Kung bibigyan ka ba ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan para ibahin ang takbo ng mga pangyayari… gagawin mo ba?
Hindi ko alam kung saan o kung paano ito nangyari. Ang alam ko lang nagsimula ito noong araw na iyon.
Martes. Para sa iba isa lamang itong ordinaryong araw, isang boring na araw para gugulin sa walong oras na pag-aaral. Pero sa akin, hindi. Ito kasi ang araw kung kalian napagpasyahan ko na magtapat sa isang taong matagal ko nang napupusuan.
Si Elena.
Magkaklase kami mula elementary hanggang ngayong 4th year high school. Isang linggo na lang ay graduation at siguradong imposible na na makausap ko sya sa mga susunod na araw dahil na rin busy ang lahat sa paghahabol sa finals. Bestfriend ko sya, at iyon pa ang isang bagay na pumipigil sa akin para mag confess, ayoko kasing masira ang friendship namin kung sakali. Baka di ko kayanin. Pero di ko rin naman kayang mag stay kami as magkaibigan, lalo na’t hindi isang kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
Ang lakas ng tibok ng aking dibdib, parang sasabog ito anumang oras. Nararamdaman ko rin ang panginginig ng aking kamay.
‘Come on, Brian! Lalaki ka!’ pilit kong pinapalakas ang aking loob.
‘Eh ano naman kung mareject ka nya? Madami pa namang babae dyan.’ wika ng isang parte ng utak ko.
…ah shit. Mas lalo akong kinakabahan.
“Brian?” tila napahinto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Lumingon ako kay Elena.
“H-Hi!” medyo kinakabahang bati ko.
“Okay ka lang?” halata ang pag-aalala ni Elena sa maganda nyang mukha.
“Huh? Oo naman.” sagot ko sa kanya sabay ngiti para ipakita na okay lang ako.
“Oo nga pala, bakit mo ko pinatawag? At saka bakit dito pa sa likod ng school?” wika nitong nagtataka.
“Ah eh.. may sasabihin sana ako.” Pagsisimula ko.
“ Ano naman yun? At bakit pa sekreto pa?”
“Elena… mahal kita.” Ayan. Nasabi ko na. Pinilit kong hindi ibaba ang aking tingin upang ipakita kay Elena na seryoso ako at hindi nagbibiro, halata ang gulat sa kanyang mukha.
“Brian.. I-..” lumungkot ang expression nito,
Sa mga oras na yon, alam ko na ang isasagot nya, at sa oras din na iyon naramdaman ko ang pananakit ng aking dibdib.
“I’m sorry.”
Nagising ako ng masakit ang ulo. Urgh.. ano ba ang nangyari kahapon?
Saka ko naalala ang lahat. Rejected ako. Hindi ko napansin ang sariwang lumuluha na dumadaloy sa aking mga mata, nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
“Brian?.. Bakit ka umiiyak?” napalingon ako sa nagsalita.
“Elena?! Anong ginagawa mo dito?!” gulat na wika ko.
“Huh? E di syempre para gisingin ka at nang sabay tayong pumasok sa school.” Lumapit sya sa akin at sinalat ang noo ko. “Wala ka namang lagnat.”
“T-Teka, p-paano yung nangyari kahapon?! D-Diba na- r-reje..” masakit pa rin sa akin na sabihin ang mga salitang iyon kaya di ko na naituloy.
“Really, Brian. Ang weird mo ngayon. At saka nga pala, siguro mga 3 pm na ako makakapunta sa likod ng school. Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa akin yung dahilan kung bakit mo ko pinapapunta dun?” wika nito habang nakanguso.
‘Likod ng school…? Ngayon?’
Teka ano bang nangyayari? Hindi sadya ay napalingon ako sa kalendaryong katabi ko.
March 24. Martes
‘Déjà vu’ Iyon lang explanation na nahanap ko sa utak ko para ipaliwanag kung ano ang nangyari. O kaya ay may kapangyarihan na ako para makita ang hinaharap, o isa lang talagang panaginip ang lahat. Pero isa lang ang sigurado ako. I-re-reject nya pa rin ako.
Ngayon napagtanto ko na ang lahat. Kung talagang magiging kami, e di sana’y matagal na. Bakit hindi? At bakit tumagal pa hanggang 4th year ang unrequited love kong ito?
Maya-maya pa’y dumating na si Elena.
“Brian?” tawag nya sa ‘kin. Katulad na katulad ng nasa panaginip ko.
…
“Oo nga pala, bakit mo ko pinatawag? At saka bakit dito pa sa likod ng school?”
Ngumiti ako sa kanya. “ Actually, may gusto akong sabihin sayo.”
“ Ano naman yun? At bakit pa sekreto pa?”
“ Happy Graduation, Elena.”
BINABASA MO ANG
Deja Vu [Oneshot]
Teen FictionKung bibigyan ka ba ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan para ibahin ang takbo ng mga pangyayari… gagawin mo ba?