Violet's Pov
"Violet Ramos!!!!!!! Wala ka bang balak gumising? Aba! 6:00 na naglalaway ka pa din dyan sa higaan mo. Maglalako ka pa ng isda sa palengke." Sigaw nanaman ni Nanay Marie.
"Opo ito na babangon na po ako maliligo lang po ako." Sagot ko naman kay Nanay. Kaasar tinawag nanaman ako ni Nanay sa buong pangalan ko!
"Bilis-bilisan mo kumilos mawawalan tayo ng pwesto sa palengke alam mo naman mga kasamahan natin dun mga nang-aagaw ng pwesto eh." Sabi ni Nanay.
Anyway, nakalimutan kong magpakilala haha.
Ako nga pala si Violet Ramos, 16 years old. Bata ko pa no? Panes hahahaha. Nakatira lang ako sa isang simpleng bahay kasama ang Nanay ko sabi kase nya wala na daw si Tatay iniwan kame nung 7 years old palang ako kaya ayun lumaki ako na si Nanay lang ang kasama ko. Anyway, ayoko ng maalala pang muli.
30 minutes later.
"Tara Nay alis na tayo. Kumain na po ba kayo?"
"Oo Nak kumain ka muna dyan bago tayo magtinda paniguradong gabi na tayo makakauwi." - Nanay
Maya-maya ay umalis na kame. Habang naglalakad may nakita akong matandang mukhang mayaman na naglalakad sa kalagitnaan ng kalasada.
"Nay teka lang tulungan ko lang po muna yung matanda."
Habang papunta ako sa matanda parang pamilyar sya sakin, di ko alam kung saan ko sya nakita pero pamilyar talaga sya eh.
"Lolo tulungan ko na po kayo tumawid."
"Hay salamat iha natatakot akong tumawid baka biglang may mabilis na sasakyan ang dumating eh." Lolo
"Ano nga palang pangalan mo iha?" Lolo
"Violet Ramos po. Ikaw po?"
"Tawagin mo nalang akong Lolo Santiago iha. Oh mauna na ako ah, maraming salamat sa pagtulong mo. Sana'y magkita ulit tayong muli." Lolo Santiago
Pagkatalikod ko sobrang lakas ng tibok ng puso ko nakita ko na talaga sya dati pa e sobrang pamilyar sya. Hayst bahala na baka natuwa lang ako sa kanya wala kase akong Lolo e.
"Nay yung tinulungan kong lalaki kanina parang nakita ko na sya dati pa. Kilala mo ba yun? Sabi nya sya daw si Lolo Santiago e."
"Huh?! Bakit mo kinausap yun Violet!!!" Nanay
"Kilala mo ba yun Nay? Tinulungan ko sya e kaya nagpakilala saakin. Masama po bang kumausap ako ng matanda?"
"H-Hindi! A-Ahh basta wag na wag mo yung kakausapin ulit, tara't samahan mo na ako dito mag-ayos ng paninda!" galit na sabi ni Nanay
Hindi nalang ako sumagot ulit, ano kayang nangyare kay Nanay?

YOU ARE READING
Nerd turned into Queen
Teen FictionViolet Ramos is just a nerd. But when she met Dhrake Villapuerto her life became hell. Continue...