Chapter 1 (Drix Christopher Calvez)

20 1 0
                                    

WISY'SYN

CHAPTER 1 : ( Drix Christopher Calvez )

*Drix's PoV

"Ahhhh?"

"Oo"

"hhhhm..Brrrrr"

"Hihihihihi wag mo na kong i-kiss babe"

"tama na hahahaha"

"hhhmmmm...Brrrrrrr"

"WAAAAAAAH!!!" nagising nalang ako bigla nung dinidilaan ng aso kong si chimsy yung napakagwapo kong mukha,kadiri pero nakakakiliti gusto ko siyang dilaan na rin pero masyado naman akong manyak kapag pati aso eh pagdidiskitahan ko na rin, diba?

Ganito nalang araw-araw nakakatamad gusto ko lang naman makatulog ng mahimbing at makatabi sa pagtulog ang iba't ibang babaeng gusto ko hehehehehe, tapos pangarap ko lang naman sa buhay na magkaroon ng maraming gwapong mga anak para naman mapalaganap ko ang kakaunti kong natitirang napakagwapong lahi . At saka ano pa ba? 

Ahhmmmm marami akong pangarap pero bakit ko ba kinukwento ? hahahaha basta masaya ako at gwapo ako yun lang

Tatayo na sana ako nang...

"ARF ARF ARF" hey nandito pa pala si chimsy sa paanan ko na dinidilaan niya

"HAHAHAHAHA chimsy tama na" hahahaha nakakakiliti parang gusto kong itigil niya pero sarap sa pakiramdam

-

*sigh*

Hay nakakatamad ng nakahiga lang pero mas gusto ko na yung ganito kaysa naman mag-aral -_-

*knock*knock*

"Pasok" inaantok pa ko eh bakit ba maraming istorbo? kanina si chimsy tapos ngayon sino naman kaya?

(Pumasok si nanay ng kwarto ko at ...)

"NANAAAY!" napasigaw, napatayo at napalundag nalang ako bigla nung nakita kong pumasok si nanay na may dalang kutsilyo

"ANO?!!" pagalit at pasigaw na tanong ni nanay

"Bakit po kayo may dalang kutsilyo? Are you going to kill me na ba?" nakakatakot naman si nanay, sana naman mali iniisip ko

"Anong sinasabi mong bata ka?" hindi ba niya narinig yung sinabi ko? Isigaw ko kaya sa tenga niya, malayo kasi ako sakanya kaya siguro hindi niya narinig,lalapit nga ko hehe

"Ang sabi ko po, NAY BAKIT PO KAYO MAY DALANG KUTSILYO?!" malapit ang bibig ko sa tenga niya at isinigaw sakanya ang tinatanong ko

"Bakit may problema ba tupe?" ayun lang sinagot niya? E tanong yun diba? Ako yung nagtatanong tapos tanong din isasagot sakin, ayos din tong si nanay no? Batukan ko kaya to

Bigla nalang ako napalundag pabalik sa kama ko nang maalala kong may hawak siyang kutsilyo baka bigla maisaksak niya sa'kin yun dahil sa pagkakasigaw ko sakanya

"Nay nawawalan na po ba kayo ng bait?" pabulong ko na sinabi na kahit ang layo ko sakanya ay nahalata kong narinig pa niya, hanep din tong si nanay e ang lakas ng sagap ng radar

"Tupe! baba!" nagagalit na si nanay susunod na ko baka saksakin pa ko, nakakatakot siya baka masira pa ng kutsilyong yun yung napakagwapo kong...

"Tupe anong sabi ni nanay?" napatigil ako sa iniisip ko nung sinabi ni nanay yon

"Ang sabi ni nanay, Don't let others to wait" nakangiting sabi ko at bumaba na si nanay papunta sa dining room at sumunod na rin ako. Grabe muntik na ko dun ah buti nalang at matalino ako dahil naalala ko yung sayings ni nanay, Grabe naman kase tong si nanay eh ang daming alam di nalang sabihin na kakain na kami.

When I see you'Say your nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon