Mr.Love at First Sight

64 4 2
                                    

Naranasan mo na ba ang malove at first sight?

Kasi ako OO!.....

That happened when I was 16 years old....

Yup! Ang bata ko pa diba?...Wellganun daw talaga yun pag maganda ka!^^V

FlashBack

"Krisha,bilisan mo dyan!"

"Opo!"

O,diba kay bait na bata nago-opo...By the way I'm Krisha,tita ko kanina yug tumawag sa akin wala kasi dito ang parents nasa ibang bansa OFW.

"Tara ang tagal mo naman para kang pagong."

"*pout* tara na lang po"

Ok so we're here na at super market para mamili ng mga Groceries...

hmmm.....may naalala ako...

*Flashback*

Nandito kami sa Supermarket para mamili ng groceries.........

"Krisha dito ka lang huh?!Kukuha lang ako ng fruits...."

"Ok po tita.Apple kuha ka huh pls..."

"K....=___="

Yehey may apple ulit sa bahay!!Gustong-gusto ko ng apple...!!!^^

Hayy boring kase naman ehh Magisa lang ako sa bahay kung di ako sasama sa kanya.Nagstay na lang ako kung san nya ako iniwan baka maghanapan pa kaming dalawa.

Tumayo na lang ako at nagmasid-masid sa paligid.Madaming tao ngayon dahil christmas season na.Maraming couples,families at meron din namang soloflight ang peg.Namimiss ko na ang parents ko,ang mga pinsan ko mga friends ko.May kanya kanya silang gala with their familes eh.

"Hahahaha Pare naman eh napakatorpe mo talaga!"

"Hayy ewan..."

"Tsk... Tsk sige na.Pumunta ka na sa prutasan magkita na lang tayo dun.Sinasamahan na nga lang kita eh sige na sabihin pa ng mama ang tagal natin bilisan mo!"

"Tsk Oo na!"

Umalis na yung lalaking kasama nya.Ang ..... ang pogi nya! */////*

Dug dug.... dug dug......

Ang lakas ng tibok ng puso ko.Eto na ba yung tinatawag nilang love at first sight?? Ang lakas ng tibok ng puso ko tapos kinakabahan na din ako. Nafreeze na din ako sa kinakatayuan ko.Pakiramdam ko tumigil na ang oras at kaming dalawa na lang ang nasa mundong to.

Krisha di kaya siya na ang the one mo??....

Baka siya na nga.Narinig ko kanina na papunta siya sa Fruit section , it means dadaan sa kinatatayuan ko??

>//////////<

Yieee Kinikilig ako dadaan siya sa akin.Unti unti lumalapit siya papunta sakin. Nakatingin lang siya sa mga dinadaanan niyang mga paninda pero hindi siya nakatingin sa dinadaanan nya.Unti unti ay lumilingon sa harapan nya kung saan ako ay makikita nya.Kasabay ng paglingon niya ay ang pangiti nya.Isang nakakakilig na ngiti ang binitawan nya para siyang modelo ng isang brand ng toothpaste dahil sa puti ng mga ngipin nya.Ang gwapo nya.Matangos na ilong,magandang mga mata at kissable lips.Sa tingin ko ay kaedad ko lang siya pero napakagwapo nya na.

Unti unti ay lumalakad na siya palampas sa akin.Ganun pala ang pakiramdam ng malove at first sight. Nakakagaan ng pakiramdam.Hayyy ang sarap ng feeling ....^_________^

"Krisha?"

Sana makita ko ulit siya.

"Krisha!"

Hayy ang gwapo gwapo niya talaga...

"KRISHA!!!!"

"AY anak ka ng tipaklong! Tita naman ih! Wag nga po kayong manggulat!"

"Ako pa talaga ngayon hah?Eh Kanina pa kita tinatawag eh! Tulala ka diyan!"

"Sorry na po.Tara na po?"

"Tara na .Tapos na akong mamile."

"SIge po"

End Of FlashBack

Yung pakiramdam ko na iyon ay kailanman ay hindi ko makakalimutan.Na love at first sight ako sakanya na sa loob ng sampung taon ay hindi ko na ulit siya nakita pa.Oo sampung taon na ang nakakalipas at hanggang gayon ay umaasa pa rin akona sana makita ulit kita.Simula ng nangyari yun ay minahal ko siya.

Nagmahal ako ng taong isang beses ko lamang nakita sa tanan ng buhay ko.Nagmahal ako ng taong hindi ko kilala.Nagmahal ako ng taong hindi ko alam kung buhay pa o patay na ba. Binuksan ko ulit ang puso ko para sa iba ngunit hindi ko pa rin talaga nakikita kung sino ang the one ko.

Nandito ako ngayon sa isang mall para maggrocery.Naalala ko nanaman siya.Dito rin sa super market na ito kami una at huling nagkita ni Mr.Love At First Sight. Simula non ay yun na ang pantawag ko sa kanya.

"Huh! Huh!"

Arrrgghhh nakakainis ! Hindi ko maabot yung pack nung tissue ang taas naman kasi nasa pinakamataas nakalagay!Patuloy ko pa ring inaabot yung tissue kahit wala na talaga akong pagaaasa dahil masyado akong maliit.Nakakainis! Mayamaya ay may nakita na lang akong mahabang braso sa itaas ko na kumuha ng isang pack ng tissue.

"Miss eto na oh! Kawawa ka naman ehh... Kanina mo pa to inaabot pero di mo pa rin maabot.Hahaha...."

Aba! Sino tong lalaking to?? Ang hangin hah! Bubugbugin ko to eh porket kaya niyang abutin yun! Teka sino ba to? Pagkaharap ko sa kanya ay nagulat ako dahil siya si ........... si.............

"Mr. Love At First Sight??!!!"

"Huh? Anong sinasabi mo miss?"

"Ahhmmm... wala wala ahm salamat ."

"Wala yun sige bye!"

Sumaludo muna siya sakin bago siya tumalikod at magsimulang maglakad.Siya na matagal kong hinanap.minahal at kinalokohan ay makikita ko ulit dito sa supermarket na ito.Tapos sa sandaling oras pa?

"Te-teka! Sandali la-"

"Asawa ko ano tapos ka na ba mamili?Alis na tayo para makapagdate tayo."

"Ikaw talaga!Tara na po asawa ko alis na tayo."

Te-teka? Ano to? Kasal na ba siya?Bakit nya tinawag na 'asaw ko' yung babae yun? Sino ba yun? Anong relasyon nya doon?Kasal ba talaga sila?Si Mr. Love At First Sight na mahal ko hanggang ngayon,oo aaminin ko nung nakita ko siya ay nakaramdam ako ng kakaiba at yun na ang 'LOVE'.Ang tagal kong pinagdasal na sana makita ko ulit siya natupad nga pero gusto ko na makilala nya ako at sana ay mahalin niya ako pero bakit ganun.Kung kelan kami nagkita huli na ang lahat.Kasal na siya pero heto parin ako mahal siya at nananatiling mahal pa rin siya.Ganito ba talaga kasakit ang aking tadhana? Hanggang dito na lang ba kami?

Siguro nga ay hanggang dito na lang kami.SIguro hindi siya ang nakatadhana para sa akin.Isang taong hindi ko kilala at dalawang beses ko pa lamang nakikita sa tanan ng buhay ko ay sinaktan ako ng todo,winasak ang puso ko at pinaasa ako sa destiny na makikita ko ulit siya at siya ang the one ko.Nagsisisi ako sa lahat ng katangahan ko sa kanya.Umasa.Nagmahal.Ang sakit ang sakit na malaman hanggang dun lang ang lahat.

Siguro nga oras na para magmove-o ako at tanggapin ang lahat na hanggang dun lang yun.Oras na para huwag umaasa pa.Marami namang lalaki dyan na alam ko ay mamahalin ako ng totoo at alam ko.Yung siya na yung makakasama ko habangbuhay.Ang taong mamahalin ko.

"Kakalimutan ko ang lahat at tatanggapin......."

Kasabay ng pagkasabi ko non ay ang pagtalikod ko at ang pagtulo ng mga luha ko.....

Mr.Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon