Xinon Corveral's POV
Kanina pa ko nag-aalala kay Yuwi, hindi lang pala kanina, Kahapon pa pala pagkatapos ng activity. Parehas kasi silang na tahimik ni Winter nung mga panahon na yon at hangang ngayon nananahimik pa din sila. I mean, matagal naman na talaga silang tahimik pero iba yung ngayon. Tsk!
"Ano bey? Wala bang iimik sa inyong dalawa?" tanong ko pero sabay lang nila akong tinignan tsaka tumayo at umalis. Tinignan ko naman si Venice na nananaginip ng gising.
"V, baby V! Ano bang nangyayari dun sa dalawa?" tanong ko tsaka niya ko tinignan ng seryoso. Isa pa to eh, bigla-biglang natutulala.
"Xi, tingin... tingin ko nakita ko si Tito Arch kagabi." sabi niya kaya napasigaw ako sa gulat.
"What?" Ewan ko kung nayanig yung tent namin pero wala ako pakialam. Si tito Arch? Eh patay na...
"Yung papa ni Yuwi?" bulong ko tsaka tinakpan ni Venice yung bibig ko. Imposible! Patay na si Tito Arch kaya pano siya...
"We better talk about that some other time." sabi niya kaya tumango ako. So posible na narinig nung dalawa si Tito Arch kagabi? May itatanong pa sana ako kay Baby V ng pumasok sina Blaze sa tent namin. Take note, apat silang pumasok dito at pinagsiksikan ang mga sarili nila.
"Ano ba ang sikip! Problema niyo?" tanong ko tsaka umusog at tinulak sila palayo. Ang init na nga dito eh.
"Bakit ka sumigaw? Anong meron?" tanong ni Neo kaya napailing ako.
"Wala lang. Wala kayong kinalaman dun." sabi ko tsaka tumayo at pinagsiksikan yung sarili ko palabas. Paharang harang sa daan eh. Kung buhay si Tito Arch, posible bang buhay din si Papa? O kaya si Tito Kidon? Tsk! Bakit pa ko umaasang buhay pa si Papa, kitang kita ko naman nung nilibing namin siya. Gosh! Ang gulo. Kung buhay sila, bakit di pa sila nagpapakita? Ang daya naman!
River Ehren Cruzveda's POV
Lumabas na din ako sa tent nila Xinon. Akala ko may nangyari na sa lakas ng sigaw ni Xinon. Total naman may isang oras pa kami bago kami ulit ipatawag, hinanap ko muna si Yuwi. Hindi ko pa din makalimutan yung tanong ni Andrew kagabi sa akin.
flashback...
"If I'll court my Master, ah no... scratch that... I will court my Yuwi. What are you going to do?" I was caught off guard with his question. Him courting Yuwi? Hell no! Alam ng lahat na girlfriend ko si Yuwi and kahit pa hindi totoo yun, wala akong planong ipamigay siya. Nanahimik lahat ng mga nakikinig kaya napalunok ako. Liligawan niya si Yuwi? Siya at si Yuwi? Naiisip ko pa lang, para gusto ko nang bangasan yung mukha niya. She's... she's not mine but I will make her mine. I mean... urgh... I wont give her to anyone!
"She's my girlfriend." sagot ko. Alam kong alam ni Andrew na fake lang yun pero hindi naman siguro siya baliw para ipagsigawan yun.
"I heard the answer. Sure, she is your girlfriend but I'm sorry Mr. Cruzveda but I'm courting your girlfriend." sabi niya kaya lalapitan ko na sana siya para ituloy yung plano kong pagbangas sa mukha niya nang hatakin na ako paupo ng mga ka-team ko. Tinignan ko yung reaksyon ni Yuwi pero tulala lang siyang nakatingin sa may mga puno.
D*mn you Andrew!
...end of flashback
"Hello River!" napahinto ako sa paglalakad at pag-iisip nang batiin ako ni Zhyra.
"Hi." sabi ko tsaka siya nginitian. Today is our last camping day kaya bumuo ng panibagong grupo yung teachers namin. Unfortunately, hindi ko kagrupo si Yuwi.
"Sayang ano, di tayo magkagrupo." sabi ni Zhyra. Napahinto ako dun kasi simula kanina na iniba yung grupo namin, hindi ko naisip yung tungkol sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Doll like Guardian
Ciencia FicciónRiver Ehren Crusveda is the only heir of Crusveda Coorporation. A successful institution which is considered as the biggest coorporation in Asia. For that reason, he always received death threats from different people and assassins. His Mother, Reev...