Hyujin's POV
Nakapasok na ako sa nasabing University. Mahigpit nga ang security nila at isa isang iniscan ng mga ito ang mga bawat estudyanteng papasok. Nagkalat din ang mga tauhan ni Mr. Night. Buti na lang at nakapasok kami dito ni Blake kanina bago magsimula ang pag inspection.
"Blake, we got another problem. May terrorist attack malapit sa NAIA, at nagbigay ng order ang director natin na tulungan ang mga sundalo dun." Sabi ko sa kanya sa earpiece. Nasa bubong siya nitong gymnasium para mag inspection.
"Kontakin mo ang team nila Dave, sila na ang bahalang tumulong dun. Di tayo pwedeng umalis dito. Pakikontak din si Nichole na ihanda na niya sa labas ng gate ang sasakyan natin. Anytime magkakagulo na dito and we need to be hurry."
"Copy that." Sagot ko saka siya nawala sa linya.
Inilibot ko ang aking paningin at tinitingnan ang bawat anggulo ng gym. Bawat pintuan ay may mga armadong gwardiya na nakabantay, nagkalat din ang mga CCTV sa paligid.
Bawat estudyante ay excited sa party na magaganap.
It's already 6:00 pm, kaya maggagabi na rin matapos ang program na ito. Saan kaya ang system nila nakapwesto? Kailangan kong mahanap yun para updated ako sa bawat galaw nila. Inilibot ko ang aking paningin at may nahagilap ako na isang mukha. Kilala ko ang babaeng yun eh, sa pagkakatanda ko siya yung babae na nasa Hospital. That was three months ago. Estudyante pala siya ng St. Ford University? Kung ganun, hindi niya ako pwedeng makita dito.
"Blake, another problem. May kakilala ako dito, I don't know kung naaalala niya pa ako pero di niya ako pwedeng makita baka magduda siya."
"Just hide Hyujin, you don't need to show yourself to her. Any minute bababa na ako bago magstart ang program."
"Okay, lalapit lang ako ng kunti sa harap ng stage." Saka ako dahan dahang lumapit, muntikan pa akong mahuli nung lumingon siya sa kinaroroonan ko. Buti na lang may estudyanteng kumausap sakin kaya natabunan mukha ko.
-----
Louise's POV
"Master napasok na po namin ni Zhyre ang system nila. Binlock na namin lahat ng nakakonek sa system na ito. Tulog na rin ang mga taong inatasan na mag ooperate dito." Sabi ni Xiu sa akin sa earpiece.
"Good job! Saan nakapwesto si Audry?" Tanong ko sa kanya habang palinga linga sa paligid.
"Nasa rooftop ng kaharap na building nitong gymnasium Master."
"Okay, kindly check the footage of the camera kung may nakapasok ba na iba. And tell Zhyre to prepare my rifle at the ladies room. Pupunta ako dun mamaya once the emcee will start the program."
"Okay po." AR 15 rifle yun kaya kagabi pa lang itinago na nila yun dito. May dagger naman ako na itinago sa dalawang hita ko at sa ibaba ng paa ko. Nakalusot lang ako dahil di tumunog yung weapon scanner sakin. Di kasi nila kami pwedeng kapkapan kasi lalaki naman sila kaya ang ginamit nilang pag inspection ay yung weapon scanner.At dahil nga high technology na tayo ngayon, kinonekta nila ito sa main system nila. At syempre di tumunog yung sakin, dahil sila Xiumen na ang gumawa ng paraan dun para di ako mahuli.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong gymnasium. Sa main door lang ang tanging labasan dahil malaki ang espasyo nito. May exit door naman dito pero masyadong masikip daanan yun at sira ang trangkahan kaya di na nabubuksan.
"Master! Take a look on that picture that I send in your phone. I didn't see. him entering the main door of the gym,¿ hindi rin siya tauhan ni Mr. Troy." Kaya tiningnan ko sa phone ko ang picture na sinasabi ni Xiu. He looked familiar.
BINABASA MO ANG
The Fierce Girl (On-going)
ActionWhat if magtagpo ang landas ng isang CIA Agent at ng isang babaeng gangster na walang ibang ginawa kundi ang makipagbasag ulo. Ano kaya ang mangyayari? May mabubuo kayang love tandem between the two or magiging mortal enemy nila ang isa't isa? Well...