Yagsog / 약속 / Promise

421 11 1
                                    

FINALLY NAPUBLISH KO NA RIN!!! Hahaha matagal nato sa phone ko pero ngayon ko lang mapa-publish.

Enjoy reading! Kahit lame ang story, sana ma enjoy nyo parin. Feel free to comment anything. I'll highly appreciate that. Charot! 😂

---

Taehyung's POV
"Kim Taehyung, gusto mo na bang tayuan kita ng cellphone shop? Aba eh! Pang labing-lima mo na ito ha? Hindi ka pa ba nagsasawa kakabili ng bago at makukuha lang naman? KAILA MO BA TITIGILAN ANG PAGKULEKTO MO NG PORN SA CELLPHONE MO?!" Sigaw nya sa akin. Napaupo sya ulit sa silya nya at pilit pinapakalma ang sarili. Napalabi ako.

"Eh, Sir. Last na po talaga! Promise."  Pagmamakaawa ko. Hinampas nya naman ako ng hawak nyang papel sa ulo ko. Napakamot ako sa parteng 'yon.

"Pang limang beses mo na iyang sinabi pero ni isang beses hindi nangyari. Nabibingi na ako sa palusot mo, Kim Taehyung! You're a president lister. Tapos natanggal ka dahil sa rami mong violations dito sa eskwelahan natin. Ngayon, gusto mo bang tanggalin din kita sa Deans list ha?! Hay talagang sakit ka sa ulo bata ka! Tataas ang BP ko dahil sayo!" Sumigaw na naman sya. Sana nga at tumaas ang BP nya para ibalik nya sa akin ang panlabing lima kong Iphone.

"Ano ba?! Sinabi ko sa inyong bitawan nyo ako! Kakalbuhin ko ang babaeng 'yon! Bitaw sabi eh!" Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang nang dean office. Kinakaladkad sya ng dalawang security guard.

"Ayan pang isa! Hay! Aatakihin ako sa puso sa inyo!" Napatingin ulit ako kay Dean. Binigyan nya ako ng malinis na papel at ballpen.

"Pagbalik ko dapat tapos mo na 'yang sulatan lahat. Write an apology letter back to back." Sabi nya. Kinuha ko naman iyon at ngumiti ng malapad.

"Pag natapos po ba ako, ibibigay nyo sa akin ang phone ko?" Tanong ko sa kanya. Binatukan nya naman ako.

"Hindi! Para 'yan hindi ako magpadala ng letter sa mga magulang mo. Hay! Alam mo naa---" Hindi ko na sya pinatapos.

"Oo na. Umalis na kayo baka malate na naman kayo sa meeting nyo." Nakalabing sabi ko. Tumayo sya sa kinauupuan nya at padabog na lumabas na ng office. Tumayo rin ako.

"Ano ba! Pag ako mas nagalit, lalaslasin ko ang mga leeg nyo!" Sigaw na naman nya. Lumapit ako sa kanila. Inayos nya ang baseball cap nya at tinignan nang masama ang mga guard.

"Manong, ako nang bahala." Sabi ko sa dalawang guard. Tumango naman sila at umalis na rin ng dean office. Bumaling ako sa kanya. She's smiling at me now.

"Let's talk." Sabi ko at nilagpasan sya. Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makarating ako ng tahimik na parte ng school. Bumaling ako sa kanya na ngiting ngiti.

"Bwi bwi! Anong atin?" Nakangiting tanong nya. I sighed and glared at her.

"Ano na naman ang ginawa mo, Kassandra Utingson?" I asked at her angrily. She just pouted and bowed.

"Sabi kasi ni Rika na girlfriend mo daw sya. Kaya inaway at gununting ko yung buhok nya." Nakatingin lang sya sa lupa panaka panakang sinisipa ang damo habang sinasagot ako.

"Why did you do that?" Takang tanong ko.

"Kasi nga ano..." Tumingin sya sa akin at yumuko ulit.

"Ano?" Naiinis kong tanong. Alam ko naman talaga ang sagot. Gusto ko lang sya na mismo magsabi.

"Na ano. N-nagseselos kasi ako." Nakalabing sabi nya. Napahilamos ako ng mukha.

"Kassandra naman?! College ka na! Umasta ka ng naayon sa edad mo!" I hissed at her. Tumingin ulit sya sa akin at sinimangotan ako.

Yagsog (BTS V) One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon