Chance:0.01%

80 4 11
                                    

(Her P.O.V)

♪♪ Wake up ... wake up it's a brand new dayyyy ♪♪ (Alarm tone)

Monday nanaman .. At dahil sa malayo ang school ko kailangan kong gumising ng sobrang aga dahil 2hrs pa ang byahe ko.

Time Check: 5:00am

"Aalis na po ako" sumakay na ako ng tricycle sa kanto. 

At dahil monday nga ngayon sobrang punuan na kaagad ang mga bus byaheng baclaran kahit ganito kaaga kya no choice ka talaga kundi tumayo at hintaying may maawang magpaupo sayo sa umaandar na lata na nasakyan mo.

Kung sinuswerte ka nga nman. nakaupo kaagad ako at may gwapo pa akong nakatabi. Ang swerte naman ng araw na to.

"Ang landi mo talaga Joey!" - Miss A

"Grabe ka naman Miss A minsan na nga lang ako lumandi ganyan ka pa."

Makatulog na nga lang malayo pa naman ang bababaan ko. Aba malay natin baka matsansingan ko pa si kuyang gwapo.

Nagising ako bigla dahil sa bigat na naramdaman ko sa ulunan ko. Ohhh my gosh! Si kuyang gwapo nakasandal sa akin at ganon din ako sa knya. hihihi. Bigla siyang gumalaw .. Ay nagising agad -_____________-

"Sorry Miss nakatulog ako."

"Ahh! ... ehh o-ok lang yun." grabe ang gwapo nya talaga. kinakabahan tuloy ako.

"Salamat! hmmm sa PUP ka nag-aaral diba?"

"hmmm .. Ou paano mo nalaman?" 

"HAHAHA ... halata nman sa I.D mo." Ayyss .. ou nga ang tanga ko naman talaga.

"Ay Sorry .. ou sa PUP Manila" Nakakahiya ka talaga Joey -___________-

"Gusto mo sabay na tayo sa main ka din naman diba?" wow lang PUPian din pala sya. Kileeegs ^______^

"Ahh .. sige"

After noon wala ng nasalita sa aming dalawa. Ilang saglit lang bababa na rin kasi kami sa Cubao. Sabay lang kaming nag lakad at dumeretso sa sakayan ng Stop n' Shop na jeep na dumadaan sa school.

Natapos rin ang araw na hindi ko man lang natanong kay kuyang gwapo kung ano ang pangalan nya. Tinamaan kasi ako ng hiya. -_________- At may 0.01% din na chance na magkita ulit kami bukas sa bus sa sobrang daming bus na dumadaan sa sakayan saamin.

 ====================================================

♪♪ Wake up ... wake up it's a brand new dayyyy ♪♪ (Alarm tone)

.. And another day for a chance to change.

Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng bus. Nagdadasal talaga ako na makita ko ulit si kuyang gwapo na nakaupo sa bus. 0.01% man ang chance atleast meron pa rin mabait naman si tadhana sa akin e :)))

Kaso mukang wala naman siya :( umupo nalang ako sa dulo mai vacant seat pa naman. Pag kaupo ko nagulat yata yung katabi ko natutulog kasi siyang nakatakip ang muka. At sobrang saya lang ng pakiramdam ko kasi si kuyang gwapo pala to.

Serendipity (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon