White Roses

24 1 0
                                    

          Ako nga po pala si Jane at isa akong nursing student. Hindi ako naniniwala sa true love siguro dahil single ako. Pero dahil sa isang pangyayari nagbago lahat ang paniniwalang iyon at dahil yun sa isang pasyente ko na si Mr. Paul.

            Bagong Lipat ako sa isang boarding house. Sabi nila isa daw yun sa pinakanakakatakot na lugar. Gabi gabi daw kasi may nagpapakita dun na babae. Kaya nga walang nagtatagal dun eh. Hindi ako naniniwala sa ghosto kung anung maligno pa yan. Sa dinami rami ng boarding house dun yun ang napili ko. Hindi dahil sa matapang ako, kung hindi dahil dun ako dinadala ng aking mga paa. Pilit akung dinadala ng aking puso sa lugar na iyon na parang bang may isang bagay na andun. Nasa ibang bansa ang aking mga magulang, mas ginusto ko dito sa pilipinas  mamuhay. At sa awa naman ng diyos maayos naman ang aking buhay.

            Sa unang araw ko sa boarding house nay un wala naman akung nararamdaman. Parang wala lang. Pero yung sumunod na mga araw lahat bigla nalang nagbago. Galing ako nun sa trabaho medyo pagod dahil madaming ginawa. Nung una patay sindi ang ilaw sa may kusina pero hindi ko nalang ito pinansin. Paulit ulit na yung nangyayari pero hindi ko nalang pinansin. Akala ko wala lang ang lahat ng yun. Pero isang gabi habang natutulog ako may nakita akung isang babaeng nakaputi at umiiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatalikod siya at lumuluha. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan bigla ko itong nilapitan. Nagulat ako nang bigla itong lumingon sa akin. Isang napakagandang babae, tila mala angel ang kanyang kagandahan.  May biglang kumatok sa aking pinto at sa isang iglap ay bigla itong naglaho. Simula nun parati na siyang tumatakbo sa isipan ko.

            Matapos ang mga pangyayaring iyon, ay balik nanaman sa normal ang lahat. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon bigla kaming nag hiwalay ng girlfriend ko.  Dalawang taon n asana kami kaso nalaman ko sa loob ng dalawang taon hindi niya pala talaga ako minahal. Ginawa lang niya pala akung panakip butas. Pero siguro nga ganun nako ka martyr kasi imbis na magalit ako, kusa ko siyang pinakawalan. Ganun naman talaga kapag nagmamahal ka diba. Kapag hindi kana mahal kailangan mong bitawan kasi hindi kayo para sa isat isa. Kahit gaano pa kayo katagal kung hindi naman talaga sang ayon ang tadhana sa inyo,dapat may isang bumitaw, dapat may isang magparaya. Kahit na mahirap at masakit, kasi yun lang naman ang natatanging paraan para lumaya ang bawat isa eh. Yun lang ang natatanging paraan para hindi masaktan ang isa. Sa dalawang nag mamahalan, mas mabuti pa akung ang nahihirapan kaysa siya ang nakikita kung nahihirapan, dahil pinipilit niya ang sarili niyang mahalin ako. Kahit masakit magpaparaya ako, basta makit ko lang siyang masaya kahit na alam kung hawak siya ng iba. Matapos ang pangyayaring iyon buong araw akong nasa loob ng kwarto umiiyak at sa bawat luha alak ang aking katapat. Ganun naman talaga diba, bukod sa salitang move on,isa din ang alak sa isa sa pinakamadaling way ng paglimot, kahit isang araw lang. Sabi nga nila, nung mga bata pa tayo alcohol lang ang sagot kapg nasusugatan tayo. Parang ngayon lang, alak lang ang sagot sa pusong nagdurugo.

            Buong araw akong nakatitig sa apat na sulok ng aking kwarto, mag isa at parang batang patuloy na umiiyak. Biglang umihip ang malakas na hangin at sa hindi maipaliwanag na pagkakataon isang babae ang nagsalita.”baket ka umiiyak?”Gulat na gulat ako di ko alam kung anung gagawin ko nun, kinausap ako ng multo. Akala ko wala lang, pero sa pangalawang pagkakataon inulit niya ang kanyang tanong. “Baket ka umiiyak? Ok ka lang ba?”  weirdo man ang mga pangyayari pero sinubukan ko siyang kausapin. Sa mga oras na yun sa kanya ko lahat naibuhos ang sakit sa puso ko. Bawat tinik na nakatusok sa puso ko ay unti unting nalalaglag. Ang pakong pinukpok ay unti unting nahuhugot. At simula nun dun ako nagkaroon ng isang matatwag na kaibgang multo. Tinanung ko siya kung anu ang kanyang ikinamatay, ngunit wala siyang isinasagot. Tinanung ko siya kung baket hanggang ngayon ay nandun pa din siya. Isa lang ang kanyang sinagot. Hinihintay niya ang pagbabalik ng taong mahal niya. Sabi niya gusto niyang iparamdam dito ang sakit na kanyang dinanas. Gusto niyang magsisi ang taong yun gusto niyang marealize nun kung paanu siya naging tanga para iwan siya ng ganun ganun nalang.

            Maria ang pangalan niya. Napakaganda niya, sabi ko nga kung pede lang sana ligawan ginawa na ko na, kaso napakaimposible ang gusto kung mangayri. Madaming tao ang nag aakalang nasisiraan na ako ng bait kasi nakikita nila akung nagsasalita at tumatawa mag isa. Nakikita at naririnig ko lang si maria pero hindi ko siya nahahawakan. Simula nun lagi na akong masaya, sa tuwing siya ang kasama ko kompleto ang araw ko. Ngunit ang daming gumugulo sa aking isipan may pilit na bumabalik at ang tanging nararamdaman ko ay saya at lungkot. Isang araw tumawag ang dad ko, pinababalik na ako ng states. Sinabi k okay maria ang bagay nay un ngunit laking gulat ko nang bigla niyang sinabing..

“Paul wag mo kung iwan dahil Mahal kita”

Paulit ulit niyang sinabi yun saakin. Ngunit sa hindi maipaliwanag na pangyayari nasigawan ko sya at nasabihan ng hindi maganda. Simula nun hindi na siya muli pang nagpakita saakin. Paulit ulit ko siyang tinatawag at paulit ulit din akung himihingi ng tawad.

            Dumating ang araw ng aking pag alis ngunit wala parin si maria. Habang nag aayos biglang may bumagsak nag gamit sa ibaba. Dali dali akung bumaba nang tiningnan ko napakaraming kahon dun. Binuhat ko ang isa sa mga kahon ngunit dahilsa sobrang bigat ay naihulog ko iyon. At dun ay nakita ko ang isang album pinulot ko ito, at nagulat ako sa aking nakita. Nakita ko ang picture ko kasama ang isang batang babae. Dun ko naalala ang lahat at dun ko naintindihan lahat.

            Magkababata kami ni maria, matalik kaming magkaibigan. Lihim akung minamahal ni maria. Ngunit dahil may girlfriend ako mas piniling itago ni maria ang pagmamahal niya saakin. Lahat hilingin ko sakanya ginagawa niya. Parati niya akung pinagbibigyan, napakabait at napakalambing na kaibigan ni maria. Ngunit dahil sakin nawala si maria. Nagbreak kami ng Girlfriend nun dahil niloko niya ako. Ng mga panahon nay un galit nag alit ako. Pinunthan ko sa school nila si maria. Sumakay kami sa kotse ko. Galit nag alit ako nun at dahil dun nagalit si maria. Sabi niya sakin itigil ko na daw ang mga kalokohan ko kasi hindi na daw babalik sakin ang girlfriend ko. Dahil dun nasigawan ko siya sabi ko “Kaya walang nagmamahal sayo dahil nerd ka! At hinding hindi kita mamamahalin dahil isa lang kitang hamak na kaibigan” nagulat ako sa ginawa ko at bigla kung naitigil ang kotse. Paglingon ko kay maria ilaw lang ang tanging nakita ko at sa mga oras na yun hindi ko akalain nay un na ang huling araw na magkakasama kami. Nakasurvive ako sa aksidente na yun at nagka amnesia ako ngunit at ang aking maria ay namatay. Hindi ko na maalala ang lahat dahil mas pinili ng mga magulang ko na wag nang ipaalala pa. Ang boarding house na tinitirhan ko ay ang lugar kung saan kami ni maria naglalaro at nagkikita.

            Napaupo ako sa aking kinatatayuan habang hawak hawak ang album. Tanging patak ng luha lamang ang dumadaloy sa aking mukha. Sakit at pagsisi ang aking nararamdaman. At muli humangin naman at doon ay nakita ko si maria. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong humngi ng tawad ngunit alam kung huli na ang lahat. Hindi ko na maibabalik pa ang mga bagay na nawala. Pumikit na lamang ako. Nakaramdam ako ng lamig sa aking katawan ramdam ko ang yakap ni maria. Sa huling pagkakataon bumulong si maria “Ito ay simbolo ng aking habang buhay na pagmamahal para sayo. Paul mahal na mahal kita hindi kita kayang saktan dahil ganun ka kahalaga sakin, paul paalam”. Tumigil ang hangin pagdilat ko ng aking mga mata isang puting rosas ang nasa harapan ko. Simula nun hindi na siya nagpakita sakin. Tanging ang puting rosas na ito ang naging alala ni maria saakin.

            Sa kwento ni lolo Paul lahat kami lumuha. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at ang pagsisis niya. Kinabukasan ay usap usapan pa din ang kwento ng matada merong naniniwala meron ding hindi. Hanggang isang araw nabalitaan naming pumanaw na si lolo paul. At sa kanyang higaan ay may isang libro binuklat ko ito at nakita ko ang isang lantang rosas. Sa pagkakataong ito mas lalo akong napaluha. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon