdam ko kay Denden. Hindi ko na kayang makita pa ulit na masaktan ng ganun si Denden.