Dumating na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ang graduation namin. Lahat ay makikita mong excited at emosyonal. Ito na kasi ang huling araw nang pagkikita nang lahat, dahil magkakahiwa-hiwalay na sila ng mga eskwelahan na papasukan at iba't ibang kurso sa kolehiyo. Habang ako naman at si Rafael ay nag uusap sa kinauupuan namin tungkol sa kurso na kukunin namin sa kolehiyo. One thing for sure is that, magkasama pa rin kami sa University na papasukan namin sa kolehiyo. We both passed the entrance exam sa isa sa mga sikat na University sa Maynila, ang Far Eastern University.
Noon pa man ay pangarap na namin ni Rafael ang makapasok sa University na iyon. Isa ang FEU sa may pinakamaunlad at mayaman na edukasyon, kultura, sining at isport. Far Eastern University has long been regarded as one of the top universities in the Philippines and aims to be a university of choice in Asia. FEU graduates are globally competitive and exhibit the core values of fortitude, excellence, and uprightness.
"dude, ano pala ang gusto mo sa college?" tanong ko kay Rafael.
"Yung mabait, makulit, matalino, cute at higit sa lahat ikaw yun". pabiro niyang wika sakin sabay tawa ng mahina.
"LoL, gago ka talagang kausap no? ang ayos ng tanong ko ang layo naman ng sagot mo." medyo iritado kong sagot sakanya.
" Bakit? Ehh, mali rin naman kasi ang tanong mo sakin, isa pa ikaw lang naman talaga ang gusto ko kaya ikaw yung dinescribe ko." sagot niyang muli sa akin.
"Ewan ko sayo! kahit kelan napakapilosopo mo talagang kausap!" sagot kong muli sakanya.
Natigil ang aming usapan at asaran ng sinimulan ng tawagin ang section namin para sa awarding ceremony. Nagtapos kami ni Rafael sa highschool na mayroon ding mga medalya at parangal, (not to mention na lang kung ano-ano ang mga yun). Pagkaraan pa ng ilang oras ay natapos na ang seremonya at ang lahat ay nagkanya kanya nang nagsi alisan. Sa di kalayuan ay nakita ko na sila mama at tita Maria. Gaya nga ng nabanggit ko sa simula, super close ang mama ko at mama ni Rafael dahil magbestfriend din silang dalawa and mag classmates rin sila. Ang cool di ba?
We've decided na lumabas nang magkakasama para kumain at mag celebrate na rin. Nasa isang fastfood chain na kami at masayang nagkukwentuhan at kumakain. Kitang kita ko ang closeness ng nila Rafael at ng mama niya, na siya namang naging kasalungat ko. Growing up kasi hindi ako close sa mama ko, maybe because he left my dad and decided to live here in the Philippines. My mom brought me here sa Philippines when I was five. I grew up na wala masyadong kaibigan dahil sa language barrier, maliban kay Rafael na childhood bestfriend ko. Nakakapaglaro lang ako kapag bumibisita sila tita at Rafael sa bahay namin.
My mom is very strict kasi, to the point na kulang na lang is lagyan ako ng antenna at i-connect sa remote control para manipulahin. Pero I can't blame her din naman kung bakit siya ganoon sakin. Kasi alam ko naman na she just wants the best for me. Nanumbalik lang ako sa kasalukuyang pag iisip ng kausapin at tanungin ako ni tita Maria kung ano ba raw kurso ang gusto kong kunin sa kolehiyo. Well, hindi pa talaga ako makapagdecide kung ano ang gusto kong i-take na course. Pero balak ko sanang mag nursing or chemical engineering.
"Hijo, I suggest that you take chemical engineering, that's really popular and in demand sa ibang bansa." sabi ni tita Maria na ine-encourage ako na yun ang kunin ko na kurso.
"Yuck! dude, 'wag ka makinig kay mama, boring yun, panget and mahirap. You'll solve thousand of equations and formulas that you can't even use in a daily life basis. And yeah, It may be in demand, for now, how about pagkagraduate mo?" sabi ni Rafael na inaasar pa ang kanyang mama.
BINABASA MO ANG
Bestfriends to Lovers (On Going)
Short StorySi Bryan at Rafael ay mag kasama na simula pagkabata. Magkababata na maraming pagkakapareho sa buhay. Magkatuwang sa lahat ng bagay at kalokohan. Hanggang isang araw ay naiba ang takbo ng mundo, at ang dalawa na dating magkaibigan ay naging MAGKA-I...