Dito?
Sa....
Lumingon ako sa paligid.
302. 303. 304. 305. 306.
Tam naman...
Dito ang 307.
Teka nga...
Chineck ko yung phone ko nung tama yung address at room number na pinuntahan ko.
Bayview International Towers Condominium..
Tower 1
Room 307.
Oh? Ito naman yun ah? Pero bakit... room ni Mika to eh.
Hindi ko alam ang gagawin ko, kakatukin ko ba? Ewan. Para akong nalilito sa mga nangyayare. May kung anong kabang dumapo sa puso ko.
Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Hahaha. Hindi kasi nakakatawa eh.
Umatras na lang kaya ako? Sabihin ko na lang kaya kay Jeron na hindi ko nakita? Aish.
Hindi maganda ang kutob ko.
Natatakot ako na kapag lumabas ang tao sa loob ng kwartong yan, si Mika ang iluwa ng pintuan. Hindi pwede yun. Not this time.
Huu! Bahala na.
Tumalikod ako at piniling umatras na lang kahit hindi ko pa nakukumpirmang si Mika nga ang recipient ng bulaklak na to.
Naglakad ako papunta sa elevator.
"Vic?"
Napapikit ako ng madinig ko ang boses na yun.
Si Mika.
Napalunok na lang ako at humarap sa kanya.
Ngumiti agad ito ... "Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nito.
Tumingin ako sa paligid, napahimas sa ulo at saka ako lumapit sa kanya.
"H-Hindi ano... wala dumaan lang" nagstutter na naman ako. Kinakabahan talaga ako.
Tumingin ito sa hawak kong bulaklak itatago ko sana ito pero nakita na nya.
"Para sakin ba yan?" Tanong nito saka nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti sya na parang kinikilig.
Magsasalita palang sana ako ng biglang ..."Uhh! Ang sweet mo talaga" saka kinuha sa akin yung bulaklak.
"Ano hindi kasi ... uhm" napakamot na lang ako sa ulo ko. Huu.
Wait. Teka. Yung bulaklak... ma-may...
Akmang babasahin na nito ang nakasulat sa greeting card ng ...
"Saglit Mika" sabi ko "May dumi ka yata sa siko mo" ngumiti ako. Shit kinakabahan ako. Nang tumingin sya sa siko nya ay madali kong kinuha yung greeting card.
"Wala naman eh" ngumiti sya. Bumalik sya ng tingin sa bulaklak at hinanap yung card?"
"H-Ha?" Pag mamaang maangan ko. "Card?" Nakatago ang dalawang kamay ko sa likod ko hawak ang greeting card na hinahanap nya.
"Yung greeting----"
"Wala namang card yan Mika" tumawa ako.
Ugh! Ang hirap naman nito. Teka. Pano ko ba... aish ano bang.... Si Mika ba talaga. Ugh! Ang hirap mag-isip! Halo halo ang mga bagay bagay sa utak ko.
"Thank you dito ah?" Sabi nito at ngumiti. Pano ko ba sasabihing hindi sa kanya yan?
Wait? Pano kung sa kanya nga?