by gustokongpopcorn
Copyright © 2012 All rights reserved. This material may not be duplicated for any profit-driven enterprise. charing!HAHAHA. Wag niyo na lang ipagkalat to, atin atin lang.joke.nangyari to in real life.
dedicated sa mga: INLOVE, HINDI INLOVE, KUNWARI INLOVE
pati rin kay ate alyloony,kasi nakakakilig lahat ng gawa niya, kahit may class kami eh nagbabasa ako sa phone.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Wala nanaman si Ma'am ano bang pwedeng gawin?
*lightbulb*
Magdo-drawing na lang ako sa kamay ko, pero ano naman yung ido-drawing ko? si Naruto? si Chowder? si charmander? mukha ko? mukha niya ♥? ayiee...malandi.
Hanep sa choices noh?Akala naman eh magaling na artist...
haay...what to draw? what to draw?
Ah yung madali na lang, at common na idino-drawing ng mga taong inlove at mga kunwari inlove. Ano yung ido-draw ko? Malamang puso ♥.
Nagdrawing na ako, maliit lang naman siya, ang cute cute lang nung heart parang ako,dejoke lamang. Ngiting-ngiti ako habang tinitingnan ko yung heart, at dahil proud ako sa puso ko eh ipinakita ko sa kanya...
"Sep sephy!!! Tingnan mo oh!" sabay pakita ko dun sa hand drawn heart na nasa kamay ko. Ah si Joseph pala, seatmate slash crush ko ♥ papable kasi eh.
"Puso ko ba yan?" OO! hindi joke lang ulit, di ko kayang sabihin di naman niya alam na may gusto ako sa kanya eh.
"Ah, eh, Hindi no!" Syempre I have to act cool baka mamaya mahalata niyang crush na crush ko siya. "Di ba na kay Alice na yung puso mo?"
Si Alice, alam ko crush niya yun eh ang ganda ganda naman kasi niya at ako, shet parang pwet lang ata nun yung mukha ko eh. Well, hindi naman. Maganda naman daw ako sabi ng nanay at tatay ko sabi rin ng mga kaibigan ko, pero di ako sure kung totoo ba yun or talagang gusto lang nila pagaanin ang loob ko, haha.
"Ah, oo nga..." seryoso niyang sagot, aray naman sa part ko nagtanong-tanong pa ako. =___=
"Puso ko ito, wag kang feeler jan ha." tapos tinalikuran ko na siya, sakit kasi nung sinabi niyang 'oo'.
"Ang taray mo naman Aimee." sabi niya sa akin. Nagulat ako nung bigla niyang hinila yung kamay ko na may puso habang nakapatong ito sa armchair ko.
"h-huy ano ka ba?!" inis kong tanong, pero nagulat ako nung bigla niyang kinuha sa bulsa niya yung g-tec niya tapos ngumiti siya sa akin.
"Ayusin natin tong drawing mo, mukha kasing pwet hindi mukhang puso.^______^" sabi niya. Feeling ko nakuryente yung buong katawan ko dahil bukod sa hawak hawak niya yung kamay ko eh biglang nag-flash yung pamatay niyang ngiti.
"Kainis ka, di naman mukhang pwet eh >.< , HEART YAN! HEART KO YAN!" sabi ko.
"Wag ka ngang magulo, mamaya mas lalong magmukhang pwet to." sabi niya, nag-behave na lang dun sa upuan ko at hinyaan na lang siyang ayusin yung drawing...
Medyo nakikiliti ako kasi naman pababalik-balik sa area na yun yung pen kaya medyo natatawa na ako.
"Oh bakit? may dumi ba sa mukha ko?" tanong niya.
Umiling ako, "nakikiliti kasi ako, bilisan mo magdrawing jan." sabi ko habang nagpipigil ng tawa kasi kiliting kiliti na ako dito eh. Kinagat ko na lang yung lower lip ko para makapagpigil, makapagpigil ng kilig na nararamdaman kasi hawak hawak niya yung kamay ko. ay charot :))
"Oh ayan...tapos na! hindi na mukhang pwet!" sabi niya habang ngiting ngiti dun sa kamay kong hawak hawak niya, proud na proud siya dun sa drawing niya ha :))
"Kainis to!" inis kong sabi.
"Ah Aimee, sino naman may-ari ng puso mo?" tanong niya bigla.
ang weird naman ng tanong niya, nagbilis tuloy bigla yung heartbeat ko, paano kung maging honest kaya ako at sabihing SIYA YUNG NAGMAMAY-ARI ng puso ko, kaso yung sa kanya eh hindi naman ako ang owner. :<
"Ah...eh, ang baduy naman ng tanong mo." yun na lang yung sinabi ko.
"Ang taray mo talaga, pero Aimee seryosong tanong, sino nga?" pangungulit niya.
"W-WALA!" binawi ko na yung kamay ko, baka mamaya kasing pula na pala ako ng kamatis dito dahil feeling ko kanina pa ako nagba-blush dahil sa mga ginagawa niya.
"Talaga?" nakangiting tanong niya pero di ko na pinansin mangungulit lang yan. *ngiting tagumpay*
Nagulat ako bigla nung kinuha niya yung kamay ko na pinagdrawing-an niya ng puso. Feeling ko nakuryente nanaman ako, kainis tong lalaking to, ang gwapo naman kasi eh tapos humble pa. Tiningnan ko lang siya ng may halong pagtataka, nakangiti lang siya sa akin.Mukhang aso lang, asong cute^^.
Mas ikinagulat ko yung ginawa niya, idiniin niya yung thumb niya dun sa may heart hanggang sa bumakat yung puso dun sa thumb niya at sinabing...
"Nasa akin na yung puso mo. Akin na to ha, salamat ^___________^" - [E N D] -
NOTE: Unang one shot na ginawa ko well nangyari talaga yan, medyo may revisions lang ng konti pero yung sinabi nung guy sa huli ganun talaga (medyo-medyo) pati yung drawing na puso :D
Read my other stories. "Escape with the Perfect Stranger" & "She's the Man" . :D
leave some comments, like or vote if you like :)