Chapter 2
After namin mag-iba ng way, eh diretso kami kagad dito sa bubuyog na malaki ang pwet na nagtitinda ng favorite kong s-p-a-g-h-e-t-t-i!!!
Si RD pancakes lang ang inorder. Diet daw kasi siya!
Ako? E di complete Super Value Meal, at may take out pa ko mamaya. ;)
Syempre kwentuhan lang kami, hinihintay kasi ni RD yung txt ni Angeline kung anong oras silang magkikita.
"Aiammy, tagal na nating magkaibigan di ko alam kung bakit ang takaw-takaw mo sa pasta! Kahit nga ano yata ang ihalo mo jan na sauce kakainin mo eh!" si RD habang ini-slice yung pancakes niya.
"Ahmm.. wala lang, kasi nung bata kasi ako lagi akong pinagluluto ni Mommy ng specialty niyang spag! Kaya siguro sobrang favorite ko siya!" nag-hand gesture pa ko habang yung isa kong kamay pinapaikot yung fork sa pasta ko.
"Sorry! For sure na-miss mo na naman si Tita!" RD said while looking at me straight to my eyes.
Siguro, hinihintay niyang umiyak ako, which I always did 4 years ago. My mom past away, when I was Grade 6 because of Heart Attack.
She is the best mom for me!
Although we just bond for a short period of time, I'd never feel that she was failed to loved me and my dad!
I was the only child of Mr. Arthur Zeke Mendoza and Mrs. Arlene Mendoza, that's why when she left us, it's just me and my dad faced the sadness and the reality that she was gone.
Good thing that our family had a lot of friends, at isa na nga dun yung family nila RD. Both our dads are bff din way back when they are high school.
Solo lang din kasing anak si RD, magka-edad pa kami kaya kami ang naging partners in crime nung mga bata pa kami.
"Ano ka ba RDelicious, you don't have to say sorry okay! Syaka tagal ko nang nakapag-move on,pero hindi mo maaalis sa akin na ma-miss siya. Matagal ng patay si Mom, at matagal ko na ring tanggap yun. Everything has a reasons! Syaka kung akala mo iiyak ako... hindi noh! Sabihan mo na naman akong iyakin!"
Nung mga bata kasi kami, tuwing nakikita ako ni RD na umiiyak tatabi siya sa akin para patahanin ako, pero after nun, sasabihan niya kong iyakin! Bully din yung isa na yun eh!
"Hindi kaya! Alam ko naman na hindi ka na iyakin, kasi ang laki mo na kaya,and I know that you are strong enough! Nakaya mo nga yan ng mag-isa lang together with your dad! All I want to say is that AIA, I'M ALWAYS HERE FOR YOU TO WIPE YOUR TEARS KAPAG HINDI MO NA TALAGA KAYA! Always remember that!" sabay wink sa akin.
Nung marinig ko yun, ewan bigla yata akong naging si Demi Lovato!
"I think I'll have a heart attack!" sagot ko kay RD sabay hawak ng kamay ko sa chest ko.
"Ha?" takang tanong niya.
Bigla naman akong natawa sa reaction niya.
"Hahaha... wala! Ang drama mo kasi bigla! Alam mo kapag naiiyak ako kumakain lang ako ng maraming-maraming spaghetti para maging okay lang ako! Kaya don't you worry my best friend, siguro I can let you to comfort me kapag broken hearted na 'ko!" ako naman ang nag-wink sa kanya.
Ginulo naman niya ang hair ko pagkasabi ko nun!
"Baliw ka talaga! Sige na kumain ka na dyan! Mayamaya alis na rin ako, nag-text na si Angel eh!"
"Okay! Pagkaalis mo, hanap naman ako ng boyfriend"
"Anong hahanap ng boyfriend? Oy Aia Zyln Mendoza 17 ka pa lang, mag-aral ka muna bago ka mag-bf!"
Nangaral ang walang GF!
"Wow 'Tay! Kung makapangaral ka parang di siya nag'gf ah! Oy, Renz Damian Lopez, magka-edad lang tayo, at sa ating dalawa ikaw dapat ang pangaralan kasi may syota ka na! Sumbong kita kila tita eh!"
"Baliw! Subukan mo, sabihin ko naman kay tito na naka-zero ka sa quiz mo dun sa isang subject mo! ha!"
"Hmpph! Kung makabaliw ka dyan ah! Eh di isumbong mo! The hell I care?!"
Akala naman ng RD na 'to matatakot niya ko! Hello!? Nasa Hawaii kaya ngayon sila Dad para sa isang business trip. Kasama niya yung Uncle ko.
"The hell I care ah!? Bakit ang lakas ng loob mo ah? Alam mo kasi mag-aral ka ngang mabuti, hindi yung pagdating galing school, kakain tapos matutulog! Aba, Aia malapit ng maubos yung grocery nating pang-one month!"
grrr... eh bakit sa akin naman napunta ang topic ngayon! Eh di ba kanina sa gf niya, sa bf kong di pa nag-eexist at sa failed quiz ko ang pinag-uusapan namin kanina?
"Alam mo, lumayas ka na! Pumunta ka na sa Angelina Jolie mo! shoopie! bilis! alis!"
"Wow, Aia ah, kung makapagpa-alis ka parang aso lang ah! Syaka anong Angelina Jolie? it's Angeline or Angel for short okay?!"
"Whatever!" nag-hand gesture pa ko ng letter W.
At ang panget kong kaibigan biglang humagalpak ng tawa!
Problema nito?
"Bwahahahahahahahahaha!" -RD
"Anong tinatawa mo dyan?"
"Paki-ulit nga yung ginawa mo kanina! Ahahahaha..."
"Anong ginawa?" maang kong tanong.
Sorry guys! May pagka-slow poke po kasi ako! -.-
"Ahahahaha... yung ganun oh.." nag 'W' din siya. "ahahaha..."
Pansin ko lang pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa loob!
"Whatever???" tanong ko sa kanya na naka 'W' din ang mga fingers ko.
Tapos syempre tumawa na naman siya! Hanggang sa marealize ko yung isang palabas nila Michael V. at Ogie Alcasid!
Argggg!!!...
The nerve of this guy! Earth, tell me kung pano ko 'to naging kaibigan!
"Hay naku RD lumayas ka na nga sa harapan ko!" sabi ko sa kanya habang binabato siya ng french fries.
"Uy, Aia! sayang yung pagkain!" sabi nya, habang umiiwas sa pagbato.
Pero di ako nagpatinag! Asar na 'to!
"Tama na Aia!" tumayo siya at humarap sa akin. Tinigil ko na rin yung pagbato sa kanya.
Sayang ang fries!
"Kaasar ka!" nag-cross arm pa ko sabay pout.
"Aiammy sorry na okay! Natuwa lang ako sa'yo kanina! Syaka wag ka ngang nag'pa-pout dyan! Di bagay sa'yo!" napatingin naman ako sa kanya!
"Di bagay?! Cute ko kaya!" nagpout ulit ako.
"Aia, isa!"
*Pout*
"Dalawa!"
*Pout*
*tsup!*
O_O
"Oo, cute ka! Sobrang kulit mo naman! haha" sabay gulo sa buhok ko.
Nagulat naman ako sa ginawa niya!
Like hello!? First kiss ko kaya siya sa lips!
"Sige, Aiammy mauna na ko! After mo dyan uwi ka na sa bahay!"
Wala! Sobrang natulala na ko!
-----
follow me
@msrhearadacazther
http://facebook.com/eyadzcazther
Twitter and Instagram: @msrhearada
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Genç KurguIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...