Exam paper

212 10 4
                                    

“Aalis na po ako!” paalam ko sa mga magulang ko na nasa balcony at nagkakape sila.

“Ingat ka anak!” sabi ni papa.

“Opo papa!”

saan ba ako pupunta? Walang iba kundi sa school! Fourth year college na ako at B.S Psychology ang kinuha kong course at sa totoo lang ako ay isang super nerdy. Kaya walang naglalakas loob na ligawan ako dahil para sa kanila pangit ako... a big eyeglasses and braces, o diba? San ka pa? Ay nalimutan kong magpakilala... ako si Aira Georgina Medina at 19 years old na ako. Pagdating ko sa school agad akong dumeretso sa room namin.

“George!” sigaw ng aking bestfriend na si Sandy. Lalaki po si Sandy at yung full name niya ay Mark Sandro Bustamante. They always call him Mark at ako lang ang tumatawag sa kanya ng Sandy at ako lang ang may karapatan. Masama ba? Hahaha. Isa pa... mahal ko si Sandy eversince pero tanggap ko naman na hindi ako kayang mahalin ni Sandy bilang higit pa sa kaibigan. Kaya kuntento na ako.

“Oh ano yon? Parang excited ka ah.” sabi ko.

“Oo naman! Kase naman tingnan mo!” sabi nito saka pinakita yung test paper niya sa akin. Aba pinagmamalaki yung score niya ah. Haha.

“97? haha. Ako kaya tingnan mo yung sakin.” sabi ko tapos pinakita ko sa kanya yung test paper ko.

“Daya! 100! Sino ba yang prof niyo?” tanong ni Sandy, same kami ng course pero iba yung section namin. Nasabi ko ba na bestfriend ko siya since elementary? Ngayon alam niyo na haha.

“Si Mr. Yan.” sagot ko.

“Hala! Bilib na talaga ako sayo, galing talaga ng bestfriend ko. Biro mong naka 100 ka hirap magpa-exam kase nung matandang yun eh.” sabi ni Sandy.

“Sandy, aminin mo na lang mas magaling talaga ako sayo. Teka bakit mo pala ako pilit na hinihigitan sa exams?” tanong ko. Lagi na lang siyang ganun eversince ng elementary. Lagi ko naman siyang tinatanong at ang sagot naman niya....

“Wala lang trip ko lang.” sabi niya.... yan... yang ang lagi niyang sagot.

“Ganun? Lagi naman Sandy eh... ay nga pala balita ko meron kang pinopormahan ah.” sabi ko.

“Pinopormahan? Sana pero saka na lang... baka naman bastedin ako eh.” sabi niya.

“Ha? Bastedin ka? Sa gwapo mong yan? Imposible.” kung ako lang yun baka sinagot na kita. Pero alam ko namang imposible yun.

“Talaga? Gwapo ako?” sabi nito.

“Oo naman!” sabi ko.

“Haha. Sabi mo eh... naku pinasaya mo na naman ang araw ko.” sabi nito saka hinawakan ang ulo ko tapos ginulo ang hair ko.

“Naku. Ginulo mo buhok ko. Tsk. Sige na alis ka na may klase pa, pag-igihan mo pa yang pag-aaral mo para naman matalo mo na ko sa susunod.” sabi ko saka ngumiti.

“Haha. Oo ba! Byebye!” sabi nito saka umalis.

After ng klase pumunta ako sa garden ng school para kumain hindi ko na hihintayin si Sandy kase minsan sobrang busy niya sa school lalo na at meron ata silang project ngayon, gumagawa ata sila ng kung anong chechebureche about ata sa mga interviews. Buti pa sila at nagta-try na silang makipag-usap sa mga tao nangingilatis na sila e kami hindi pa... sabi kase ng prof namin sa finals daw na lang namin gawin yon.

Habang kumakain ako merong lumapit sa akin ng tumingala ako isang gwapong lalaki. Hindi si Sandy pero gwapo din naman siya.

“Can I join? Ayoko kasing kumain ng mag-isa nakaka bored.” sabi nito tapos ngumiti. Di naman ako suplada kaya pina upo ku na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Exam paperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon