Three

6K 151 25
                                    

CHAPTER 3

NAKATAYO ang isang lalaki sa gilid habang nakamasid kay Ren na naglalakad papasok ng Minhye University. Puno ng galit ang mga mata nito.

Akala ko nakaganti na ako, akala ko panalo na, hindi pa pala. Inagaw mo na sa akin lahat, pamilya, kaibigan, at ngayon... pati ang taong mahal ko. Huwag mo ko subukan! Kung inaakala mong tapos na, nagkakamali ka. Nagsisimula pa lang ako.

Paalis na ang lalaki nang may kumuhit sa kanya, "Excuse me, ito na ba ang Minhye University?"

Nanlaki ang singkit na mga mata ng lalaki, "France?"

"I'm sorry?" ani ng babae.

Napangiti ang lalaki nang mapagmasdan ang babae.

Sa biglang tingin ay parang si France nga ito, pero kung pagmamasdan talaga ay makikita ang maraming pagkakaiba nila.

"Oo, ito na nga ang Minhye University," wika ng lalaki.

Ang babae naman ang napangiti. "Salamat," anito.

GOOD MORNING Sunshine!

Sinilip ni France ang orasan, ala-sais pa lang ng umaga.

Ang aga pa pala, excited naman ako masyado pumasok ng school. Si Ren kaya? Maaga kaya siyang papasok ngayon?

Biglang napalitan ng inis ang magandang ngiti ni France ngayong umaga. Napakapit siya sa kanyang labi. Bumalik sa alala niya ang nangyari last week sa pagitan nila ni Ren. Bigla na lang siyang napayuko. Simula kasi nang mangyari ang eksena sa banyo, hindi na mawala si Ren sa isip niya.

Nakakainis, isa siyang malaking bangungot!

Bago umalis ng bahay, tsinek muna ni France si Gian sa kwarto nito, wala na ang lalaki.

Hayaan ko na nga lang, may sarili naman siyang schedule e.

PAGDATING ni France sa school, as usual, center of attraction na naman siya.

Nagtayuan ang mga lalaki na nakaupo sa hallway nang matanaw ng mga ito na paparating na siya, pero hindi para batiin siya. Ang mga titig nila, parang bored at gustong pumatay ng tao.

"B-Bakit kaya ang sama nila makatingin?" bulong ni France.

"Ikaw, bakit ang sama mo tingnan?"

Eh? Mukhang napalakas ata ang bulong ko.

Paglingon ni France, nasa likod niya na ang limang mokong. Si Dave yung nagsalita.

Sinasabi ko na nga ba! Umagang-umaga nangbu-buwisit sila. Patience France, patience.

Nginitian ni France ang mga ito.

"Hi boys," bati pa niya.

Mukha naman silang nagulat sa kanilang narinig. Nanlaki ang mga mata nila.

"Hoy Bakla! Simula nga ngayon huwag ka ng magpapakita samin kapag umaga, ha? Nakakawala ng gana e!" biglang sabi ni Gian. Nakakunot ang noo nito.

"Fv*k! Pwe," nag-akto pang nasusuka si Chris na nagtakip ng kamay sa bibig.

"Magmaskara ka na lang kaya sa school?" sabi naman ni Jed na seryosong nakatingin kay France.

Gosh. Ang gu-guwapo nila ha? Tss!

"Makapag-demand naman kayo, puwede ba!" Pinandilatan sila ni France. "Hindi pa ko nabubuwang, hindi ko kayo papatulan!"

"Bakit, babae ka ba?" pambabara naman sa kanya ni Gian.

"HAHAHAHA!" Tumawa ang mga Mokong except kay Ren na nauna nang maglakad papasok ng University.

Sinundan siya ng tingin ni France. Bigla siya nakaramdam ng concern.

Ba't kaya? May problema ba siya?

Nang magbreak time, nakita ni France sa canteen ang mga mokong, pero kulang sila ng isa... wala si Ren.

Bumalik na lang si France sa pagbabantay sa library at naupo sa ilalaim ng lamesa. Kinuha niya ang cellphone niya at nakiwifi. Nagiiscroll siya sa Facebook (newsfeed) nang may mabasa siyang page.

Nakalagay roon---"How do you know if you really have a crush on someone?"

Pumasok agad sa isip ni France si Ren.

Waaah! Ano ba 'tong iniisip ko?!

Inexit niya agad ang Facebook.

"Focus France, tama na ang kakaisip kay Ren, okay?"

Gamit ang mga kamay niya, tinakpan niya ang kanyang mukha, "Kaaway mo siya dahil kapatid siya ng lalaking nanakit sayo at tropa siya ng lalaking uminsulto sa pagkatao mo. Isa pa, ayaw mo sa mga lalaki, diba? Kaya hindi mo siya puwedeng magustuhan. Hinding-hindi, no and never!"

Para siyang baliw na kinakausap ang kanyang sarili.

"Hoy," may bigla naman nagsalita. "Sinong kausap mo?"

Inalis ni France ang nakatakip niyang mga kamay sa kanyang mukha.

"WAAAH!" Napasigaw siya nang makita ang maamong mukha ni Ren.

"HAHAHA, nakakatawa naman yung itsura mo! HAHAHA! gulat na gulat ka."

Tinawanan lang siya nang tinawanan ni Ren.

"S-Sandali nga, kanina ka pa ba diyan?" tanong ni France.

Tumigil naman si Ren sa pagtawa, "Huwag kang mag-alala, wala kong narinig sa mga sinabi mo."

"Talaga?"

Tumango naman si Ren.

"Wala raw, pero alam niyang may sinabi ako, hay!" bulong ni France.

"May sinasabi ka ba?"

"Ha? Ahh, sabi ko mabuti naman kung ganon."

Napaniwala naman si Ren na iyon talaga ang sinabi ni France.

"Okay. Teka, ano bang trip 'yan? Bakit nandiyan ka sa ilalim ng lamesa?" Si Ren.

"Ah e, m-malamig kasi."

Biglang namula si Ren at napalihis ng tingin kay France.

Napakamot na lang si France nang maisip ang sinabi niya. Sa tingin niya ay pinaalala niya lang kay Ren ang nangyari sa kanila sa banyo.

Sandali silang natahimik.

Binasag ni Ren ang katahimikan nang tawagin niya si France.

"F-France."

"Ha?"

"Pa borrow ng pen, puwede?"

Kinuha ni France ang ballpen niya sa bag na nakasakbit sa kanyang balikat at nahihiyang iniabot kay Ren, "Oh!"

"Tsk! Ayaw sumulat."

"Ha? Ah, e... Kanina naman sumusulat pa yan."

"Talaga? try mo nga, isulat mo yung number mo."

Kumuha si France ng papel sa bag at sinunod ang suhesyon ni Ren.

Sumusulat naman ah!

Pinakita ni France ang sinulatang papel kay Ren.

"Patingin nga," kinuha ni Ren ang papel sa kamay niya para tingnan ito nang malapitan.

"Cellphone number mo ba 'to?" tanong ni Ren habang pinagmamasdan ang papel.

"Ah, o-oo."

"Alright!" Kinindatan siya ni Ren,"Sige, itetext na lang kita."

Pagkasabi niyon ay iniwan na siya ng lalaki sa library.

Wait, nasabi ko na ba'ng... guwapo si Ren?

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon